;
embed embed2
  • Induction Cooker Vs Gas Stove: Alin Ang Mas Matipid?

    Alamin ang advantages at disadvantages ng paggamit ng induction cooker.
    by Grace Bautista .
Induction Cooker Vs Gas Stove: Alin Ang Mas Matipid?
PHOTO BY courtesy of lazada
  • Matipid, madaling gamitin, at ligtasilan ito sa mga katangiang hinahanap nating mga nanay at tatay sa mga gamit sa pagluluto. Alin ang mas akma sa pangangailangan mo, induction cooker o gas stove? Alamin dito ang mga advantages at disadvantages ng paggamit ng mga ito.     

    5 advantages ng paggamit ng induction cooker

    1. Mabilis magluto

    mas mabilis uminit at maluto ang mga pagkain sa induction cooker dahil mas energy-efficient ito. Ibig sabihin, 80 - 90% ng init na inilalabas ng lutuan ay napupunta agad sa kaserola at hindi sa kapaligiran. Dahil diyan, ang ang pagpapakulo ng tubig ay kayang gawin sa loob lamang ng tatlo hanggang limang minuto.

    2. Mas matipid kumpara sa LPG

    Ayon sa energy calculator na ito, ang isang 2100W induction cooker na ginagamit ng dalawang oras kada araw ay kukunsumo ng P17.640 sa isang araw o P529 kada buwan. Ang kalkulasyong ito ay batay sa presyo ng kuryente sa Metro Manila noong Nobyembre 2021. Ang isang 11 kilos na LPG ay may presyo na Php 800 hanggang Php 1,000.

    3. Madaling linisin

    Dahil flat, makinis at maliit ang induction cooker, napakadali ng paglilinis dito. 

    4. Ligtas gamitin

    Bukod sa walang apoy, marami ring ibang safety features ang induction cooker tulad ng child lock. Hindi umiinit ang mismong cooktop (maliban sa bilog kung saan nag-luluto) kaya walang panganib ng pagkapaso mula rito. Kusa ring titigil ang induction cooker kapag tinanggal na ang kaldero o kapag tuloy-tuloy itong ginamit sa loob ng isa o dalawang oras, depende sa setting na ginamit sa pagluluto. Isa pa, marami sa mga induction cooker ay kusang hindi gagana kung may overheating o may sira na ito sa loob, kaya mababa ang panganib ng sunog o overheating.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    5. Maaaring iwan ang niluluto

    Pwede mong gamitin ang timer para kusang tumigil ang induction cooker pagkatapos ng itinakdang oras ng pagluluto. Siguruhin lang na tama ang init na pipiliin mo para sa pagkaing niluluto para hindi ito masunog at kung magpapakulo, siguruhing hindi aapaw ang niluluto. Sa lakas kasi ng init ng induction cooker, napakadaling umapaw ng mga lutuing may sabaw.

    Induction Cooker, Php 1,399

    PHOTO BY courtesy of Lazada

    Available on Lazada

    5 disadvantages ng paggamit ng induction cooker

    1. Mataas na paunang gastos

    Mas mura na lang ngayon ang mga induction cooker. Pero maliban sa stove mismo, maaaring kailangan mo ring bumili ng mga lutuang tugma dito. Madalas may kasamang libreng kaserola ang mga nabibiling induction cooker subalit manipis ito at para lang sa mga masabaw na pagkain. Mabilis kasing uminit ang induction kaya masusunog agad ang ilalim ng lutuan kung masyado itong manipis. Para sa mga prito at walang sabaw na pagkain, kailangan mo ng mas makapal na lutuan na akma sa induction cooker.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    2. Maaaring nakakatakot o nakakalito itong gamitin sa una

    Sa mga sanay sa makalumang paraan ng pagluluto at may alinlangan sa mga high-tech o makabagong gamit, maaring malito sila sa paggamit ng induction cooker. Kailangan lamang masanay sa mga settings na tugma sa bawal klase ng pagluluto upang lubos na ma-appreciate ang induction cooker.

    3. Kailangan mo ng kuryente para magluto

    Kung nakatira ka sa lugar na madalas mawalan ng kuryente, maaaring kailangan mo pa rin ng gas stove bilang back-up sakaling magkaroon ng brownout.

    2 advantages ng paggamit ng gas stove

    1. Maaari mong gamitin ang anumang uri ng lutuan

    Aluminum, copper, cast iron, palayok, pati mga lutuang minana mo sa lola at nanay mo, ay pwedeng gamitin sa gas stove. Mas madali itong gamitin, lalo na para sa mga sanay sa traditional cooking styles.

    2. Mas kontrolado mo ang init

     Mas mahina ang init ng gas stove at maaaring palakasin o pahinain nang unti-unti kaya mas kontrolado ang temperatura ng niluluto.

    Gas Stove, Php 2,400

    PHOTO BY Courtesy of lazada
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Available on Lazada

    5 disadvantages ng gas stove

    1. Mabilis umangat ang presyo ng LPG

    Pabago-bago at madalas ay mataas ang presyo ng LPG

    2. Mas mabagal itong magluto dahil mababa ang energy efficiency

    Mga 50% lang ng init na inilalabas ng kalan ang napupunta sa niluluto at ang kalahati ay napupunta sa kapaligiran kaya umiinit ang kusina kapag nagluluto gamit ang gas.

    3. Mahirap bumili ng LPG ng paulit-ulit

    Kapag naubusan ka ng gas, maghihintay ka sa delivery ng susunod na tangke, o kaya naman ay pupunta ka sa tindahan na bitbit ang mabigat na tangke ng gas.

    4. Mahirap linisin ang gas stove, at kumakain ng malaki na espasyo ang tangke

    Mas mahirap itong linisin dahil dumidikit at tumitigas ang mga sauce o pagkaing natatapon habang nagluluto. Mas malaki rin ang lugar na kailangan para sa stove at tangke ng gas, kaya kailangan mo ng mas maluwag na kusina.

    5. Mataas ang panganib

    Mas mataas ang panganib ng sunog mula sa apoy na nilalabas ng gas stove.

    Depende sa kung saan ka nakatira, gaano ka-reliable ang kuryente, gaano kalaki ang kusina, gaano kadalas magluto at gaano karami ang niluluto, maaaring mas maging kapaki-pakinabang sa iyo ang paggamit ng gas stove o gas range. Pero kung tipid at ginhawa sa paggamit at paglilinis ang pag-uusapan, mas maraming pakinabang ang paggamit ng induction cooker.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Don't Miss Out On These!
Trending in Summit Network
View more articles