Siguro'y naramdaman mo na na hindi ganoon kadaling mag-pose para sa litrato during pregnancy. Lalo na't maraming pagbabago ang nangyayari sa iyong katawan at minsan ay hindi mo maramdamang maganda ka.
Ngunit gaano man ka-bloated ang iyong pakiramdam at gaano man kataba ang tingin mo sa iyong sarili, maganda ka pa rin, mommy! Lalo na't walang kasing ganda ang buhay na dinadala mo sa iyong sinapupunan. Kung wala ka pang maternity photos, narito ang ilan mula sa mga nanay sa Smart Parenting Village para magsilbing inspirasyon mo.
Mayroon ka bang mga maternity photos na nais mong i-share? Ipadala mo lang sa smartparentingsubmissions@gmail.com. Maaari ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para sa mas marami pang inspirasyon.