embed embed2
  • Unli Mobile Legends At Iba Pa! Father's Day Gift Ideas Mula P400 Pataas

    Maraming abot-kayang paraan para pasahayin si daddy ngayong nalalapit na Father's Day.
    by Ana Gonzales .
Unli Mobile Legends At Iba Pa! Father's Day Gift Ideas Mula P400 Pataas
PHOTO BY iStock
  • Isa na siguro sa mga pinaka paborito nating ugali ng mga tatay ay ang pagiging mababaw ng kaligayahan nila. Madalas masaya na sila sa mga simpleng bagay. Masaya na sila kapag nakikita nilang kuntento at maayos ang kanilang pamilya. 

    Pero minsan, hindi rin naman masamang mag-splurge para kay daddy. Lalo na't sila ang katuwang natin sa pagpapalaki sa mga bata. Sila ang kaakibat natin sa ating mga DIY projects.

    What other parents are reading

    Sila rin ang punong abala sa paggawa ng mga laruan at gamit ni baby. Ang laki ng natitipid nating mga mommies dahil hindi na tayo bumibili ng andador at iba pang furniture dahil nariyan naman si daddy.

    Kaya naman ngayong Father's Day, bakit hindi mo bigyan si daddy ng mga paborito niyang bagay? Narito ang ilan sa mga pwede mong iregalo sa kanya. Ibinahagi ito sa amin ng mga nanay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village

    What other parents are reading

    Father's Day affordable gift ideas

    Caricature mula sa Aphz Design and Crafts

    (Facebook: @AphzDesign)

    Siguradong matutuwa si daddy sa decorative na regalong ito. Pumili ka lang ng isang moment na pinaka-proud ka kay daddy at saka mo ito ipaguhit. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagkakahalaga ng Php499 ang isang 8x10 na caricature. Black and white ang frame at pwede mo na rin itong palagyan ng dedication. Kung ito ang gusto mong iregalo kay daddy, maglaan ka ng lima hanggang pitong araw para magawa ito ng artists.

    What other parents are reading

    Car freshener mula sa Mr. Cool

    (Facebook: @THESPAINYOURCAR)

    Marami kang makikitang sellers nito online kaya hindi ka mahihirapang maghanap. Kung car guy ang hubby mo, siguradong ma-aappreciate niya ito.

    Kape mula sa Kape Pare

    (Facebook: @TaraKapePare)

    Mahilig ba si daddy sa kape? Kung oo, bakit hindi mo siya bilhan ng coffee beans at press? Bukod sa napasaya mo na si daddy, nakatulong ka pa sa lokal na industriya ng kape. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mayroon kang mabibili online na mga set na Php530 lang, may kape at coffee press ka na. 

    What other parents are reading

    Bike mula sa Bisikleta Manila

    (Facebook: @bisikletamanila)

    Napakahirap magcommute ngayon kaya siguradong malaking tulong kay daddy kung ibibili mo siya ng bisikleta. Bukod kasi sa iwas na siya sa traffic, makakapag-exercise pa siya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kasalukuyan lang na sold out ang mga bikes ngayon dahil na rin sa taas ng demand, pero sulit naman ito kapag nakabili ka na. 

    Bilhan mo na rin si daddy ng mga safety gears, sunscreen, at water bottle para naman ligtas siya habang nagbibisikleta.

    What other parents are reading

    PC Build o gaming chair mula sa PCWorkx

    (Facebook: @PCWORX)

    May sarili bang gamit si daddy para sa work-from-home niya? Kung wala pa, pwede kang umorder online ng computer setup para sa kanya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magandang option din ang gaming chair, kung sakali mang may computer na kayo sa bahay.

    What other parents are reading

    Ilan laman ang mga iyan sa mga pwede mong iregalo kay daddy ngayong Father's Day. Pwede mo rin siyang bigyan ng special shoutout! Baka sakaling isa siya sa mga tatay na ma-feature namin sa aming mga Father's Day articles, videos, at social media posts. 

    Gawin mo lang ang aming 14-day Father's Day social media challenge! Pumunta ka lang sa aming Facebook page para mabasa ang challenge namin para sa araw na iyon. 

    Huwag kalimutan ang mga hashtags na ito: #MyFunnyDaddy #FlexKoLangSiDaddy #SmartParenting at siguraduhin mong naka-public ang post para makita namin ito at maisama sa mga larawan at video na maaari naming i-feature.

    Pwede mo ring itong ipadala sa aming email address na smartparentingsubmissions@gmail.com. Ilagay mo lang sa subject and challenge at ang hashtag.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles