Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Maraming moms-to-be ang nagsasabing mas gusto nila ang manganak ng vaginal delivery dahil sa mas mabilis na magpagaling at makababalik agad sa mga normal na gawain. Pero bago pa man ang panganganak, maraming bagay rin ang dapat na paghandaan, tulad ng mararanasang perineal tears.
Bukod kasi sa pinansyal at emosyonal, kailangan din ang pisikal na kahandaan upang maging maayos ang panganganak.
Ang ibang buntis ay maraming ginagawang ehersisyo gaya ng Kegels na nagpapalakas ng pelvic floor para sa panganganak. Nagsasagawa naman ang iba pa ng perineal massage kapag nasa 34 weeks na sila ng pagbubuntis para lumaki ang birth canal.
Naghahanda o nagsasanay naman ang iba ng tamang paghiga at pag-ire para sa maayos na paglabas ng baby sa kanilang sinapupunan. Subalit may isang bagay pa rin ang hindi maiiwasan din sa panganganak: ang pagkakaroon ng perineal tears o vaginal tears kapag vaginal o normal delivery.
Mga dapat malaman tungkol sa perineal tears
Para sa buntis sa unang pagkakataon at nagnanais ng vaginal delivery, mainam na malaman ang mararanasa na pagkapunit ng perineum. Ito ang parte ng katawan sa pagitan ng tumbong (anus) at puwerta (genitals).
Ang perineal tear ay nangyayari habang nanganganak
Nararanasan ng mga nanganganak ang perineal tears dahil sinusubukan ang kanyang baby na matulak papalabas ng birth canal papuntang vaginal opening. Nauuna ang ulo ng baby kapag normal na posisyon ng paglabas nito. Kasinlaki ito ng cantaloupe, o suha.
Bagaman nababanat ang muscle na nilalabasan ni baby, nagreresulta pa rin sa pagkapunit ng perineum ang paglalabas niya mula sa sinapupunan ng kanyang mommy. Kadalasang tinatahi ang punit sa perineum gamit ng sinulit na natutunaw o iyong dissolvable stitches para mapabilis ang paggaling ng bahaging apektado.
First-time moms ang karaniwang nakararanas ng perineal tears
Dahil sa matibay pa ang perineum sa unang panganganak kaya normal na mararanasan ng mga first-time mom ang perineal tears. Posible rin na magkaroon pa rin nito ang hindi na first-timer kapag:
- Labis ang timbang ni baby na ipapanganak
- Matagal ang pagla-labor ng isang manganganganak
- Assisted na panganganak gamit ang forceps at vacuum
Ang perineal tear ay gumagaling sa loob ng isang linggo
Pero depende pa rin ito sa degree ng sugat o pagkapunit ng perineum. Ang unang degree ng perineal tear ay gumagaling sa loob ng 7-10 araw pero kapag malala ang pagkapunit mas tumatagal ang paghilom.
Ang mga nasa ikatlo at ikaapat na degree ang umaabot nang buwan bago bumalik sa normal na gawain ang isang bagong panganganak.
Hindi permanenteng pinsala ang hatid ng perineal tears
Iba-iba ang kaso ng bawat babaeng nanganganak na may punit ang perineum. Gaya sa naunang nabanggit, batay ito sa kung gaano kalala ang naging pagkapilas ng perineum. May iba’t ibang degree din kasi ang ikinokonsidera. Gayunpaman, naghihilom ang mga ito sa tamang panahon.
3 degrees ng perineal tears
First degree
Ang unang antas ay hindi nangangailangan ng tahi dahil ang punit ay nasa perineal skin sa may vaginal opening at nasa tissue sa ilalim ng balat. Gumagaling ito sa loob ng mula 7 hanggang 10 araw. Pero makapagdudulot din ito ng masakit o mahapding pag-ihi.
Maaari ring makaranasan ng ibang sakit habang gumagawa ng mga gawain gaya ng pagdumi, paglalakad nang mabilis, pag-ubo at pagbahing, at pakikipagtalik sa iyong asawa.
Second degree
Pinakakaraniwan namang itinuruting ang ikalawang antas, na ang punit ay nasa balat at muscle sa bahagi ng vagina at anus. Nangangailangan ito ng pagtahi dahil kadalasang mas malalim ang punit na nakaapekto sa vaginal lining at malalim na tissue.
Halos kapareho ang kirot na mararanasan sa first degree at second degree.
Third degree
Ang ikatlong antas ay nangangailangan ng anesthesia para matahi at maiayos ang punit ng apektadong layer ng tissue. Malawak ang perineal tear na ito sa vagina at umaabot hanggang sa muscle ng anal sphincter.
Tumatagal ng ilang buwan ang pagpapagaling ng sugat at nangangailangan din ng dagdag na pagi-ingat sa sarili. Mas matindi rin ang naidudulot na discomfort nito lalo na sa paggawa ng mga pang-araw-araw na gawain. Maaaring mas matagal din ang pagbabalik ng normal na vagina ng bagong panganak.
Fourth degree
Ang ikaapat at huling antas na nangyayari kapag suhi ang paglabas ng sanggol (breech birth) o sumasailalim ang kanyang nanay ng assisted delivery. Umaabot ang pinsala ng punit sa anal sphincter papuntang rectal mucous na rectal lining.
Ibig sabihin, mas malalim talaga ang sugat kaya higit na mas kailangan ang pangangalaga at atensyon habang inooperahan. Mas mahaba rin ang paggaling na umaabot ng ilang buwan at may kasamang epekto sa pagkilos ng pelvic floor.
Mga dapat gawin sa paghilom ng perineal tears
Ang unang dapat gawin pagkatapos mong manganak ay magkaroon ng sapat na pahinga para mapabilis ang paggaling.
Bagaman mahirap na maiwasan na hindi maranasan ang perineal tear, may ilang bagay na dapat gawin para mapabilis din ang iyong paggaling. Siyempre mahalagang sundin ang ipapayo ng iyong ob-gyn. Mahalaga rin na pagkapanganak ay bumalik sa iyong doktror upang matingnan kang mabuti.
Subukan ang mga sumusunod:
1. Nakatutulong ang paglalagay ng cold compress o ice packs sa perineal tear para mabawasan ang pamamaga at nakapagbibigay rin ito ng ginhawa sa apektadong bahagi ng katawan. Gawin ito nang hindi hihigit sa 20 minuto lamang para maiwasang mapinsala ang nerve.
2. Panatilihing malinis at tuyo ang apektadong bahagi, pati na ang buong katawan. Makatutulong ito upang makaiwas sa anumang impeksyon habang nagpapagaling. Huwag ding kuskusin ang perineal tear at gumamit ng gasa o malinis na tuyong damit kapag pinapatuyo ito. Ipinapayo rin ng doktor ang paggamit ng Betadine feminine wash na may 7.5% solution.
3. Uminom ng maraming tubig at kumain ng maraming fiber o isama ito sa iyong diet para hindi mahirapan sa pagdumi. Kung minsan, may inirereseta rin ang mga doktor para mapalambot ang dumi para hindi maging constipated.
4. Isama sa pagligo ang sitz bath (basahin dito). Nakapagbibigay ng ginhawa ang pag-upo sa sitz bath tatlong beses sa loob ng 20 minuto. Maaaring maglagay rin ng mainit na water bag.
5. Mas magiging komportable ang iyong pag-upo kung gagamit ka ng malambot na upuan. Maaaring maglagay ng malambot na unan sa iyong uupuan o iyong hugis donut.
6. Palagiang pagpapalit ng maternity pad kada 4 o 6 na oras para maiwasan ang impeksyon.
7. Tamang pag-inom ng gamot na irereseta ng iyong doktor na makatutulong para higit na maging komportable at mabawasan ang sakit sa bahagi ng perineal.
Sa lahat din ng nabanggit, higit na mahalaga talaga ang pagkakaroon ng wastong pahinga lalo na kung bagong panganak at kailangan mong alagaan ang iyong bagong silang na sanggol. Makatutulong ang pagkakaroon ng sapat na pahinga para mapabilis ang paggaling ng iyong sugat.
Paalala naman ng mga doktor na kapag may napansing kakaiba sa natamong perineal tears, agad na komunsulta upang maagapan ang paglala ng sugat o baka sakaling naimpeksyon ito. Kapag may hindi kaaya-ayang amoy o mas tumitindi din ang sakit na nararamdaman, agad na ipaalam sa iyong ob-gyn.
---
Mga pinagkunan ng Impormasyon:
Vaginal Tears During Childbirth
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/21212-vaginal-tears-during-childbirth
'Ramdam Ko Yung Karayom At Sinulid': Moms Share What It's Like To Have Vaginal Tear
Read also: Moms Share Tips To Heal Episiotomy, Vaginal Tear Faster