Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Hairfall Solutions Na Subok Na Ng Mga Nanay

    Subukan mo ang mga ito kung namomroblema ka sa postpartum hairloss.
    by Ana Gonzales .
Hairfall Solutions Na Subok Na Ng Mga Nanay
PHOTO BY iStock
  • <>

    Bakit nga ba nalalagas ang buhok ng mga buntis o bagong panganak?

    Ayon sa Healthline, tumataas ang estrogen levels sa katawan ng isang buntis. Ibig sabihin, bumabagal ang natural cycle ng paglalagas ng buhok. Normal lang kasing mawalan ka ng humigit kumulang 50 hanggang isang daang buhok sa isang araw. Kapag bumagal ang hair follicle shedding, mas magiging malago ang buhok mo. Kaya lang, hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganito ang nangyayari. Kalimitan, naglalagas pa nga ang buhok ng mga nanay, lalung-lalo na ang mga kagagaling sa panganganak.

    More from Smart Parenting

    Ang isa sa mga nakikita nilang dahilan sa likod nito ay ang tinatawag na hormonal shift. Maaaring sobrang stress o shock ang dinanas ng isang babae sa kanyang pagbubuntis at panganganak. Kalimitan, hindi mo agad mapapansin ang pagnipis ng iyong buhok. Makikita mo lang ito mula dalawa hanggang apat na buwan pagkatapos nitong magsimula. 

    Maaaring maging sanhi rin ng pagnipis ng iyong buhok ang medical concerns tulad ng thyroid problems at iron deficiency.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Kung napansin mo namang nagsimulang maglagas ang iyong buhok pagkatapos mong manganak, maaaring ito ay excessive shedding lamang at hindi tunay na hair loss. Ito ang epekto ng biglang pagbaba ng estrogen sa iyong katawan.

    Normal lang ito na nangyayari at hindi mo kailangang mag-alala dahil gagaling din naman ito kahit hindi mo gamutin. Pero kung napapansin mong hindi pa rin bumabalik ang normal na pagtubo at paglalagas ng iyong buhok, maaari mong subukan ang mga payo ng mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village

    More from Smart Parenting

    Umiwas sa stress

    Mahirap man itong gawin, malaki ang maitutulong nito para hindi malubhang paglalagas ang maranasan mo. Maraming parenting challenges kang mararanasan lalo na sa mga unang buwan ng pagiging ina—hindi maiiwasang hindi ka mastress. 

    Bago mo pa man suungin ang hirap at pressure ng pagiging ina, gumawa ka na ng mga maliliit na pagbabago sa iyong habits. Maaari kang umiwas muna sa social media kung hindi mo maiwasang ikumpara ang sarili mo sa iba. Maaari ka ring magsimulang gumawa ng iyong journal para may hingahan ka ng stress at pagod. Makakatulong din ang meditation at mindfulness na maaari mong matutunan sa mga libro at sa mga video tutorials online.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Uminom ng biotin at calcium supplements

    Mabibili mo ito sa Healthy Options at Watsons. Nagkakahalaga ito ng mula Php400 hanggang Php1,500, depende sa dami ng tableta. Nakatulong rin daw ang calcium supplements sa ibang mga nanay para maiwasan ang hairfall. Collagen+biotin supplements naman ang naging effective para sa ibang mga nanay.

    Umiwas sa hair products na may harsh chemicals

    Kung makakabili ka ng mga all-natural products, mas mabuti. May mga nanay na nagrekomenda ng moringga shampoo at malunggay shampoo. Payo pa nila, kapag nag-aapply ng shampoo, huwag itong idiretso sa iyong buhok at anit. Ihalo mo muna ito sa isang tabo ng tubig at saka mo ibuhos sa iyong buhok. Dahan-dahan lang din ang pagkuskos sa iyong buhok at anit. Iwasang gamitin ang iyong kuko para hindi magsugat at lalong mairita ang anit mo. Ilang mga produkto sa Human Nature tulad ng Nature Strengthening Plus Shampoo and Conditioner ang nirekomenda rin sa Village.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Magpatingin sa doktor

    Kung taon na ang binibilang mo at malala pa rin ang paglalagas ng buhok mo, kailangan mo nang magpatingin sa mga doktor dahil baka iba na ang dahilan ng iyong hairfall o hair loss. 

    Magpagupit

    Para naman sa mga nanay na hindi naging effective ang ano mang hair products, scalp massages, at vitamins, pinili na lang nilang magpagupit ng maiksi at hintaying “makahinga” ang kanilang mga anit bago magpahabang muli ng buhok. Si mommy Lea Taal nga, nagpakalbo pa para lang hindi na problemahin ang paglalagas ng kanyang buhok. Naging maganda naman epekto nito sa kanila dahil tumigil ang paglalagas ng kanilang mga buhok.

    Ano man ang mapili mong pamamaraan para solusyonan ang iyong hairfall, tandaan na pansamantala lamang ito. Kusang babalik sa dati ang estrogen level sa iyong katawan at magiging normal nang muli ang pagtubo at paglalagas ng iyong buhok. Huwag mong ipressure masyado ang sarili mo lalo na’t maaaring maka-contribute ang stress sa paglalagas ng iyong buhok.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Mayroon ka pa bang ibang panlaban sa hairloss at hairfall? Maaari mo itong ibahagi sa mga kapwa mo nanay. Sumali ka lang sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles