embed embed2
Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) - Sanhi at Sintomas
ILLUSTRATOR Paula Pangan
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Ang polycystic ovary syndrome o polycystic ovarian syndrome (PCOS) ay isang klase ng hormonal disorder na nakaapekto sa mga kababaihan, kung saan nagpo-produce ng sobrang male sex hormones (androgens) ang mga ovary. Dahil dito, naapektuhan ang dami ng estrogen o female sex hormones ng isang babae. Ang ilang resulta ay ang pagiging irregular ng menstrual period at pagkakaroon ng problema sa pagbubuntis.

    Tinawag na polycystic ovary syndrome ang sakit na ito dahil sa mga namumuong cyst sa ovaries. Ang mga cyst na ito ay dahil sa sobrang androgen at kulang na estrogen. Pero hindi rin naman lahat ng may PCOS ay nagkakaroon ng cyst sa ovaries. Hindi rin ibig sabihin na hindi na pwedeng mabuntis ang isang babaeng may PCOS. Kailangan lang ng tamang treatment para ma-manage ang kondisyon.

    Madalas lumalabas ang mga sintomas ng PCOS kasabay ng first menstrual period ng isang babae. Hindi na regular ang pagdating ng menstruation at may kasamang common symptoms gaya ng pagkakaroon ng makapal na body hair, acne, at pagkakalbo.

     Maraming bagay na hindi pa sigurado ang mga eksperto kung ano talaga ang tunay na causes ng PCOS. Pero sa kabutihang palad ay madali naman itong ma-diagnose. Meron ding mga gamot na katulad ng birth control pills na kayang maka-correct sa hormonal imbalance.

    Kaya lang, tandaan na ginagamit lang ang mga gamot na ito bilang pampagaan ng sintomas (symptom relief) at para maiwasan ang mga komplikasyon. Wala pa rin kasing cure para sa PCOS.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Iba't-ibang characteristics at sintomas ng PCOS

    Maraming sintomas ang PCOS at madalas na lumalabas ang mga ito kasabay ng first period. Meron din namang mga kaso na nagsisimula sa pagtanda — minsan kasi ay nagkakaroon ng hormonal imbalance ang isang babae kapag nasobrahan ang kanyang weight gainMeron mga babaeng may PCOS na nada-diagnose pagkatapos magpakonsulta sa doktor dahil nakaranas sila ng miscarriage o kaya ay nahihirapan silang magbuntis.

    Iba-iba ang sintomas ng PCOS dahil iba-iba rin ang katawan ng mga kababaihan. Ang pinaka-common sa mga sintomas ng sakit na ito ay ang mga sumusunod:

    Irregular menstrual period

    Ang irregular na pagre-regla ang number one symptom ng PCOS. May tatlong posibilidad ang irregular menstrual period: madalang o infrequent, matagal o prolonged, at irregular o iyong walang tiyak na pattern. Karamihan sa mga babaeng may PCOS ay nagkakaroon lang ng eight o nine na period sa isang taon at madalas na may heavy bleeding sila sa mga panahong ito. Tandaan lang na may ibang babae na on time ang regla pero may PCOS pa rin. Kaya mahalaga ang opinyon ng doktor.

    Polycystic ovaries

    Tinawag na polycystic ovary syndrome ang sakit na ito dahil sa mga cyst na nabubuo sa ovaries. Dahil sa mga cyst na ito, hindi nakaka-function nang maayos ang ovary kaya nagkakaroon ng hormonal imbalance. Ito ang dahilan kung bakit nahihirapan ma-fertilize ang egg cells na kailangan para mabuntis ang isang babae.

