embed embed2
Buntis? Ito Raw Ang Laman Ng Plato Mo Sabi Ng Eksperto
PHOTO BY Pexels
  • Maraming nagbabago sa pangagatawan mo kapag naging nanay ka na. Kaya naman, importante na tama ang pagkain ng buntis. Ayon sa mga eksperto, kung tama ang pagkain mo, may sapat kang ehersisyo, at nakakainom ka ng sapat na tubig, siguradong magiging healthy ang iyong pagbubuntis.

    What other parents are reading

    Sa isa sa mga episodes ng aming How Po? Series, idinetalye ni Dr. Maynila Domingo, isang obstetrician-gynecologist, kung gaano kahalaga na sundin ang tamang pagkain ng buntis. Ayon kay doktora, lagi siyang gumuguhit ng tinatawag na ‘healthy’ plate para sa kanyang mga pasyente.

    “Half ng plate mo, dapat, ang laman noon, fruits and veggies,” paliwanag niya. Dagdag pa niya, kailangan, iyong mga non-starchy type ng prutas ang kakainin mo. “Remember, starch, is equivalent to more sugar.”

    What other parents are reading

    Sumunod namang sinabi ni dok na dapat ¼ ng plato mo ang laman ay carbohydrates. “Kailangan mo ng carbs,” payo niya. “Hindi ka mabubuhay ng walang carbohydrates, lalo na kung pregnant ka. Remember, during pregnancy, you are required to increase your calorie intake by 300 kilo/calorie per day,” paliwanag niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon pa kay doktora, kailangan mong piliin kung anong klase ng carbohydrates ang kakainin mo. “Dapat ‘yung carbs mo, ‘yung high-fiber type,” sabi niya. “Kapag mas magaspang, mas okay.” Pagdating daw sa rice, mas maganda kung brown o red. Pwede rin ang quinoa kung mayroon kayong budget. “Sa bread, wheat bread, over white bread—mas fibrous ‘yun eh.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    Isang tip pa ni doktora na nakuha niya naman sa isang Harvard professor, kung wala kayong brown o red rice, pwede ninyong hugasan nang paulit-ulit ang white rice para bawasan ang starch nito. “What the can do to lessen the starch content, they can wash it until the water is clear. Sa unang kulo, throw [the water] away first, and then you replace the water until it cooks,” payo ni doktora. “By doing that, you lessen the starch by at least around 40%,” dagdag pa niya.

    Sabi pa ni doktora, kailangan ay isang uri lang ng carbohydrates ang pipiliin mo per meal. “Kung may rice na, wala nang bread, wala nang pasta,” sabi ni dok. “Uso kasi sa Pilipino ‘yung kanin ang ulam, pancit. ‘Yung kanin pinalaman sa pandesal. Puro carbs ‘yun.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Ang huling ¼ naman ng plato mo ay dapat na may lamang fats ang proteins. “There are good and bad sources of fats and proteins,” pagpapaalala ni doktora. “In general, mas okay sana ‘yung hindi red meat. White meat is better.”

    Nirerekomenda rin ni doktora ang pagkain ng isda. Ayon sa kanya, bukod kasi sa hindi ito fatty, magandang source din ito ng DHA. “Ang iiwasan lang nila, iyong mga mataas ang mercury,” dagdag niya.

    Kailangan din daw na umiinom ka ng dalawa hanggang tatlong litro ng tubig sa isang araw at dalawang baso ng gatas. “’Yung pagkain nilang ganon, they can combine it with 30 to 40 minutes of moderate exercise at least three times a week—para healthy ka pa rin during pregnancy.”

    Bukod sa mga payo ni doktora na ito, mahalaga na magtanong ka rin sa iyong sariling doktor para masiguro mong sapat at tamang pagkain ang nakukuha mo. Iba-iba kasi ang pangangatawan ng mga buntis. Maaaring may tamang pagkain na pwede sa iyo at hindi naman pwede sa iba.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Hindi mo ba napanood ang episode na ito ng How Po? I-click mo lang ito para mapanood ang mga nakaraang episodes namin, pati na rin ang mga paparating pa.

    What other parents are reading
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles