-
Love & Relationships Katamaran Ni Mister (At Ni Misis!) Kailan Okay At Kailan Nakakasira Ng Pagsasama
-
Home From 'Tambakan' To Organized Pantry! How This Mom Achieved Her Bodega Transformation
-
Home #ShareKoLang: Ipinasilip Ng Mga Nanay Ang Kanilang Mga Super Organized Freezers
-
Breastfeeding COVID-19 Positive Mom Shares What Her Breast Milk Looks Like
-
Sabi Ni Solenn: Think For Two, NOT Eat For Two
Sa kanyang pinakahuling vlog, idinetalye ni Solenn ang mga bagong natutunan niya pagdating sa pagkain at nutrition habang buntis.by Ana Gonzales .

PHOTO BY Solenn Heussaff/YouTube
Inumpisahan ni Solenn ang kanyang Baby Diary #1 sa pamamagitan ng isang tanong. Alam na nga ba talaga natin kung anong ibig sabihin ng nutrition at kung paano sisiguraduhing nutritious ang mga kinakain natin lalo na kung buntis tayo?
Sa kanyang blog, sinabi ng first time mom na akala niya ay kung itutuloy-tuloy niya ang nakasanayan na niyang pagkain nitong nakaraang anim na taon ay magiging okay din ang lahat. “I thought that because I’ve been eating healthy and as clean as possible for the past six years, I could just bring in my current eating habits into my pregnancy and things would be all good. But actually being preggo seriously changed all of that,” sabi niya. “During my last ultrasound, I found out from my OB that my baby was too small and that we both needed to catch up nutritionally,” dagdag pa niya.
Aminado ang first-time mom na nag-alala siya at nalito sa nalaman niya. Kilala ang aktres at TV host bilang disiplinado pagdating sa kanyang mga kinakain bago pa man siya naging ina. Sa katunayan, maraming followers ni Solenn ang hanga sa kanyang masasarap at nutritious na recipes.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMarami siyang natutunan sa kanyang pagsasaliksik kung ano nga ba talaga ang isang nutritious diet para sa isang buntis. Una, at isa sa mga pinakaimportanteng natutunan niya ay ang hindi pagkain para sa dalawang tao. “I learned that you aren’t actually supposed to eat for two. Depending on how much she weighs, a pregnant woman only needs to add an average of 400 calories on her regular diet,” pagdedetalye niya. “While you aren’t suppose to eat for two, you definitely need to THINK for two,” dagdag pa niya.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosMarami ang nagbabago sa katawan mo kapag buntis ka. Ibig sabihin nito, nagbabago rin ang iyong nutritional needs. Ayon kay Solenn, ang isang regular na healthy diet ay binubuo ng walong baso ng tubig, tatlong servings ng karne at isda, dalawang servings ng gulay at prutas, at lima hanggang pitong servings ng good carbohydrates o grains. Kapag buntis ka, kailangan mo itong dagdagan ng kalahating serving ng dairy o isang baso ng gatas, isa pang serving ng gulay at isa pang serving ng carbohydrates.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIbinahagi rin ni Solenn na kinailangan niyang gawin ang 3,000 calorie diet sa isang araw. “I was definitely not used to it, and at one point, I had such a hard time that I would just cry while eating,” pagbabahagi niya. “That’s why, if you’re planning to get pregnant, it’s important to understand all your nutritional needs and your baby’s right from the start, so you can eat as properly as possible, hopefully without needing to “catch up” like I am now,” dagdag pa niya.
Nagkaroon din ng pagkakataon si Solenn na lumipad sa Amsterdam sa tulong ng Aptamom, isang cereal bar para sa mga buntis, para bisitahin ang Nutricia, isang kumpanyang naniniwala sa kahalagahan ng tamang nutrisyon ng ina at sanggol. Ang pagkakataong ito ang nagbukas ng mata ni Solenn pagdating sa tamang paraan ng pagkain lalo na ngayong buntis siya.
Ito rin ang naging inspirasyon niya para sa kanyang tatlong Aptamom recipes:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWRecipe 1: Aptamom Açai Smoothie Bowl
PHOTO BY Solenn Heussaff/BlogIngredients:
2 to 3 frozen bananas
1 and a half teaspoon Açai powder
1 and a half cup fresh coconut milk (or cream)
Ice
Fruits of your choice, sliced, to top
Aptamom Cereal Bar in Berry Mix, chopped, to top
Dried blueberries to top
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW1 teaspoon chia seeds to top
Procedure:
1. Haluin sa blender ang frozen bananas, Acai powder, fresh coconut milk, at yelo. Isalin sa mangkok.
2. Lagyan ng iyong mga napiling sliced fruits. Ang ginamit ni Solenn ay mangoes, kiwis, strawberries, at passionfruit.
3. Lagyan ng iyong chopped Aptamom Cereal Bar in Berry Mix.
4. Lagyan ng dried blueberries at chia seeds.
Recipe #2: Apta Salad
PHOTO BY Solenn Heussaff/BlogADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIngredients:
For the salad:
Fresh greens, chopped
Melon, sliced
Strawberries or blueberries, sliced
Aptamom Cereal Bar in Berry Mix, chopped
Feta cheese (pasteurized if you’re pregnant!)
For the dressing:
Olive oil
Balsamic vinegar
Procedure:
1. Paghaluhaluin ang lahat ng sangkap sa isang mangkok.
2. Lagyan ng olive oil at balsamic vinegar.
3. Haluin hanggang malagyan ng dressing ang bawat ingredient.
What other parents are reading
Recipe #3: Aptamom Banana Shake
PHOTO BY Solenn Heussaff/BlogADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIngredients:
1 cup of milk of your choice (I use almond milk)
2 to 3 frozen bananas
1 tablespoon nut butter (I use almond butter)
1 teaspoon maple syrup
Cinnamon powder to taste
Aptamom Cereal Bar in Raisin and Chocolate, chopped
Bananas to top, sliced
1 teaspoon flax seeds to top
1 teaspoon chia seeds to top
Maple syrup to top
Procedure:
1. I-blender ang lahat ng ingredients at isalin sa baso.
2. Lagyan ng sliced bananas, flax seeds, chia seeds, at maple syrup.
Ilan lang ‘yan sa mga recipes na pwede mong gawin gamit ang Aptamom bars. Para makasigurong tama ang nutrition na nakukuha mo at ng iyong anak, ugaliing regular na magpatingin sa iyong doktor.
Mayroon ka bang recipes na gamit ang Aptamom? Pwede mo itong i-share sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network