    Iba-ibang manifestation ng excess androgen

    Ilan sa mga physical sign ng sobrang androgen sa katawan ang pagkakaroon ng makapal na buhok sa mukha, kilikili, at legs, maging sa dibdib at likod. Ang tawag sa kondisyong ito ay hirsutism. Meron din namang mga nakakalbo sa isang bahagi ng ulo, na tinatawag na male pattern baldness. Minsan din ay nagkakaroon ng matinding kaso ng acne ang mga babaeng may PCOS.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kung nakakaranas ka ng dalawa sa tatlong sintomas sa itaas, pumunta na agad sa iyong doktor para magpakonsulta at ma-diagnose kung meron ka ngang PCOS. Importante ito lalo na kung may balak kang magkaroon ng anak in the future. Ganun din, mas maganda kung maagang made-detect ang PCOS para hindi na ito maka-develop ng anumang komplikasyon.

    Bukod sa mga nabanggit sa itaas, ilan din sa mga sintomas ng PCOS ang mga sumusunod:

    • pangingitim ng balat sa leeg, singit, at ilalim ng dede
    • weight gain
    • hirap sa pagbabawas ng timbang
    • madalas na pananakit ng ulo 

    Mga pwedeng gamot sa PCOS

    Kadalasan, pwedeng mapagaan ng mga lifestyle changes ang mga sintomas ng PCOS. Isa na rito ang pagkain ng low-calorie diet at moderate exercise. Malaki ang maitutulong ng pagbabawas ng timbang sa pag-improve ng kondisyon ng pasyente. Dagdag pa rito, pwede ring mas maging effective ang mga ireresetang gamot kung nasa tamang timbang.

    Kasama sa mga gamot na pwedeng gamitin para ma-manage ang sintomas ng PCOS ang mga sumusunod:

    Birth control pills

    Ang mga pills na merong estrogen at progestin ay nakakatulong para mapababa ang androgen na pino-produce ng katawan. Dahil dito, pwedeng mabawasan ang abnormal bleeding tuwing daratnan ng period. Mako-control din nito ang hirsutism at acne. Isa pang benefit ng estrogen at progestin ay ang mas mababang risk ng endometrial cancer

    Progestin therapy

    Pwede ring mag-prescribe ang doktor ng progestin therapy na tumatagal hanggang 14 na araw kada isa o dalawang buwan. Ito ay para ma-regulate ang menstruation ng pasyente at makaiwas na rin sa endometrial cancer. Kung gusto ng pasyente na hindi na mabuntis, mas inirerekomendang gamitin ang IUD na may kasamang progestin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Metformin

    Ang metformin ay isang gamot na ginagamit para sa type 2 diabetes. Pwede rin itong gamitin sa pagma-manage ng PCOS, lalo na kung kasama sa mga sintomas ng pasyente ang insulin resistance.

    Letrozole

    Isa itong gamot na ginagamit para sa breast cancer treatment. Minsan ay effective din ito para ma-stimulate ang mga ovary at makontra ang sobrang androgen sa katawan. 

    Clomiphene

    Para sa mga babaeng may PCOS na gustong mabuntis, pwedeng magbigay ang doktor ng mga fertility drug. Isa sa mga ito ang clomiphene. Meron nga lang mga pag-aaral na nagpapakitang tumataas ang chance na magkaroon ng kambal o iba pang multiple births ang clomiphene kaya pag-isipan munang mabuti bago uminom ng gamot na ito.

    Spironolactone

    Para sa mga babaeng maraming negative effect ng androgen sa balat, pwedeng uminom ng spironolactone. Tandaan lang na pwedeng magdulot ng birth defects ang gamot na ito kaya naman hindi ito recommended para sa mga buntis at nagpa-planong mabuntis.

    Iba't-ibang combination ng birth control pills

    Kung problema naman ang hirsutism o kaya naman ay pagkakalbo, pwedeng gumamit ng combination ng mga contraceptive tablets. Huwag lang basta-basta uminom ng pills o mag-eksperimento ng mga kombinasyon. Pinakamaganda pa ring gawin ay kumonsulta muna sa doktor para malaman kung ano ang ideal na combination at dosage ng gamot.

