embed embed2
Basketball-Themed Birthday Party Para Sa Iyong Munting Atleta
PHOTO BY courtesy of Melzen Nogaliza
  • Isa na siguro sa mga pinakacute na nakita naming birthday themes ay ang basketball-themed party na inayos ni mommy Melzen Lucidos-Nogaliza para sa kanyang anak na si baby Kley.

    Kwento niya sa amin sa pamamagitan ng isang Facebook Messenger interview, kahit isang taong gulang pa lang ang kanyang anak, nakikita na niyang mahilig ito sa basketball. “Kapag pupunta kami ng mall tapos may makita siyang bola na pang baskeball, itinuturo niya,” pahayag ni mommy. “Tapos kapag may nakita siyang naglalaro ng basketball tuwang-tuwa siya,” dagdag pa niya. Kaya naman akmang-akma talaga itong tema ng birthday ng anak niya. Narito ang kanilang mga suppliers:

    Paano ginawa ang backdrop at party decorations?

    Para sa balloons, backdrop, at iba pang mga dekorasyon, sa Jparadise Catering Services nagpatulong si mommy Melzen. Sa bahay nila ginanap ang party para hindi na sila magbayad ng venue. 

    PHOTO BY courtesy of Melzen Nogaliza

     

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    PHOTO BY courtesy of Melzen Nogaliza

    More from Smart Parenting

    Ang mga souvenirs naman ay inorder ni mommy sa So Been Here: Customized Souvenir Shop (Facebook: @sobeenhere). 

     

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY courtesy of Melzen Nogalize

     

    Marami kang pagpipiliang klase ng souvenirs mula sa kanila na pwede mong ipa-adujust ayon sa tema ng iyong party.

    Saan inorder ang cake?

    Proud na proud din si mommy sa cake ni baby Kley na inorder niya sa Bella's Cakes Corner (Facebook: @oroniglmjoy). 

    PHOTO BY courtesy of Melzen Nogaliza
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY courtesy of Melzen Nogaliza
    PHOTO BY courtesy of Melzen Nogaliza
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Para naman sa handa nila mommy, pinili na nilang sila na ang magluto ng 13 putahe na kabilang sa kanilang menu. Mas tipid kasi ito at mas kontrolado rin nila kung anong ihahanda. Kwento pa ni mommy, ang kabuuan ng kanilang nagastos ay Php13,00o. 

    Nasubukan mo na ba ang basketball-themed na party para sa iyong anak? Sino-sino ang mga suppliers na tumulong sa iyo? I-share mo ang inyong experience sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles