Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Kailan Dapat Umire Kapag Nanganganak: Mas Maaga, Mas Mabuti, Ayon Sa Isang Pag-aaral

    Ang pagkaantala ng pagtulak ay maaaring magpahaba ng labor at madagdagan ang mga panganib sa kalusugan para sa ina at sanggol.
    by Rachel Perez .
Kailan Dapat Umire Kapag Nanganganak: Mas Maaga, Mas Mabuti, Ayon Sa Isang Pag-aaral
PHOTO BY iStock
This article was translated into Filipino via Google Translate. To read the original story in English, click here.
  • Isa sa mga kadalasang itinatanong ng mga magiging nanay sa mga kaibigang naranasan nang manganak ay, “Kailan dapat umire para lumabas si baby?” Natural lang na gusto mong maging handa. Karaniwan ring inaalala ng mga first-time mom ang sakit ng panganganak, at kung ang pag-ire sa maling oras (masyadong maaga o masyadong huli) ay magdudulot ng posibilidad na sumailalim sila sa c-section.

    Kadalasan ay inaantala ng mga doktor ang pag-ire sa labor hanggang ang cervix ng babae ay “fully dilated” na at may sukat na 10 centimeters. Sa pagkakataong ito, na pwedeng tumagal mula dalawang minuto hanggang dalawang oras o higit pa, sinasabihan ang nanay na itulak palabas o umire (nang parang tumatae) kung nakakaramdam ito ng matinding kagustuhan na umire.

    Ang teorya sa likod ng pag-antala ng pag-ire ay para mag-contract ang uterus at mahikayat ang kusang paglabas ng sanggol. Pinaniniwalaan na nakakatulong itong padaliin ang panganganak para sa mga ina at madagdagan ang posibilidad ng matagumpay na vaginal birth.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero ayon sa isang bagong pag-aaral, hinihikayat na maging maaga ang pag-ire kaysa patagalin pa ito o hanggang fully dilated na ang cervix. Ito ang unang malawakang pag-aaral na nagpapakitang ligtas ito at nagsasabing walang epekto ang haba ng pag-ire sa kung makakapanganak sila ng normal o sasailalim sa C-section.

    Inaral ng mga researcher mula sa Washington University School of Medicine sa St. Louis ang data ng mahigit 2,400 na first-time moms. Lahat sila ay dumaan ng labor sa kanilang ika-37 linggo ng pagbubuntis at nakatanggap ng epidural para makayanan ang sakit ng panganganak. Hinati sila sa dalawang grupo; ang isa ay para umire ng maaga at ang kabila naman ay maghihintay ng isang oras bago umire.

    Ang pag-aaral, na nilathala sa Journal of the American Medical Association (JAMA), ay nagsasabi na walang kinalaman ang pag-ire sa panganganak na nangangailangang sumailalim sa C-section. Ipinakita na ang parehong grupo ng mga kababaihan ay merong 85% na success rate sa panganganak ng normal (vaginal delivery).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May mga magandang naidudulot rin ang pag-ire ng maaga para sa mga ina at kanilang sanggol. Ang mga babaeng maagang umire ay may 40% posibilidad na makaiwas sa matinding pagdurugo at 30% posibilidad na hindi makakuha ng impeksyon kumpara sa mga babaeng nag-antay ng isang oras bago umire. Pwede pa nitong paiiksiin ang labor ng kalahating oras! Napakahirap manganak, at walang babae na gugustuhing pahabain pa ito kung hindi kinakailangan.

    Meron ring mabuting epekto ang pag-ire ng maaga kay baby. Ang mga sanggol ng mga babaeng umire ng maaga ay may malaking posibilidad na makaiwas sa sepsis, isang matinding komplikasyon na dulot ng pagkakaroon ng impeksyon.

    Dapat tandaan na ang ibig-sabihin dito ng maagang pag-ire ay kapag fully dilated na ang cervix. Alam ng iyong doktor kung paano ka niya gagabayan sa panahon ng labor.

    Ngunit para sa mga kababaihang tumanggap agad ng gamot para mabawasan ang sakit, maaring hindi nila maramdaman ang natural na kagustuhan na umire. Bahala na ang mga doktor na gabayan sila at sabihin kung kailan dapat umire ang pasyente.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "First-time moms with regional anesthesia should not delay pushing with the intent that they will increase the chance they will have a vaginal delivery," sabi ni lead researcher Dr. Alison Cahill, pinuno ng maternal-fetal medicine ng Washington University School of Medicine sa St. Louis, sa HealthDay. (Hindi dapat iantala ng mga first-time mom na tumanggap ng regional anesthesia ang pag-ire sa pag-aakalang makakatulong itong magkaroon ng vaginal delivery.) Dagdag pa niya, ang pag-ire ay "associated with longer labor time and higher health risks to mothers and babies." (may kinalaman sa mahabang oras ng panganganak at mapanganib para sa ina at kanyang sanggol.)

    Bawat pagbubuntis ay iba, at ganoon din sa panganganak. Binago na ng World Health Organization (WHO) at ng American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG) ang guidelines para hikayatin ang natural na proseso ng labor at pagsilang nang walang tulong na hindi kinakailangan.

How is the Filipino translation of this article?
Thank you for submitting your feedback!
View More Stories About
Recommended Videos
View more articles