Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Kwentong Katatakutan Part 2: 'Hindi Naman Talaga Ako Naniniwala Sa Multo, Pero...'
PHOTO BY Pixabay
  • Kung kinilabutan kayo sa naunang bahagi ng compilation nitong mga kwentong katatakutan mula sa mga nanay sa Smart Parenting Village, siguradong maninindig ulit ang balahibo ninyo dito sa ikalawang bahagi. 

    One time walang kuryente sa area namin. I was feeding my baby lang. Suddenly, may tinatawag siya sa gawi ng kitchen where it was dark. Tapos, he kept on pointing at that direction. Kami lang namang dalawa ang nasa labas noon dahil yung papa niya nasa room namin. Nangilabot ako ng slight. -Ana Bvnana

    Not with my kids pero sa niece ko. She was one-year-old that time. Mataba siya na baby pero biglang pumayat kasi hindi gumagaling ang sakit niya. My sister went to different doctors na pero puro ubo and fever lang ang sinasabi nila. One time, nagkaroon sila ng bisita. Pagpasok pa lang sa bahay, she shouted "IN JESUS’S NAME UMALIS KAYO DIYAN!" Shocked kaming lahat kasi ganun ang naging reaction niya. She then told us na nakatabi daw sa ate ko na buhat ang pamangkin ko yung nakita niya that time. She said, they were 12 entities. So kailangan naming mag atang ng 12 chicken, 12 tobaccos and etc. Nag atang lang sila ate then nung gumaling na ang pamangkin ko, lumipat na sila agad. -Arianne Ambulario

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting


    Two months pa lang si eldest noon (2012). Natutulog na kaming mag-ina sa kuwarto. Open lang ang door kasi sa sala natutulog ang in-laws ko. Sa kalagitnaan ng tulog ko, bigla akong naalimpungatan. Hindi ko makita ‘yung mukha nung babae na nakita ko, pero maputi siya tapos hanggang balikat ang buhok niya at wavy ito. Kinukumutan niya ang anak ko. Naisip ko noon, si mother-in-law. Lumabas din siya at pumunta sa banyo. Nakikita kasi mula sa kwarto ang daan papunta sa banyo. Panay ang hintay ko na lumabas siya sa banyo kasi naiihi na rin ako. Natakot ako kasi ang tagal na, wala pa ring lumalabas. Hanggang sa hindi na lang ako umihi. Kinaumagahan, tinanong ko si mother-in-law kung pumasok siya sa kwarto namin at kinumutan si baby. Hindi pa raw siya pumapasok sa kwarto noong oras na ‘yun. Kinilabutan ako kasi nang sabihin ko ang itsura ng nakita ko, iyon pala ang namatay kong mama. Five years old pa lang kasi ako nang mamatay siya. -Esperanza Mia Lopez-Osial

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Around three years old si little boy ko, he would often wake up between 2am and 3am. One time, nasa bahay kami ng lolo ko for the weekend, same time between 2am and 3am, nagising siya, he sat up, tingin sa window, and said "Hi!" I mustered all the courage that I have to stand up and hurriedly close the window. Kaloka si bagets! -Caren Clariza Cortez

    More from Smart Parenting

    My husband is a lolo’s boy but his lolo died before we even met. Sa hallway ng bahay ng in-laws ko may picture ng lolo (daddy ng mommy ni hubby). We worked overseas until we decided to stay here for good dahil ayaw namin malayo kay baby. Ever since we arrived, may instances na pag pinapalitan ko ng diaper si baby may tinitingnan sya sa likod ko at tatawa sya na para bang may nagpepeek-a-boo sa kanya. Grabe goosebumps! Fast forward to last month, bigla na lang si baby nagsasabi ng tatay, tatay. Nagulat kami kasi wala namang nagturo sa kanya non. And then one time, nilagnat ng bongga si baby, nasa 40s! Usually if it’s teething fever nasa 37.8-38 lang, all lab tests done puro normal at negative for dengue, I don’t really believe in ‘patawas’ but hubby’s tita insisted sabi ng albularyo may naglalaro daw sa kanya na matandang lalaki lalo na kapag iniiwan ko siyang mag-isa. -Pauline Sanchez

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    My three-year-old daughter takes a bath in my mother's bathroom. After bath, her dad settled her down on the bed to get dressed. After wearing diapers, she asked hubby "Who's that?", and pointed at the door (which was closed). Wanting to make sure he heard right, hubby asked her to repeat. Then she whispered (as if shy to be heard) the same question. It was already nighttime so we waited till morning before telling my mother about it. -Mel Floriselle Amburgo 

    Me and my daughter were in the attic. We're playing and I was showing her how I can reach the ceiling (lower part ng ceiling ng attic). Both my palms were completely touching the ceiling when we heard and felt three knocks from the other side of the ceiling right where my hands rested. We went down right away and I never touched that ceiling again. -Mau Managa

    More from Smart Parenting

    Ito namang isang kwento ko sa bunso ko naman, nangupahan kami malapit lang kina mama. Everyday nagigising ako sa madaling araw around 3am, nakaupo ang anak ko sa dining table namin tapos nakatulala lang siya. Laging ganun sa araw-araw. Hanggang isang araw hindi ko na siya nakitang nakaupo doon. Pero noong nakaraan, siguro August, before 12am nagising na naman siya. Kaso, iba naman ang ginawa niya. Nagtatakbo siya papuntang banyo habang umiiyak. Ako naman, nakamasid lang sa kanya. Maya-maya, sa main door naman namin siya pumunta, iyak pa rin ng iyak at halatang takot na takot. Kinuha ko na siya at tinanong ko kung bakit siya umiiyak. Kinarga ko siya at pumunta kami sa mama ko kasi hindi ko na alam ang gagawin. Habang naglalakad kami, tinanong ko kung anong nangyari at kung may nakita ba siya. Sabi niya, “Oo mama.” Tinanong ko kung anong itsura. Babae raw na nakaputi at duguan ang mukha. Pati ako naiyak sa takot dahil sa anak ko. Pagkatapoon non, ilang araw ko siyang hindi na muna pinatulog doon sa studio unit namin na iyon. Buti ngayon, okay na siya. She’s five years old now. -Avy Crizelle Deguia Aldave 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nakaupo kami ng panganay ko sa sofa sa living room. Sa likod ng sofa ay kitchen sink. Inaaliw ko anak ko habang hinihintay namin ang pag-uwi ng ama niya nang mapatingin ako sa mata ni baby. May babaeng mahaba ang buhok—I forgot if it’s white or black lady, papalapit yung babae sa kinaroroonan namin. Nagbanggit ako ng In Jesus name, pinikit ko mata ko at nagpray. Thank God nawala yung babae. Feeling ko may nagmamasid pati lagi sa aming magina sa dati naming tinitirhan kahit na dalawa lang kami palagi sa bahay. Laking pasalamat ko na din at nakalipat na kami ng tirahan. -Anonymous 

    More from Smart Parenting

    Nung one-month-old si baby, magha-half bath sana ako habang tulog siya, around 9pm na ito. Nahagip ng mata ko na nasa sala ‘yung bunso namin. Sabi ko, bantayan niya muna si baby. Hinayaan kong nakabukas lang ang pinto ng kwarto namin para masilip ko si baby. Wala pa akong five minutes sa banyo, narinig ko na parang naalimpungatan ang anak ko. Pagsilip ko, may pigura ng lalake sa loob ng kwarto. Nakaputing t-shirt at nakatalikod sa view ko. Nakatungo siya na parang tinitignan si baby. Iba na ang pakiramdam ko noon. Kulot ang buhok nung lalake. Nagbihis ako agad. Nagbuhos ako, wala ng sabon-sabon. Pagpasok ko, may brown na stains ang net ni baby. Parang inangat kasi tumabingi. Napasigaw din ako kasi may natapakan akong malambot na muntil ko pang ikadulas. Putik pala na may konting damo. May putik din sa paanan ni baby hanggang sa main door namin. Saktong dumatin naman ang mother ko at ang kapatid ko. Sabi ko, “Hindi pa nagbilin ako sayo, Gab, na pakibantayan si Chin sandali?!” Sabi ng nanay ko, “Ano ka ba?! Kanina pa wala ang kapatid mo dito! Kakasundo ko lang sa kanya sa computer shop!” Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sino ‘yung nakita ko? Graveyard shift ang asawa ko. May okasyon namang pinuntahan ang tatay ko at higit sa lahat, straight ang buhok ng kapatid ko. Simula noon, I never left my baby alone, ever again dahil sa kaba. Sabi ng lola ng asawa ko baka daw elemento dahil nag-iwan ng trace ng putik. -Irene Llagas Valdez

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi naman talaga ako naniniwala sa multo, mas naniniwala ako sa mga panaginip, pero meron kasing isang pagkakataon na nagising ako, may babaeng nakaupo sa paanan ng kama namin. Wala ang asawa ko 'non at tulog na tulog ang anak ko. Parang matandang babae na siya. Nakahukot kasi, parang kuba. Pumikit ako at nagdasal pero hindi siya nawala. Pumikit ako ulit, pagdilat ko, wala na. Nakatulog ako at paggising ko, hindi ko alam kung nanaginip ako o ano. Sabi ng nanay ko, sundo daw 'yun. Kung sinong sinusundo niya, hindi ko alam. -Anonymous


    Ang mga kwentong ito ay galing sa mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Wala kaming inedit sa kanilang mga kwento, maliban sa mga salitang naka-text speak at kulang ng ilang salita. Ikaw, mayroon ka bang nakakakilabot na kwentong gusto mong i-share? Mag-iwan ka lang ng comment o di kaya ay sumali sa Smart Parenting Village.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles