-
May Palaro Pa Ba? How To Put Together A Zoom Party
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Nang makapasok ang banta ng COVID-19 dito sa ating bansa, hindi lang ang mga trabaho ng mga magulang at pag-aaral ng mga bata ang naapektuhan. Maging ang pamamaraan natin ng pagdiriwang ng mga mahahalagang okasyon sa mga buhay natin ay nagbago na rin.
Dahil kailangan ng social distancing at bawal na rin ang pagtitipon ng maraming mga tao, mas pinipili na ng mga magulang ngayon na idaos ang mga parties nila online. Dito na nga nagsimula ang mga Zoom parties.
Ang Zoom ay isang video conferencing app na pwede mong gamitin para makausap ang mga kaibigan at kamag-anak mong hindi mo na nakikita sa personal. Dati ay sa mga meetings lamang ito ginagamit, ngunit ngayon, napapakinabangan na rin ito para sa mga okasyon online.
Kung hindi ka marunong magdaos ng isang Zoom party, narito ang ilang mga advice na maaaring makatulong.
Mga dapat tandaan sa isang Zoom party
Kailangan mo pa rin ng program flow
Bagaman video call ang gagawin mo kasama ang iyong mga bisita, hindi nangangahulugan nito sa wala ka nang ihahandang program flow.
Sa katunayan, napakahalaga nga ngayon na alam ng mga bisita mo ang daloy ng iyong event. Bago pa ang iyong virtual party, kailangan ay nabigyan mo na ng kopya ng program flow ang lahat ng mga bisita ninyo. Pwede mo itong isama kapag nagpadala ka ng imbitasyon.
Kailangan mo ng mga "house rules"
Hindi ganoon kabilis ang internet dito sa ating bansa, kaya naman kapag sabay-sabay na nagsasalita ang mga tao sa isang video conferencing app, may ibang nagpuputol-putol ang sinasabi.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPara maiwasan ito, kailangan mong maglista ng mga rules at guidelines.
Una, lahat ng papasok sa Zoom party ay dapat naka-mute. Magiging napakagulo ng inyong virtual celebration kung hindi kayo naka-mute at sabay-sabay na nagsasalita ang lahat.
Bukod pa riyan, may mga background noise din na maaaring maging sagabal sa selebrasyon.
Matagal pa ang party, dapat itinuturo mo na sa mga bisita mo ang mga rules na ito para lahat ay magkaintindihan at mag-enjoy.
Mayroon pa ring mga palaro
Hindi maikakaila na minsan ay nagiging awkward ang mga virtual parties. Hindi kasi lahat ay pwedeng sabay-sabay na magsalita. Bukod pa riyan, hindi rin maiwasan minsan ang mga technical difficulties.
Para mas maging masaya, pwedeng magkaroon ng mga simpleng games na hindi mo na kailangang tumayo o pumindot ng kung ano pa.
Masayang maglaro ng Bingo sa mga virtual parties. Pwede rin itong magsilbing giveaway o party favor. Pwede kang magpagawa ng mga personalized Bingo cards na siya mong ipapadala sa mga bisita.
Nakakaaliw ding maglaro ng mga trivia games. Maghanda ka lang ng ilang mga katanungan at unahan sa chat ang mga gustong manalo ng pa-premyo.
Magandang laro rin ang charades. Maraming paraan para ma-enjoy niyo ito kahit hindi kayo magkakasama. Pwedeng ikaw lang ang magpapahula at ang sino man sa mga bisita mo ang makahula agad ay siyang may premyo.
Pwedeng ala mukbang ang kainan
Paano magsasalu-salo sa pagkain kung hindi naman kayo magkakasama? Pwedeng gayahin ang mga Koreans diyan! Sila kasi ang nagpauso ng sabay-sabay na pagkain online o iyong "mukbang."
CONTINUE READING BELOWwatch nowKung may budget naman at nasa iisang siyudad lang ang inyong pamilya, pwede mong i-drop off ang inyong handa na naka-package na para sa inyong mga virtual bisita.
What other parents are reading
Magpadala ng mga souvenirs o giveaways
Kasama ng ipapadala mong mga handa ang mga munting giveaways. Hindi naman kailangang mamahalin ang mga ipapamigay mo lalo na sa panahon ngayon na mahirap ang buhay at hindi lahat tayo ay may trabaho.
Sapat na ang mga simpleng gamit sa bahay o memorabilia na mabibili mo nang maramihan para sulit at mas mura. Marami kang mao-orderan ngayon ng mga giveaways na sila na mismo ang magpapadala sa mga bisita mo.
Lakipan mo rin ito ng personalized thank you note mula sa inyong pamilya para mas maging memorable para sa lahat.
Ilan pang mga paalala na maaaring makatulong:
- Huwag kalimutang ipakilala sa isa't-isa ang mga bisitang hindi magkakakilala.
- Makakatulong kung mayroon kang moderator o iyong taong nakatalaga lang para i-monitor ang lahat ng nangyayari sa screen. Makakatulong ito para lahat ng mga bisita ay makasali sa usapan.
- Magbigay ng Zoom background. Madali lang gawin ang mga ito sa Canva at madali lang din itong ilagay sa Zoom. Ipadala mo lang ito sa mga kasali at siguraduhin mong nabanggit mo ito kapag nagpadala ka ng invitation.
Walang makakapantay sa saya ng mga selebrasyong magkakasama ang buong pamilya. Ngunit sa ngayon, habang wala pang katiyakan ang kaligtasan nating lahat dahil sa banta ng COVID-19, okay na rin ang mga virtual parties.
Ang mahalaga ay malusog ang bawat miyembro ng pamilya at kahit malayo ay nakakapag-usap-usap at nakakapagdiwang pa rin.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading

- Shares
- Comments