embed embed2
  • Breakfast Date At Iba Pa! 4 Things Happy Moms Do In The Morning

    Isama mo ang mga ito sa morning routine mo, Ma!
    by Ana Gonzales .
Breakfast Date At Iba Pa! 4 Things Happy Moms Do In The Morning
PHOTO BY Shutterstock
  • Madalas guilty ang mga nanay na tulad mo sa pagpupuyat dahil sa gabi na lang ang oras mo para sa iyong sarili.

    Kaya naman hindi katakataka na napapagod ka agad pag-gising mo. Bukod kasi sa puyat ka, nawawalan ka rin ng panahon para sa iyong sarili.

    Malaki ang magagawa ng ilang minutong katahimikan para sa iyong mental health. Kung napapansin mong nagiging maiinitin na ang iyong ulo at mabilis ka nang magalit sa mga anak mo, baka nakukulangan ka ng oras para mapag-isa at maproseso ang mga bagay-bagay.

    Alam mo bang mas masusulit mo ang me time mo (at magiging productive ka pa) kung ililipat mo ito sa umaga sa halip na sa gabi?

    Anu-ano nga bang magagawa mo kung mas maaga kang nagigising kaysa sa mga kasama mo sa bahay? Narito ang ilan sa mga good habits ng mga matatagumpay na tao na pwede mong gayahin:

    4 na bagay na ginagawa ng mga matatagumpay na tao sa umaga

    Mag-exercise

    O 'di naman kaya ay mag-meditate. Maraming mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ang nage-ehersisyo sa umaga.

    May ilang nagyo-yoga o 'di naman kaya ay nagja-jump rope. Bukod kasi sa hindi kailangan ng maraming oras ng mga workouts na ito, madali lang din silang gawin.

    Ang page-ehersisyo rin ay nakakatulong para mag-release ang katawan mo ng mga happy hormones tulad ng endorphine. Samahan mo pa 'yan ng pag-iisa mo at katahimikan, siguradong mare-recharge ang isip mo nang hindi ka nagpupuyat.

    Magkape nang walang istorbo

    Sabi nila, bahagi na ng pagiging magulang ang pag-inom ng malamig na kape. Sa sobrang dami kasi ng ginagawa mo, malimit ay malamig na ang kape mo, hindi mo pa ito naiinom.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung gigising ka ng kahit 45 minutes na mas maaga sa mga kapamilya mo, mae-enjoy mo ang katahimikan ng bahay at ang mainit mong kape na walang gumagambala sa iyo.

    Makipag-date kay hubby

    Sinong nagsabing ang date ay sa gabi lang? Pwede kayong mag-breakfast date ni hubby habang tulog pa ang mga bata. Bukod sa maganda na para sa inyong dalawa ang nakakapag-bonding nang kayo lang, mainam rin na nakakain kayo ng agahan ng maayos.

    Napakagandang bonding rin na magkatabi lang kayo at tahimik na nagkakape. Ilang mga nanay at tatay sa Village ang nakaugalian nang magbasa ng kanilang devotional sa umaga, bago pa magsimula ng araw.

    Pagkatapos nito ay saka sila magkakape o mag-aagahan. Nabusog na kayo, na-update niyo pa ang isa't-isa tungkol sa mga bagay-bagay.

    Balikan ang iyong mga hobbies

    May mga nanay naman na gumigising ng maaga para magsulat, mag-journal, o magmuni-muni. Mayroong mga nananahi, may mga nagdo-drawing, at mayroon ding mga nagpipinta.

    Ano man ang hobby mo na hindi mo na nagagawa, manood man 'yan ng mga paborito mong TV series at iba pa, pwede mo iyang gawin sa umpisa ng araw mo.

    Huwag mong isipin na dahil nanay ka na, isasakripisyo mo na ang mga hilig mo para sa iyong pamilya. Ang oras mula 5AM hanggang 7AM ay maaaring maging iyo kung gugustuhin mo.

    Sabi pa ng mga nanay sa Village, hinihingi nila ito sa mga partners nila para naman kumpleto ang tulog nila at may oras pa rin sila para sa ibang bagay bukod sa pagiging ina.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ikaw? Anong oras ka gumigising? Nasubukan mo na bang mag me time sa madaling araw? Kumusta ang iyong experience? I-share mo 'yan sa comments section.

    Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles