embed embed2
  • Listahan Ng Online Suppliers: Mermaid At Under-The-Sea-Inspired First Birthday Party

    Water baby ba ang anak mo? Pwedeng-pwede sa kanya ang birthday party theme na ito.
    by Ana Gonzales .
Listahan Ng Online Suppliers: Mermaid At Under-The-Sea-Inspired First Birthday Party
PHOTO BY courtesy of Jessa Santos
  • Kakaiba talaga ang dulot na kalma ng ating mga karagatan. Kaya naman isa ito sa mga top choices ng mga magulang pagdating sa bakasyunan.

    Popular din itong birthday theme dahil sa lawak ng mga lamang-dagat na pwedeng i-incorporate sa parties ng mga anak natin. Sadyang captivating din ang ating mga karagatan dahil sa taglay na misteryo ng mga ito.

    Kwento nga ni mommy Jessa Santos, miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village, isa ito sa mga pinakapaborito niya simula pa lang noong bata siya. Kaya ngayong may anak na siya, ito ang naisip niyang gawing tema ng party nito. Narito ang listahan ng kanyang mga suppliers:

    Balloons, decorations, at backdrop

    Dahil backdrop at entrance decorations ang unang bubungad sa mga bisita, siniguro ni mommy Jessa na maganda ang mga ito. Nagpatulong siya sa CreativeMinds Events Management (@creativemindsevents).

    Kuhang-kuha ng supplier ni mommy ang tema na gusto niya.
    PHOTO BY courtesy of Jessa Santos
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Marami silang mga packages na pwedeng pagpilian. Kinuha ni mommy ang Package "E" na nagkakahalaga ng Php12,000. Kasama na dito ang styro backdrop at standees, styro entrance design, at balloon decor.

    Backdrop pa lang feel na feel na ng mga bisita ang mermaid theme nina mommy.
    PHOTO BY courtesy of Jessa Santos
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kasama sa balloon decor ang 150 piraso ng 'balloonderitas' para sa kisame, isang pares ng 5ft na balloon pillars, sampung piraso ng table centerpiece, isang pirasong cake arch, at sampung piraso ng cluster ceiling balloons.

    What other parents are reading

    Catering, chairs, tables, at ice cream

    Jardin Preciosa (@JardinPreciosa) naman ang pinagkatiwalaan ni mommy pagdating sa venue at catering services. Sila na ang nag-asikaso sa kulay ng mga upuan at lamesa.

    Elegante ang pagkakaayos ng mga lamesa sa venue.
    PHOTO BY courtesy of Jessa Santos
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kasama na rin sa binayaran ni mommy ang ice cream na talaga namang patok na patok sa mga bata.

    Bentang-benta rin sa mga bata ang ice cream!
    PHOTO BY courtesy of Jessa Ramos
    What other parents are reading

    Cake at pastry buffet

    Pagdating sa cakes at ibang pang sweet treat needs ni mommy, kay Rennet Celestina Chua (@rennet.celestinochua) siya umoorder.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Hindi rin pinalampas ng mga bata ang mga treats sa candy buffet.
    PHOTO BY courtesy of Jessa Santos

     

    Kasama ang mga cute na cupcakes na ito sa dessert buffet.
    PHOTO BY courtesy of Jessa Santos
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Mayroon ding chocolate-flavored cupcakes!
    PHOTO BY courtesy of Jessa Santos
    Sino namang hindi matatakam sa red velvet treats na ito?
    PHOTO BY courtesy of Jessa Santos
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kwento ni mommy Jessa, dito rin daw sila umorder para sa first month at binyag ni baby.

    Nakakapanghinayang namang kainin ang cake dahil sa ganda ng disenyo nito.
    PHOTO BY courtesy of Jessa Santos
    Sobrang ganda ng mga detalye sa cake.
    PHOTO BY courtesy of Jessa Santos
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Souvenirs

    Para naman sa mga items na ipinamigay ni mommy sa mga bisita, umorder lang siya ng mga maliliit na beach pails sa Shoppee at saka niya ito pinuno ng mga assorted chocolates na binili nila sa SNR.

     

    Ang cute ng mga beach pails na ito! Pwedeng gamitin ulit sa Summer.
    PHOTO BY courtesy of Jessa Santos
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

     

    May mga ipinamigay din na laruan sina mommy.
    PHOTO BY courtesy of Jessa Santos

     

    Nagpamigay rin ng activity papers si mommy para hindi mainip ang mga batang bisita nila. Ginawa ito ng kanyang nakababatang kapatid kasama ang mga thank you tags na nakakabit sa mga souvenirs.

     

    Perfect and activity paper para hindi mainip ang mga bata.
    PHOTO BY courtesy of Jessa Santos
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Kasama rin sa party si Jollibee na nirentahan nila ng nakahiwalay. Kailangan mo lang umorder ng minimum na Php5,000 worth of food at magdagdag ng Php1,000 para kasama ang Jollibee mascot.

     

    Titig na titig si baby kay Jollibee!
    PHOTO BY courtesy of Jessa Santos

     

    Ayon kay mommy, halos Php8,000 ang nagastos niya kasama na ang bayad sa extension dahil natagalan si Jollibee sa party.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Siyempre hindi kumpleto ang party kung hindi sasayaw si Jollibee!
    PHOTO BY courtesy of Jessa Santos

     

    Nagkaroon din ng pre-birthday photoshoot sina mommy. Click n Play Studio ang kumuha ng mga litrato ni baby.

    Para naman sa damit ni baby, umorder si mommy sa Shoppee. Nakabili siya ng swak sa party theme sa halagang Php500 lang. Terno rin silang mag-ina ng headdress, na binili rin ni mommy online.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Sobrang cute ni baby!
    PHOTO BY courtesy of Jessa Santos
    Siyempre terno sina mommy and baby!
    PHOTO BY courtesy of Jessa Santos
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Malaki ang pasasalamat ni mommy dahil sa pamamagitan lang ng paghahanap online ay nabuo niya ang first birthday party ng anak niya.

    Kasalukuyan ka rin bang nagpaplano ng birthday ng anak mo? Mayroon ka na bang suppliers? I-share mo na ang iyong experience sa comments section.

    Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para sa mas maraming birthday party inspirations.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles