Noong taong 2019, itinampok namin sa isang Smart Parenting article ang isang chart na ginagamit ng mga doktor at midwife para malaman ang laki ng cervix dilation—mula 1 centimeter hanggang 10 centimeters.
Isang patunay ang chart na ito sa lakas ng mga nanay. Makikita mong kasyang-kasya sa 10 centimeters na butas ang ulo ng isang sanggol.
Mabilis ding nag-viral ang larawan dahil hindi makapaniwala ang mga taong nakakita nito.
Sa isang kaparehong post, ipinakita ng nurse-midwife na si Sarah Pringle kung ano ang itsura ng isang cervix na 3-4 centimeters nang dilated.
Sa kabilang banda, malaki ang maitutulong ng mga cervical checks para malaman ng doktor mo kung anong gamot ang ibibigay sa iyo at para malaman ang progression ng iyong labor. Sa pamamagitan ng cervical checks din nila makikita ang preterm labor.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Bukod pa sa pagpapakita ng dilated cervix, itinuturo din ni Sarah ang iba pang kailangang malaman ng mga babae tungkol sa kanilang reproductive health.
Kabilang diyan ang mga madalas itanong tulad ng pakikipag-sex habang may period, pati na rin ang mga dapat mong malaman tungkol sa pap smear, pelvic exam, at marami pang iba.
Ipinapakita rin niya sa kanyang TikTok account ang iba't-ibang gamit na makikita sa clinic ng iyong OB, katulad ng fetal heart rate monitor.
Ayon kay Sarah, pagdating sa iyong female reproductive health, kailangan ay regular kang nagpapatingin at may tiwala ka sa iyong doktor.
Ang mga educational videos na ganito na patok na patok sa TikTok ay magandang paraan para maging komportable ang mga kababaihan na kausapin ang mga doktor tungkol sa kanilang kalusugan.
***
Ikaw, binibigyang pansin mo ba ang kalusugan ng iyong reproductive system? I-share mo iyan sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.