postpartum,fetus,miscarriage,pregnancy complications,pregnancy loss,pregnancy journey,Medical Health,sc24,pregnancy method,full-term pregnancy,postpartum depression (ppd),con00390,Postpartum After Miscarriage | Smart Parenting,Medical Health,pregnancy complications,pregnancy method,full-term pregnancy,pregnancy journey,miscarriage,fetus,postpartum depression (ppd),pregnancy loss,postpartum,Mga dapat gawin para hindi tumuloy sa postpartum depression matapos ang miscarriage.
PregnancyLabor & Childbirth

Postpartum Depression After Miscarriage: Mga Dahilan, Sintomas, At Maaring Gawin

Traumatic na karanasan ang makunan at kailangang humingi ng tulong kung nakararanas ka ng depressive symptoms.
PHOTO BYADOBE

Editor's Note: Ang sumusunod ay para sa educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ang impormasyon na kapalit ng konsulta sa doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na nararapat sa pangangailangan mo.

Postpartum after miscarriage ang isang bagay na hindi gaanong napag-uusapan.
Napakahirap at napakasakit mawalan ng anak. Paano pa kung mawala ito habang nasa sinapupunan pa lamang ng ina?

Nangyayari ang miscarriage sa 1 sa 4 babaeng alam na sila’y buntis. Karamihan ng miscarriages ay nangyayari sa first trimester.

Paliwanag ng mga eksperto, ang mga babaeng nagkakaroon ng postpartum after miscarriage ay mas sensitibo sa hormonal changes na nangyayari. May epekto kasi ang mga ito sa pagkakaroon ng depressive symptoms sa postpartum period. Sampu hanggang labinlimang porsyento ng mga babae ang nakararanas ng mas malala at disabling na depression pagkatapos makaranas ng pregnancy loss. Karamihan ng mga babae ang nagsasabing nakararanas sila ng psychological distress pagkatapos makunan. Kaya’t isa sa sampung babae ang nada-diagnose ng major depression.

"Because it is medically common, the impact of miscarriage is often underestimated," paliwanag ni Dr. Janet Jaffe, clinical psychologist sa Center for Reproductive Psychology sa San Diego at co-author ng 2010 book "Reproductive Trauma: Psychotherapy with Infertility and Pregnancy Loss Clients."

RELATED: 'Gawa Nalang Kayo Ulit,' And Other Things You Should Never Say To Someone After A Miscarriage

"But miscarriage is a traumatic loss, not only of the pregnancy but of a woman's sense of self and her hopes and dreams of the future. She has lost her ‘reproductive story,' and it needs to be grieved," dagdag pa ni Jaffe.

Sa artikulo ni Dr. Rebecca Cohen para sa The American College of Obstetricians and Gynecologists, ipinaliwanag niya ang sumusunod:

Karamihan sa mga kaso ng miscarriage ay nangyayari sa unang trimester, bago ng 13 linggo ng pagbubuntis. Marami ding nakukunan bago mag-10 linggo. Early pregnancy loss ang tawag kung sa first-trimester ang miscarriage. Iba-iba rin ang treatments na isinasagawa sa second-trimester miscarriage.

watch now

Risk Factors

  • History ng depression o mood disorders
  • Kakulangan sa social support
  • Unang beses na nakunan

Karaniwang nakararanas ang isang babae ng rollercoaster ng mga emosyon, kasabay ang pisikal na mga sintomas, habang nagri-recover matapos makunan. Mood disorders tulad ng bipolar disorders, depression o anxiety ang ilan sa nararanasan ng mga kapapanganak pa lamang at ng mga nakukunan.

Ang paghilom o pagiging okay mula sa ganitong karanasan ay hindi rin namamadali o nabibigyan ng deadline. Maaaring shock, matinding kalungkutan, galit, at iba pang mga emosyon ang maramdaman.

Nasa 30% hanggang 35% sa kanila ang maaaring mauwi sa postpartum depression. Kung nakaranas na rin sila ng postpartum sa nauna nilang pregnancies at panganganak, mataas ang posibilidad na ito'y maulit.

Mga Sintomas

  • Kawalan ng pag-asa
  • Matinding kalungkutan
  • Kawalan ng interes sa mga bagay-bagay

Mainam kung may ebalwasyon din ng doktor alinman sa mga sintomas ang nararamdaman.

Mga Sanhi

Ano-ano ba ang mga sanhi ng miscarriage?

Sa unang trimester, ang pinakakaraniwang sanhi ng miscarriage ay chromosomal abnormality. Mayroong hindi tama sa chromosomes ng iyong baby. Ang mga abnormalidad dito ang sanhi ng damaged egg o sperm cell, o kaya nagkaproblema noong dumaan ang zygote sa division process. Maliliit na structures sa loob ng cells ang chromosomes. Ang mga ito rin ang may dala ng napakaraming genes, ang basic unit ng heredity. Mahirap tukuyin ang sanhi ng pagkalaglag ng baby dahil napakarami ng posibleng dahilan nito.

Narito ang iba pang sanhi ng pagkalaglag ng sanggol sa sinapupunan:

  • Infection
  • Exposure sa environmental at workplace hazards, katulad ng mataas na levels ng radiation o toxic agents
  • Hormonal irregularities
  • Hindi maayos na pagdikit ng fertilized egg sa uterine lining
  • Edad ng babaeng nagbubuntis
  • Uterine abnormalities
  • Incompetent cervix (Lumalaki ang cervix at maagang nagbubukas, sa kalagitnaan ng pagbubuntis, nang walang senyales ng pananakit o labor)
  • Lifestyle factors kagaya ng paninigarilyo, pag-inom ng alak, at paggamit ng bawal na gamot
  • Disorders ng immune system katulad ng lupus, isang autoimmune disease
  • Malubhang sakit sa atay
  • Congenital heart disease
  • Diabetes
  • Thyroid disease
  • Radiation
  • Mga gamot, kagaya ng acne drug isotretinoin (Accutane®)
  • Severe malnutrition

Tandaang wala ring ebidensya na ang stress, moderate exercise, o pakikipagtalik ang dahilan ng miscarriage.

Ano-ano ang Treatments para sa Miscarriage?

Tatlo sa pangunahing prosesong sinusunod para sa mga babaeng nakunan ang sumusunod:

  • expectant management
  • medication
  • dilation at curettage

Lahat ng ito’y may isang layunin-kailangang matanggal lahat ng pregnancy tissue na naiiwan sa matris o uterus.

Gaano Ba Katagal ang Postpartum Depression?

Walang tiyak na haba ng panahon ang postpartum after miscarriage. Ang paghilom o pagiging okay mula sa ganitong karanasan ay hindi rin namamadali o nabibigyan ng deadline. Maaaring shock, matinding kalungkutan, galit, at iba pang mga emosyon ang maramdaman. Karaniwan ding makaramdam ng takot para sa susunod na pagbubuntis.

Inirerekomenda rin ang screening mula anim na linggo matapos makunan upang matukoy ang depressive symptoms na nararamdaman ng pasyente.

Kahit ang mga lalaki ay apektado rin kapag nakunan ang kanilang asawa. Karaniwan ding makaramdam sila ng feelings of loss at inadequacy.


Mga Dapat Gawin Kung Nakararanas ng Postpartum Depression

Maghanap ng mga makakausap na kaibigan, kapamilya, OB-GYN, o mental health professional. Kung nakararamdam na gusto mong saktan ang sarili dahil sa sama ng loob, agad na humingi ng tulong at maaari ding tumawag sa iyong doktor.

Mayroon ding support groups at resources na maaaring makatulong. Tandaang hindi mo kasalanan kung nakunan ka.

Tulad ng tinalakay na natin sa itaas, karaniwang dahilan ang hindi normal na pagbubuntis. Madalas, ang itlog o ang sperm ay nagde-develop nang mas marami o mas kaunting chromosomes, at nauuwi sa pagkalaglag ng sanggol. Hindi ito kontrolado ng tao, at kahit mga doktor ay walang magagawa rito.

RELATED: From Dragon Baby To Rainbow Baby— Every Child Is Once In A Lifetime

Tandaan ding posible pa ring magkaroon ng healthy pregnancy matapos makunan. Komunsulta sa doktor upang makatanggap ng sapat na gabay at payo.

Karaniwang inirerekomenda ng doktor na maghintay muna ng isa hanggang tatlong normal periods bago muling subukan na makabuo. Siguraduhin ding emotionally prepared ka na sa susunod na pagbubuntis.

Magkakaiba rin ang emotional reactions ng mga tao. Ang ilan ay nakararamdam ng lungkot at pagluluksa. Ang iba naman, relief ang nararamdaman. Sa iba ay halo-halong mga emosyon. Lahat ng ito ay normal, mahalaga lamang na maproseso ang mga ito.

Mga Payo para sa mga Dumanas ng Miscarriage

Nagbahagi ang Miscarriage Association ng tips para sa mga dumanas o dumaranas ng postpartum after miscarriage.

Narito ang mga paraan para makayanan at malampasan ang lungkot at depresyon:

  • Mas alagaan ang sarili at ang self-esteem
  • Pagtibayin ang kumpiyansa sa sarili
  • Makipag-usap sa ibang dumanas din ng miscarriage
  • Tandaang normal ang lahat ng iyong nararamdaman
  • Bigyan ng panahon ang sarili para magluksa
  • Hayaang makapag-adjust ang isip at katawan sa trauma na iyong naranasan
  • Magsimula ng bagong skill o hobby
  • Sumali sa mga organisasyong interesante para sa iyo
  • I-challenge ang sarili. Halimbawa, magbawas ng timbang

Ilan pa sa nakatutulong ay ang yoga, acupuncture, at mga gentle exercise para mas kumalma. Nakatutulong din ang pagbuo ng vision-board, pagsusulat sa journal, at pagiging busy sa bahay man o sa trabaho.

Tandaang sa pinaka-challenging na mga sandali higit na kailangang maging mas mabuti sa sarili. Maghanap din ng mga makapagpapasaya sa iyo. Iwasan munang mapag-isa palagi. Malaking tulong din kung kasama mo ang iyong partner o asawa sa pagharap sa lahat ng pagsubok na dala ng pagkawala ng inyong baby.

At huli, komunsulta sa mga propesyonal na mental health support providers at mga doktor. Uminom ng gamot na irereseta sa iyo at kung kinakailangan, sumailalim din sa counselling sessions.

Mas madali na rin ngayon ang paghahanap ng tulong at suporta dahil mayroon na rin web-based support systems.

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor?

Anoman ang mapipili mong paraan ng pag-cope at treatment, sikaping may access ka sa professional, medical service.

Tawagan din ang OB-GYN sakaling nakararanas ka ng sumusunod:

  • Heavy bleeding (agad na napupuno ang 2 menstrual pads sa loob ng 1-2 oras lamang)
  • Mataas na lagnat
  • Hindi komportableng pakiramdam
  • Panginginig, matinding pananakit ng katawan, at iba pang mga sintomas

Hindi karaniwan ang matinding pagdurugo at impeksyon kung kaya’t mas mainam na magtungo agad sa pinakamalapit na ospital at doktor.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close