embed embed2
Pwede Bang Uminom ng Antihistamine ang Buntis?
PHOTO BY iStock
This article was translated into Filipino via Google Translate. To read the original story in English, click here.
  • Noong buntis ako, hindi talaga ako nakakatulog dahil sa sobrang kati ng balat ko. Nagtanong ako sa mga kaibigan ko na naunang nabuntis at nanganak sa akin ngunit nadismaya ako na ang ipinayo lang nila sa akin ay ang dagdagan ang pagmomoisturize para hindi ko kamutin ang tiyan ko. Pero kahit nag moisturize na ako, makati pa rin at kinakamot ko pa rin ang aking tiyan.

    Tipikal nga ba ang pangangati ng balat sa mga buntis? Oo. Bisitahin ninyo ang aming Facebook group na Smart Parenting Village, at makakakilala ka ng maraming ina na nagrereklamo tungkol din sa pangangati ng kanilang balat. Sa isang Facebook Live Chat With Experts kasama si Dr. Gergen Marie Lazaro-Dizon, isang obstetrician-gynecologist ng Makati Medical Center, sinabi niya na normal lang sa mga buntis na makaranas ng pangangati dahil sa tinatawag na increased blood supply sa balat. Dahil patuloy na lumalaki ang iyong tiyan para bigyang daan ang iyong baby, nag-eexpand ang iyong balat na nagiging dahilan ng pangangati.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ngunit kahit normal ang rashes at pangangati ng balat habang buntis, kailangan mo pa ring pumunta sa iyong doctor para masigurong walang ibang dahilan ang pangangati ng iyong balat. Ayon pa kay Dr. Lazaro-Dizon, kung ang rashes sa iyong balat ay naging patches, maaaring ito ay pruritic urticarial papules and plaques of pregnancy o PUPPP.

    More from Smart Parenting

    Ayon sa American Academy of Obstetricians and Gynecologists (ACOG) ang PUPPP ay isang rare hives-like rash na hanggang ngayon ay hindi matukoy kung saan nagmula. Ang mga PUPPP rashes ay lumalabas sa tiyan at karaniwan at nasa loob ng stretch marks. Unti-unti itong kakalat sa binti, paa, braso, dibdib, at leeg. 

    Ang PUPPP ay karaniwang nawawala pagkatapos manganak. Hindi man ito nakakaapekto sa kalusugan ng iyong anak, mahirap pa rin kung mayroon kang PUPPP dahil sobrang kati nito. "You have to consult a dermatologist so that she can give you medication for relief," ayon sa mga doctor.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang sobrang pangangati ng balat, lalo na sa kamay at paa ay maaaring sintomas ng common liver problem na nangyayari sa isang  intrahepatic cholestasis of pregnancy (ICP) or cholestasis of pregnancy (CP).

    More from Smart Parenting

    Ayon sa What To Expect When You're Expecting, nangyayari ang ICP kapag ang normal na daloy ng bile ay apektado ng pregnancy hormones. Kalimitan, nagsisimula ito sa third trimester. Nakukumpirma ito sa pamamagitan ng blood test o liver test. Nawawala rin ito pagkapanganak, ngunit kailangan kang bantayan ng doctor sa buong pagbubuntis mo dahil pinatataas ng ICP ang risk ng pagkakaroon ng fetal distress, preterm birth, at maging stillbirth.

    More from Smart Parenting

    Ang makating balat at pantal ay pregnancy symptoms na hindi maaalis hanggat hindi ka nanganganak, ngunit mayroon ka namang maaaring gawin para mabawasan ang discomfort. Maaari kang maligo ng mas madalas, ngunit siguraduhin mong mild na sabon lang ang gagamitin mo. Iwasan mo ding ma-expose ng masyado sa init ng araw at siguraduhin mong maluwag ang mga damit na susuutin mo at gawa ito sa breathable fabric.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaaring resetahan ka ng doctor ng vitamin K dahil nakakaapekto ang ICP sa healthy blood clotting. Ayon kay Dr. Lazaro-Dizon, ligtas par sa mga buntis na uminom ng gamot sa pangangati tulad ng antihistamine. Maging ang mga topical creams at lotions ay ligtas din, ngunit kailangang iriseta muna ito sa iyo ng iyong ob-gyn at dermatologist. 

    More from Smart Parenting

How is the Filipino translation of this article?
Thank you for submitting your feedback!
View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles