embed embed2
Alamin: Totoo bang Nakakasira Ng Ngipin Ang Pagbubuntis?
PHOTO BY @Atrfoliophoto/iStock
This article was translated into Filipino via Google Translate. To read the original story in English, click here.
  • Kapag ikaw ay buntis, nais mong maging pinakamabuti ang iyong kalusugan at gawin ang iyong katawan na isang kaaya-ayang daluyan para sa buhay na lumalaki sa iyong sinapupunan. Kaya, binabantayan mo ang iyong kinakain, umiinom ka ng mga bitamina, at nag-e-ehersisyo nang katamtaman. Gayunpaman, kadalasang naisasantabi na sa "pangkalahatang kalusugan" ay kasama rin kalusugan ng bibig, ngipin at iba pa na tinatawag ding oral health.

    Ang oral health ay hindi lamang tungkol sa pangangalaga ng ngipin kundi pati na rin sa pangangalaga ng mga gilagid at lalamunan. Sa panahon ng iyong pagbubuntis, marami rin ang pagbabago na nangyayari sa iyong katawan at hindi ligtas dito ang iyong mga ngipin, gilagid at bibig. Sa katunayan, sinabi ng WebMD na kung ikaw ay may problema sa gilagid, maaari itong mapalala ng iyong pagbubuntis.

    Nakakasira ba ng ngipin ang pagbubuntis?

    Meron ding pamahiiin o lumang paniniwala na nagsasabing “gain a child, lose a tooth” (“magkaroon ng isang anak, mawalan ng isang ngipin”) na agad namang pinabulaanan ng mga health experts o mga eksperto sa kalusugan dahil sinasabi nila na nakakasira ng ngipin ang pagbubuntis. Bagama't totoo na kailangan ng calcium upang mabuo ang buto at ngipin ng sanggol, ang nutrient na ito ay magmumula sa diet o madalas na kinakain ng ina at hindi sa kanyang buto. Kapag kulang ang nakukuha niyang mineral mula sa kanyang diet, tsaka lamang kukuha ang katawan ng sanggol ng suplay ng calcium mula sa mga nakatagong calcium sa buto ng ina kaya mahalaga ang magkaroon ng sapat na nutrisyon sa mga panahong ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Ang mga karaniwang problema na kinakaharap ng mga ina tuwing nagbubuntis ay ang pagdurugo ng mga gilagid (gingivitis), marupok na ngipin, pangingilo, sakit ng ngipin, pagkabungi at pamamaga ng gilagid. Ayon sa mga miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village, nagdadalawang isip sila na magpagamot dahil sa takot na baka maapektuhan ng paginom ng gamot at pagsailalaim sa tests (tulad ng dental X-ray) ang kanilang pagbubuntis. Binahagi ng isang ina ang sinabi sa kanya ng kanyang dentista na pwede kang magpagamot ng ngipin kahit nasa ikalawang trimester ka na ng pagbubuntis basta pinayagan ka ng iyong ob-gyn. Niresetahan siya ng kanyang ob-gyn ng calcium supplements.

    Maliban dito, isa pang epekto ng pagbubuntis sa oral health ay may kinalaman sa kulay at itsura ng mga ngipin. Sa isang bagong post ng The Sun, isinulat ng British reality star na si Stacey Solomon ng palabas na The X Factor ang kanyang karanasan sa kanyang ikalawang pagbubuntis. Siya ay may maayos na ngipin at magandang dental record, ni wala siyang tooth fillings o pasta, hanggang sa nangyari ang kanyang ikalawang pagbubuntis.

    “Sa mga unang buwan ng aking pangalawang pagbubuntis, mas madalas ko pang kitain ang dentista kaysa sa aking komadrona o midwife. Marami akong dinanas at tiniis na problema tungkol dito.”

    “Hanggang sa mga panahon na iyon, wala parin akong filling o pasta sa ngipin tapos bigla na lang kinailangan i-drill o butasin ang ngipin ko sa kaliwa, kanan at gitna. Naging kakaiba rin ang kulay ng aking ngipin at kinailangan kong ipatanggal ang iba dahil sa mga sira nito. Kinalaunan ay puno na ng fillings o pasta ang aking mga ngipin,” dagdag niya sa kanyang isinulat.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

    Laking pasasalamat niya na umayos ang kanyang kondisyon noong nasa ika-apat na buwan na siya ng pagbubuntis. Pero noong mga panahong iyon, ang mga ngipin niya ay kulay kayumanggi na at nabubulok kaya nahihiya na siyang ngumiti.

    Sinabi ni Stacey na ang kanyang pagbubuntis ay naging sanhi kung bakit takot na siyang ngumiti.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Si Stacey na may natural na ngipin

    At dahil gusto niya talaga maibalik ang kanyang mga ngipin sa dati nitong itsura, pumayag siya noong iminungkahi ng dentista niya ang veneers. Ito ay manipis na layer na ipapatong sa ibabaw ng iyong natural na ngipin. “Ngunit ang katotohanan ay hindi na talaga maibabalik ang dati nitong anyo,” sabi niya sa kanyang isinulat.

    Hindi siya masaya sa kanyang “pekeng” ngiti

    Hinding-hindi siya naging masaya sa resulta nito. “Ang mga ngipin ko ay naging masyadong mabilog at naging sobrang puti. Hindi lang iyon, hindi komportable ang pakiramdam ko dahil hirap akong isara ang aking bibig at natatakot ako na may matatanggal at tatalsik akong ngipin anumang sandali.”

    Sinabi niya na kinailangan niya ng lakas ng loob upang makabalik sa dentista pagakatapos ng ilang taon para ipaayos ang kanyang ngipin pero sa pagkakataong ito mas naging maganda at maayos ang resulta. Sinabi niya ng may bahagyang kalungkutan, “Habang buhay akong magmumukhang bahagyang peke at malamang na mas magmumukhang may edad na dahil sa aking ngipin.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Si Stacey at ng kanyang bagong veneers

    Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang mga kababaihan na may malubhang kaso ng periodontal disease o sakit sa ngipin ay walong beses na mas posibleng managanak ng maaga o sa hindi wastong panahon kaysa sa mga walang sakit.

    Para mapanatili ang kalusugan ng iyong ngipin at bibig, ugaliing bumisita sa iyong dentista (mas ideyal kung bago ka magbuntis), kumain ng wasto at sapat na dami ng pagkain at ipagpatuloy ang iyong oral hygiene routine.

    What other parents are reading

How is the Filipino translation of this article?
Thank you for submitting your feedback!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close