embed embed2
McDonald's Party Hack: P10,000 Para Sa Birthday Party For 50
PHOTO BY Avi Cruz
  • Sa nauna naming McDonald’s party guide, idinetalye namin ang mga pangunahing kailangan mong malaman kung gusto mong sa McDo mag-celebrate ng birthday ang anak mo. Ngayon naman ay ibabahagi namin ang Php10,000 party ng isang nanay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Kwento ni mommy Avi Cruz, para sa 5th birthday ng kanyang anak, napili nilang magcelebrate sa McDonald’s Better Living, Parañaque branch.

    What other parents are reading

    Ano ang food package na inorder niya?

    Hindi katulad sa Jollibee, walang minimum ang McDo bago ka makapag-create your own meal. Kaya naman nakagawa si mommy ng eksaktong gusto niya nang hindi na umoorder ng specific na food package. 

    PHOTO BY Avi Cruz
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “We got Happy Meal for kids para may kasama na toy as giveaway na rin,” kwento niya. “Para naman sa adults, chicken ang spaghetti meal,” dagdag niya. Para sa drinks, orange juice ang binili nila para sa mga bata at iced tea naman para sa mga adults. “We did not get sundae na kasi hindi naman nauubos. ‘Yung cupcakes that we ordered, ‘yun na ang dessert for the kids.”

    Narito ang breakdown ng cost: 

    Happy Meal nuggets and fries for kids, 25 pieces (Php131 each): Php3,275

    Chicken and spaghetti meal for adults, 25 pieces (Php131 each): Php3,300

    Party Fee: Php2,000

    TOTAL: Php8,575

    What other parents are reading

    Magkano ang cake and cupcakes?

    Inorder naman niya ang cake at cupcakes na Frozen ang theme sa kanyang kaibigan (Facebook: @bylilchef).

    PHOTO BY Avi Cruz
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Php3,000 ang nagastos ni mommy para sa cake at cupcakes.

    Saan nabili ang giveaways?

    Bumili si mommy Avi ng Frozen-themed popping candies sa SM na nagkakahalaga ng Php13. Kasama rin sa giveaways ang Frozen-themed balloon headbands na nabili ni mommy sa Shoppee for Php7 each. Payo pa niya, siguraduhing maagang mag-order para umabot sa party ang mga giveaways.

    PHOTO BY Avi Cruz
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para sa simpleng decorations, malalaking snowflakes na may glitters ang ginamit ni mommy Avi.

    PHOTO BY Avi Cruz

    Para naman sa costume ng anak niya, ginamit niya ang Anna costume na sinuot din ni baby noong noong nag-Trick or Treat ito. Bukod sa sulit at tipid, nag-enjoy din ang mga bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Nakapag-party na ba ang mga anak mo sa McDo? Kumusta ang experience ninyo? Anong package ang binuo ninyo para sa inyong mga bisita?

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles