
PHOTO BY iStock

Trending in Summit Network
Positibo sa COVID-19 ang newborn triplets sa Mexico nang isilang sila noong June 17, 2020 sa isang ospital sa San Luis Potosi state. Kaagad silang sumailalim sa coronavirus test bilang health protocol ng bansang iyon para sa mga tulad nilang premature birth. Nakumpirma ang kanilang kondisyon nang lumabas ang test results makalipas ang tatlong araw.
Ayon sa ulat ng CNN International nitong June 24, nagpahayag sa isang news conference ang health official na si Monica Rangel na “stable” ang lagay ng triplets at “evolving favorably” ang mga ito. Patuloy lang ang isa sa magkakapatid ng pagtanggap ng antibiotics.
Sa naunang ulat ng BBC, maayos ang lagay nang ipanganak ang dalawa sa triplets — isang lalake at isang babae — pero ang isa pang lalake ay nagkaroon ng respiratory condition at kasalukuyang ginagamot.
Dugtong na pahayag ni Rangel sa news conference na umaasa sila na lubusang bumuti ang kalagayan ng triplets upang makapiling nilang muli ang kanilang mga magulang. Sa pamamagitan ng video calls na lamang muna sila nagkikitang mag-anak.
Aniya, tinitignan nila ang posibilidad na naisalin ang coronavirus sa triplets mula sa placenta ng kanilang nanay. Pero isa lang daw ito sa kanilang mga teorya. Bago daw kasi ang virus na ito at wala pang nailathalang pag-aaral katulad sa kaso ng triplets.
Ibinalita din ng heath official na negatibo ang resulta ng coronavirus test ng mga magulang ng triplets. Salungat ito sa nauna pang ulat ng Associated Press (AP), kung saan sinabi ni Rangel na COVID-19 positive ang ina ngunit asymptomatic.
Dagdag pa niya sa ulat ng AP na pinag-aaralan nila kung nagkaroon ba ng infection bago o pagkatapos ipanganak ang mga sanggol. Sa kanyang palagay kasi malayong mangyari ang infection nang ganoon kabilis paglabas mula sa sinapupunan.
Ang sabi din ng health official, na kinilala naman ng BBC sa buo niyang pangalan na Monica Liliana Rangel Martinez, imposible para sa triplets na maging infected sa mismong panahon ng kanilang pagsilang. Maaari daw may iilang newborn babies na ang nahawaan ng virus pagkapanganak pa lang nila, pero hindi nila nakikita ang ganitong scenario sa triplets.
Ganoon pa man, naniniwala si Rangel na hindi pa nangyayari saan mang sulok ng mundo ang pagkakaroon ng COVID-19 sa hindi lang isa ngunit tatlong bagong silang na sanggol na magkakapatid pa. Kaya masusi nilang iniimbestigahan ang kasong ito.
Samantala, mayroon ng 196,847 kaso ng COVID-19 positive sa Mexico at 24,324 sa mga iyon ay binawian ng buhay. Ito ay ayon sa talaan ng John Hopkins University Center for Systems Science and Engineering na makikita sa CNN International website.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Step 1:
Open the email in your inbox.
Step 2:
Click on the link in the email.
Step 3:
Continue to reset your password on Smartparenting.com.ph.