embed embed2
  • Ang Magkapatid Na Si Ara Mina At Cristine Reyes Mahilig Makipag-Twinning Sa Mga Anak!

    Nawiwili sina Ara at Cristine na mag-post ng twinning outfit kasama ang kanilang mga anak.
    by Jocelyn Valle .
  • Si Ara Mina at ang nakababata nitong kapatid at kapwa artista na si Cristine Reyes ay may tig-isang anak na babae na hindi nagkakalayo ang mga edad. Ang anak ni Ara na si Amanda Gabrielle, o Mandy kung kanyang tawagin, ay magli-5 taong gulang ngayong December 17. Samantala, ika-limang kaarawan naman ng anak ni Cristine na si Amarah sa darating na February 8.

    Mayroon pa isang kapatid na babae si Ara Mina at Cristine, si Heidi Gatmaytan, na may anak na babae din, si Alison, na dalawang buwan lamang ang tanda kay Mandy. Hindi nga lang artista si Heidi.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Nawiwili sina Ara at Cristine na mag-post sa Instagram ng twinning outfit kasama ang kani-kanilang mga anak. Si Ara at Mandy, halimbawa, ay hindi lamang magkaparis sa kasuotan, ngunit pati rin sa sapatos at accessories. Ang kanilang pleated skirt at printed headband ay nagmula sa online shop na Gift Shoppe Manila.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kahit sa pagtulog ay twinning pa rin ang mag-ina. Ang cute nila sa peach pajama na gawa ng Little Nylie and Co, na twinning family pajamas ang specialization.

    What other parents are reading

    Twinning din sila maging sa pagbakasyon sa ibang bansa, katulad nang magtungo sila sa Japan dalawang taon na ang nakakaraan. Ang kanilang matching denim dress ay gawa ng Twilo Ph.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa kabilang banda, mas pormal naman ang gayak nila Cristine at Amarah nang dumalo sila sa ABS-CBN Ball 2019 na ginanap noong September 14 sa Shangri-La at the Fort sa Bonifacio Global City.

    Nagningning ang mag-ina sa matching gold dresses na likha ni Neric Beltran, alinsunod sa Modern Filipiniana na tema ng taunang red-carpet charity event

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May isang paris pa ng matching gown ang mag-ina para sa ABS-CBN Ball 2019 na kanilang isinuot para sa photo shoot.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    What other parents are reading

    Minsang dumalo ang mag-ina sa isang birthday party ay naisip ni Cristine na mag-twinning sila ni Amarah sa kasuotang hango sa cartoon character na si Minnie Mouse.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kahit sa simpleng white tee na may elephant design (blue para kay Cristine at pink naman kay Amarah) ay twinning pa rin ang mag-ina.

    Ang magpinsan na Mandy at Amarah ay napakaganda ring pagmasdan sa kanilang twinning outfit: bilang mga ballerina sa unang larawan at sa kanilang PE uniform sa ikalawang larawan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles