embed embed2
  • Alice In Wonderland Party Theme: Isang Magical Celebration Para Kay Baby

    Narito ang mga suppliers na pwede mong tawagan para sa kakaibang party na ito.
    by Ana Gonzales .
Alice In Wonderland Party Theme: Isang Magical Celebration Para Kay Baby
PHOTO BY courtesy of Khel Garcia
  • Pagdating sa pagpili ng party theme para sa selebrasyon ng ating mga anak, wala tayong ibang hangad kundi mabigyan sila ng isang unique at masayang experience na hind nila makakalimutan. Pero dahil na rin sa dami ng mga magagandang party themes na pagpipilian, minsan ay nakakalito na rin kung alin ba talaga ang ma-eenjoy at magugustuhan ng ating mga anak.

    Kwento ni mommy Khel Garcia, miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village, naisip niya ang Alice in Wonderland theme nang hindi sinasadya. "Naghahanap ako ng magandang hashtag para sa birthday [ng baby ko nang] makita ko sa Pinterest 'yung ONEderland na hashtag," kwento niya. "Since Allie ang nickname ng baby ko, naging 'Allie in ONEderland'"

    Narito ang mga suppliers ni mommy:

    Craftiii Party Needs & Events

    (Facebook: @craftiiievents)

    Para ma-achieve ang gusto ni mommy na whimsical Alice in Wonderland theme, nagpatulong siya sa Craftiii Party Needs & Events.

    Ang version ng Alice in Wonderlang na napili nina mommy ay ang animated remake mula sa Disney.
    PHOTO BY courtesy of Khel Garcia
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    Aakalain mo bang ang Wonderland na ito ay sa garahe lang nina mommy?
    PHOTO BY courtesy of Khel Garcia
    More for parents like you

    Hindi na nila kinailangan pang magbayad ng venue dahil sa bahay sila nag-celebrate. Ipinadisenyo nila ang kanilang garahe para magmukang isang mini Wonderland.

    Craftiii na rin ang provider ng kanilang dessert table at candy buffet na may kasamang limang klase ng sweets. Php7,000 ang nagastos nila para sa backdrop, balloons, 10-piece centerpiece, at dessert table.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Si mommy na mismo ang nagdisenyo ng loot bags. Nilagyan niya ito ng mga goodies na binili niya sa grocery.
    PHOTO BY courtesy of Khel Garica
    More for parents like you

    Sa kanila na rin bumili ng souvenirs sina mommy. Nagpamigay sila ng mugs para sa mga ninong at ninang—Php75 ang isa. Mayroon din silang ipinamahaging mga printed unscented candles na nagkakahalaga ng Php25 bawat isa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dulce Javana

    (Facebook: @dulce.javana)

    Dito nagpagawa ng cake sina mommy. Nakuha niya ang napakagandang customized cake nila sa halagang Php2,800.

    Sino namang hindi matatakam sa cake na ito?
    PHOTO BY courtesy of Khel Garcia
    May kasama rin itong mga cupcakes na bukod sa maganda, masarap pa.
    PHOTO BY courtesy of Khel Garcia
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More for parents like you

    Calvin Avanceña POTography

    (Facebook: @Calvin-Avanceña-POTography-112120506837459)

    Ito naman ang kinontrata ni mommy para sa kanilang photo and video coverage needs. Php5,000 ang nagastos nila—libre na ang pre-birthday pictorial.

    Backrop pa lang, feel na feel mo nang nasa Wonderland ka.
    PHOTO BY courtesy of Khel Garcia
    Malawak ang space sa bahay nina mommy kaya dito na nila napagdesisyonang idaos ang party.
    PHOTO BY courtesy of Khel Garcia
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More for parents like you

    L. De Vera Catering Services

    (Facebook: @Ldeveracatering)

    Isang daan ang inimbitang bisita nina mommy pero pang 150 na bisita ang inorder niya para siguradong hindi magkukulang.

    Sinigurado ni mommy na may sosobra para makakain lahat ng bisita.
    PHOTO BY courtesy of Khel Garcia

    Ayon kay mommy, December pa lang ay naghahanap na siya ng mga suppliers. "Sobrang exciting po ang [preparation] ng birthday ng baby ko," kwento pa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Mag-plano kayo ahead of time," payo niya sa ibang mga nanay. "Importanteng mag-set ng budget at maglista ng lahat ng kailangan para hindi [sumobra] sa [itinakda] ninyong budget.

    Hindi rin niya tinipid ang prizes dahil gusto niyang mabigyan lahat ng maglalaro.
    PHOTO BY courtesy of Khel Garcia

    "Maganda rin kung maglista kayo ng pangalang ng guests at bilang ng kids para maihanda [ng maayos] ang loot bags," dagdag pa niya. "Mas okay 'yung sobra ng kaunti, para lahat ng kids ay mabigyan—nilolook forward talaga nila ang loot bags."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Binili lang ni mommy ang doily para magmukhang lace ang design ng kanyang loot bags.
    PHOTO BY courtesy of Khel Garcia

     

    More for parents like you

    Kumuha rin si mommy ng magician para mas masaya ang experience ng mga bata. Si Marvin D'Magician ang inimbita niya. Nagkakahalaga ang magic show ng Php8,000 para sa tatlong oras.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bilib na bilib naman ang mga bata sa tricks ng magician na inimbita ni mommy.
    PHOTO BY courtesy of Khel Garcia

    Paano kaya nila ginawa ito?
    PHOTO BY courtesy of Khel Garcia
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Hindi kumukurap ang mga bata para makita nila lahat ng nasa magic trick ni kuya.
    PHOTO BY courtesy of Khel Garcia
    More for parents like you

    Inorder naman ni mommy sa Shoppee ang damit ni baby na Alice in Wonderlang-inspired din. Php900 niya ito nabili. Pinares niya rito ang Php200 na stockings mula sa supermarket at Php400 black shoes na mula sa Enfant.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Mas mahaba ang dress na ito nang mabili ni mommy kaya pinatahi niya pa ito para sumakto sa habang gusto niya at bagay kay baby.
    PHOTO BY courtesy of Khel Garcia

     

    Nagkaroon din sina mommy ng after party pagkatapos mag-enjoy kasama ang mga bata. Mayroon silang inarkilang acoustic band, ang Columnrows PH (Facebook: @columnrowsph) na nakuha nila sa halagang Php7,000.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More for parents like you

    Talaga namang enjoy ang mga bata sa party at masaya rin silang umuwi dala ang kanilang mga loot bags.

    Napa-wonder ka rin ba sa party nina mommy? Kayang-kaya mo rin itong gawin para sa anak mo. Share mo ang iyong mga plano sa comments section.

    More for parents like you

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles