-
Getting Pregnant 24 Embarrassing and Hurtful Comments Pregnant Moms Have Received: 'Ang Pangit Mo Magbuntis'
-
Toddler Parents Face a Crisis: Kids Are Growing Up Lacking These Skills for Future Success
-
Fitness & Nutrition 20 Lbs Ang Nabawas Sa Timbang Ni Mommy Dahil Sa Jumping Rope
-
News Infants In Baby Switching Case Returned To Rightful Parents; Rizal Hospital Offers Refund
-
Barnyard Birthday Party Sa Bukid! May Palarong Pinoy + Leche Flan At Suman Ang Giveaway
Pati ang ginamit para sa pabitin ay ginawa rin lang nila sa bahay.by Ana Gonzales .

PHOTO BY courtesy of Mary Anna Ellaine Tamayo
Sa dami ng mga birthday parties ngayon na mayroong mga makabagong tema, nakakatuwang makakita ng isang selebrasyon na base sa mga nakaugalian pa nating mga Pilipino noong araw. Maganda rin kasing makita ng mga kabataan ngayon ang mga tradisyunal na pagdiriwang ng mga Pinoy.
Kaya naman natuwa kami nang makita namin ang ang barnyard theme ng baby ni mommy Mary Anne Ellaine Tamayo. Barnyard ang napili nilang theme dahil ayon sa kanya, sa bukid sila nakatira. Kaya para hindi na lumayo pa ang tema, barnyard ang napili niya.
Kumpleto ang pamilya para sa first birthday ni baby!PHOTO BY courtesy of Mary Anna Ellaine TamayoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWCONTINUE READING BELOWRecommended VideosKwento niya sa amin sa pamamagitan ng isang Facebook Messenger interview, nakatulong niya sa pagpaplano ng party ang kanyang asawa at ang kanyang bilas. Ayon pa sa kanya, halos lahat ng elemento ng party ay mula sa kanyang bilas. Event organizer daw kasi ito kaya siya na ang nag-ayos ng disenyo ng party.
Tinulungan si mommy ng kanyang bilas para makaisip ng magandang theme para sa first birthday ni mommy.PHOTO BY courtesy of Mary Anna Ellaine TamayoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon kay mommy, ipinadala niya ang invitation sa pamamagitan lang ng Facebook Messenger, para hindi na sila mag-print.
Bilas din niya ang tumulong para buuin ang dessert table na punong-puno ng mga classic sweet treats tulad ng Choco Mani, gummies, gelatin, popcorn, at eggs na may treats sa loob.
Matitiis mo bang hindi kumuha sa dessert table na ito?PHOTO BY courtesy of Mary Anna Ellaine TamayoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMayroon ding mga brownies si mommy na isinasama sa dessert table. Tinawag nila itong 'pig sty' para bagay sa barnyard theme.
Ang cute ng 'pig sty' na ito! Parang nakakapanghinayang kainin!PHOTO BY courtesy of Mary Anna Ellaine TamayoBagay na bagay ang desserts na ito sa tema ng party!PHOTO BY courtesy of Mary Anna Ellaine TamayoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMayroon ding 'eggs' na talaga namang kinagiliwan ng mga bata.PHOTO BY courtesy of Mary Anna Ellaine TamayoWhat other parents are reading
Para naman sa cake, umorder si mommy sa Red Ribbon ng chocolate cake sa halagang Php350.
Nakakatakam din ang cake!PHOTO BY courtesy of Mary Anna Ellaine TamayoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPinaluto naman nila ang mga handa nila sa tito at tita ni mommy na parehong dating chefs sa isang kilalang restaurant. Php10,000 ang nagastos nila—may sarili na silang food pan kaya hindi na nila kinailangan pang pagkagastusan ito.
Kabilang sa kanilang mga handa ang pansit bihon, fried fish fillet, beef broccoli, at sinampalukang manok. Mayroon ding fish lumpia at salad bar na may lettuce, carrots, pipino, at itlog. Sorbetes na langka-cheese flavor naman ang kanilang panghimagas.
Para naman sa giveaways, naghanda sila ng maliit na bayong na nilagyan nila ng maja blanca, leche flan, at suman. Ang suman ay gawa ng mother-in-law ni mommy habang ang maja blanca at leche flan naman ay binili nila sa halagang Php100 sa kada tatlong piraso.
Syempre hindi kumpleto ang party kung wala silang palaro at prizes para sa mga bata. Para Pinoy na Pinoy ang mga palaro, napili nila ang pabitin at palayok. Php35 lang ang palayok na binili ni mommy sa tindahan ng mga abubot na malapit sa kanila. Nilagyan nila ito ng mga Php20 bills at mga coins, pati na rin ng mga candies.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Ang galing!PHOTO BY courtesy of Mary Anna Ellaine TamayoGinawa naman ni daddy ang pabitin gamit ang dahon ng bayabas. Sinabitan nila ito ng mga treats na natira na para sana sa mga loot bags. Sinamahan pa nila ito ng mga maliliit na laruang nagkakahalaga ng Php50.
Sobra ang excitement ng mga bata sa pabitin!PHOTO BY courtesy of Mary Anna Ellaine TamayoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIsang daang tao ang inimbita ni mommy at mayroong limampu na dumating. Ayon sa kanya, sampu ay talagang mga bisita, habang ang iba'y mga kamag-anak na. Para naman sa damit ni baby, binili niya ito sa halagang Php350 sa SM habang dati nang gamit ng anak nila ang suot nitong pantalon at sapatos.
"Na-enjoy ng sobra ng mga bata ang mga games dahil kakaiba sa paningin nila," kwento ni mommy. "Hindi ko inexpect na ganyan ang magiging itsura. For me, bongga na itong first day ng aking [baby boy]."
Mayroon ba kayong unique na party themes? Paano ninyo ito nabuo? I-share niyo lang sa comments section.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network