Chinese new year,Tagalog,tradition,good luck,Chinese tradition,trending ph,Chinese new year 2020,r08-judy,Mag dapat gawin at dapat iwasan sa Chinese New Year,Chinese New Year, Chinese New Year 2020, pamahiin, swertehin, Lunar New Year, Chinese New Year tradition, how to be lucky,Ayon sa pamahiin ng mga Chinese, may mga paraan para maging masagana at hindi malas ang bagong taon.
CelebrationsHolidays

Iwasan Ang Malas! Mga Dapat Gawin At Iwasan Sa Chinese New Year

Bawal raw mangutang sa unang araw ng Chinese New Year!
PHOTO BYiStock

This article was updated on January 21, 2025.

Ang Chinese New Year ay tinatawag ding Lunar New Year dahil base ito sa monthly cyles ng buwan o moon phases. Sa kabilang banda, annual cycles naman ng araw ang sinusunod ng solar calendar, kabilang ang commonly used na Gregorian calendar, kaya nakapirme ang petsa ng bagong taon sa January 1. 

Ang selebrasyon ng Lunar New Year ay pumapatak sa pagitan ng January 21 at February 21 na siya ring umpisa ng tagsibol o spring sa mga bansang sumusunod sa lunar calendar, tulad ng China, South Korea, at Vietnam. Ang isa pa nilang tawag sa okasyon na ito ay Spring Festival, at may kanya-kanyang paraan ang mga bansang iyon sa pagdiriwang nito.

Mga dapat gawin para suwertehin sa pagsalubong ng Chinese New Year 

May mga pamahiin na natutunan ang mga Pilipino mula sa mga Chinese na kung hindi man sinusunod ay iniiwasan sa paniniwalang magiging masagana at ligtas sa buong taon. Narito ang ilan sa ang mga sinusunod mula sa mga nakausap naming Chinese, mga ibinabahagi ng isang feng shui store, at mga hango sa research.

1. Magsuot ng bagong kasuotan na pula ang kulay.

2. Magbigay ng pulang sobre, o ang pao, sa mga bata.

3. Mag-display ng 12 klase ng bilog na prutas.

4. Kumain ng bilog na prutas.

5. Kumain ng tikoy dahil ito ay simbolo ng matatag na pamilya.

6. Magpasabog ng mga barya, o coins, sa loob ng bahay hatinggabi ng bagong taon.

7. Siguraduhing puno ang salop ng bigas.

8. Bumisita sa mga kamag-anak at magsalo-salo ng hapunan.

Mga dapat iwasan para hindi malasin ayon sa Chinese New Year tradition

1. Pagpapagupit ng buhok at pagligo. Baka maputol o matanggal ang swerte sa katawan. Gawin ito bago sumapit ang bagong taon.

2. Pagwawalis at pagtatapon ng basura. Baka lumabas ang suwerte sa bahay. Gawin ito bago sumapit ang bagong taon.

3. Pagkikipag-away at pagmumura.

4. Pagsasabi ng mga malas na salita, tulad ng kamatayan o sakit.

5. Pagbabasag ng mga gamit.

6. Pangungutang ng pera. 

7. Pagpunta sa ospital, maliban na lang kung emergency.

8. Paggamit ng mga matatalim na bagay, gaya ng gunting at kutsilyo. 

watch now

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close