    Meron ding ilang surgical procedures na pwedeng gamitin para ma-improve ang fertility ng isang babaeng may PCOS. Kasama na rito ang ovarian drilling, kung saan nilalagyan ng maliliit na butas ang ovary  gamit ang laser. Ang procedure na ito ay may kakayahang magpanumbalik ng normal ovulation

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga sanhi at risk factor ng PCOS

    Katulad ng nabanggit sa itaas, hindi pa rin sigurado ang mga eksperto kung ano ang nagdudulot ng PCOS. Ganun pa man, meron na ring mga research na nagpapakita ng mga pwedeng dahilan ng sakit na ito. Kasama na diyan ang mga sumusunod:

    Sobrang insulin

    Minsan ay nagiging resistant ang katawan sa insulin, kung kaya naman tumataas ang blood sugar level. Dahil dito, nagpo-produce pa lalo ang katawan ng insulin hanggang sa puntong sumobra na ang dami nito. Pwede itong mag-trigger ng pagdami ng androgen at maging dahilan ng problema sa ovulation.

    Pagkamana ng sakit

    Merong mga research na nagsasabing merong mga genes na nagdudulot ng PCOS, at ang mga genes na ito ay pwedeng maipasa ng magulang sa kanilang anak.

    Low-grade inflammation

    Sa ibang mga research, napag-alaman na merong mga babaeng may PCOS na nakakaranas ng low-grade inflammation na nagti-trigger sa mga ovary na may cyst na mag-produce ng mas maraming androgen.

    Tumataas din ang risk ng isang babae na magkaroon ng PCOS kung siya ay obese. Ganun din, mas mataas ang risk na magkaroon ng PCOS kung merong history nito ang pamilya ng pasyente.

    Paano iwasan ang PCOS

    Walang siguradong paraan para maiwasan ang pagkakaroon PCOS dahil hindi pa alam paano ito nangyayari. Gayunman, pinapayuhan ang mga kababaihan na kumain ng balanced diet at i-maintain ang tamang timbang para makaiwas sa diabetes at mga sakit sa puso.

    Habang tumatanda at nalalapit na ang menopause, pwedeng mabawasan ang mga sintomas ng PCOS. Pero hindi ibig sabihin nito ay mawawala na nang tuluyan ang sakit, lalo na at maraming bahagi ng katawan ang pwedeng maapektuhan ng PCOS.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga komplikasyon ng PCOS

    Maraming komplikasyon ang pwedeng maidulot ng PCOS. Kasama na rito ang mga sumusunod na health condition na konektado sa pagbubuntis:

    • infertility
    • gestational diabetes
    • miscarriage
    • premature birth

    Bukod sa mga ito, pwede ring magkaroon ng type 2 diabetes ang mga babaeng may PCOS. Problema rin ang metabolic syndrome, isang grupo ng mga kondisyong katulad ng high blood pressure at abnormal cholesterol levels, na nagpapataas ng risk na magkaroon ng iba-ibang klase ng cardiovascular disease.

    Meron ding sakit na tinatawag na nonalcoholic steatohepatitis, isang malalang sakit sa liver na dulot ng pagka-ipon ng taba sa atay.

    Maliban sa mga ito, pwede ring makaranas ng sleep apnea ang mga babaeng may PCOS, lalo na kung sila ay obese o overweight. Sa katunayan, halos hanggang 10 times ang risk ng mga pasyenteng obese o overweight na may PCOS na magkaroon ng sleep apnea.

    May chance din na magkaroon ng mental disorders na katulad ng anxiety, depression, at eating disorders ang mga pasyenteng may PCOS. Ito ay dahil nakakaapekto ang mga physical changes ng dala ng hormonal imbalance sa emosyon at self-confidence. 

    Panghuli, ilan sa mga pinakamalalang komplikasyon ng PCOS ang abnormal uterine bleeding at endometrial cancer. Kumakapal kasi ang uterine lining kapag abnormal ang menstruation, kaya naman tumataas din ang risk ng pagkakaroon ng mga sakit na nabanggit.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles