Nitong Year 2019 ay naging mommy sa unang pagkakataon sina Rochelle Pangilinan, Gwen Zamora, at Dani Barretto. Laking tuwa nila na mabiyayaan ng anak kaya pinaghandaan nila nang husto ang kanilang pagbubuntis, kabilang na ang maternity fashion.
Rochelle Pangilinan
Nahilig sa flowy at girly dress si Rochelle habang dinadala ang panganay nila ng mister na si Arthur Solinap. Baby girl ang kanilang panganay.
Pretty in a light pink dress ang GMA-7 actress sa kanyang baby shower, na ginanap noong January 20, 2019 sa isang events place sa Quezon City, at twinning pa ang kabiyak na Kapuso talent din sa suot nitong deep pink polo shirt.
Ipinamalas naman ni Rochelle, na unang sumabak sa showbiz bilang miyembro ng Sex Bomb Dancers, ang kanyang strength at flexibility sa kanyang maternity shoot. Nanganak siya noong February 20 sa batang tinatawag na nila ngayong Shiloh Jayne.
Gwen Zamora
Kumportable si Gwen sa pagsusuot ng bikini kahit eight months na siyang buntis sa first baby nila ng fiancé na si David Semerad. Talagang proud at excited siya maging ina.
Ilang linggo bago manganak ang movie-TV actress ay bumiyahe ito at ang pro basketball player sa Boracay kasama ng kani-kanilang mga pamilya. Special daw ang isla na kilala sa white sand beach sa kanilang dalawa, ayon sa Instagram post ni Gwen.
Lahad niya sa caption na addressed sa kanilang baby boy, “This is where Mama & Papa made you.” Isinilang ang sanggol na si Cooper John noong August 15.
Dani Barretto
Elegant in black ang dating ni Dani nang magsuot siya ng formal wear sa isang event ilang buwan bago siya magsilang.
Black din ang napili ng vlogger na motif para sa maternity shoot na dinaluhan din ng kanyang businessman-husband na si Xavi Panlilio. Ipinanganak niya ang kanilang baby girl noong September 13, at pinangalanan itong Camilla Marguerite, na may nickname na Millie.