;
embed embed2
  • Hemorrhoids, Constipation! Ang Unglamorous Side Ng Pagbubuntis Ayon Kay Isabelle Daza

    Heto ang mga bagay tungkol sa pagbubuntis na hindi madalas pag-usapan.
    by Ana Gonzales .
  • Nasa third trimester na ng pagbubuntis ang celebrity mom na si Isabelle Daza. Sa kanyang pinakahuling vlog, nakipagkwentuhan siya sa kanyang OB-GYN na si Dr. Zara Chan, tungkol sa unglamorous side ng pagbubuntis.

    Tulad ng iba pa niyang mga vlogs, maraming matututunan sa kanyang latest episode. "I'm in my third trimester," sabi niya.

    "When you're in your third trimester, there are a bit more complications or things that happen—changes in your body that we don't necessarily talk about," dagdag pa niya.

    "There are so many things in pregnancy that are uncomfortable [and] not glamorous. They don't contribute to the mommy's glow sensation and yet they happen all the time," sabi naman ni Dr. Chan. Narito pa ang ilan sa kanilang mga napag-usapan.

    May unglamorous side ang pagbubuntis

    Hemorrhoids

    "Hemorrhoids are very common in pregnancy," paliwanag ni Dr. Chan. Sabi niya, nangyayari ito kapag lumalabas ang ilan sa mga blood vessels na nasa loob ng iyong anus.

    "The reason hemorrhoids happen is because all of the hormones make all those muscles in the tissues just a little bit weaker," sabi ni Dr. Chan. "The other main reason is because of the weight of the baby."

    Malimit daw na nagkakaroon ng hemorrhoids ang isang buntis sa kanyang ikatlong trimester. "When the baby's getting heavier, it's putting all of that pressure down into the pelvis and all that pressure is what causes the hemorrhoids."

    Constipation

    Sabi ni Dr. Chan, para maiwasan ang hemorrhoids, kailangang siguraduhin mong hindi ka magkakaroon ng constipation.

    Ang constipation ay isa rin sa mga unglamorous na bahagi ng pagbubuntis. "You know, for some people, the constipation is so bad that they get abdominal pain," pagbabahagi ni Dr. Chan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nakakapagdulot daw ng hemorrhoids ang constipation dahil sa pressure ng pag-iri. Hormones din ang dahilan kung bakit mas prone sa constipation ang mga buntis. "Hormones slow down how your bowel is moving," paliwanag ni Dr. Chan.

    Nagbabago rin daw ang dahilan sa likod ng constipation depende sa kung nasaang trimester na ang babae sa kanyang pagbubuntis.

    Dehydration

    Sa unang trimester ng pagbubuntis, maaaring makaramdam ng hilo at pagsusuka ang buntis na siyang nagdudulot ng dehydration.

    Ang dehydration naman na ito ang siyang maaaring magdulot ng constipation, na kalaunan ay maaaring maging sanhi ng hemorrhoids.

    Para maiwasan ang constipation, kailangang uminom ng maraming tubig at kumain ng mga pagkain, prutas, at gulay na sagana sa fiber. Importante rin daw ang pagiging aktibo.

    Tinalakay din nina Isabelle at Dr. Chan ang dahilan sa mas mataas na sex drive ng mga buntis. "Asking for a friend," biro pa ni Isabelle.

    Kailan hindi ligtas makipagsex kapag buntis?

    "There's a huge surge in estrogen. There's a huge surge in progesterone. But also a huge surge in testosterone. That will account for the sex drive," paliwanag ni Dr. Chan.

    Wala raw kinalaman ang gender ng dala mong baby sa kung gaano kataas ang iyong sex drive. Payo ni doktora, huwag munang makipag-sex kung mababa ang placenta o maiksi ang cervix.

    Sabi pa ni doktora, may mga pagkakataon ding nirerekomenda pa nila ang sex during pregnancy para natural na mai-induce ang cervix.

    Okay lang din daw gumamit ng sex toy, basta siguraduhing sa iyo ang sex toy at hindi ka manghihiram. "Sometimes shared sex toys can lead to vaginal infections," sabi ni doktora.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pwede mong panoorin ang kabuuan ng vlog ni Isabelle dito:

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles