-
Paano Iwasan Maging Anemic Lalo na Kung Ikaw ay Buntis
Sa una, ang anemia ay maaaring maging mild na hindi masyadong pinapansinby Allan Olga .
- Shares
- Comments

Tatlong uri ng blood cells ang nililikha ng katawan. Ang white blood cells na nilalabanan ang infection, platelets na tumutulong sa katawan para mag-clot ang dugo, at red blood cells na nagdadala ng oxygen sa buong katawan. Pwede ka magkaroon ng anemia kung kulang ang katawan mo nang malusog na red blood cells.
Ang red blood cells ay nagtataglay ng hemoglobin, isang protinang mayaman sa iron at nagbibigay ng pulang kulay sa dugo. Ang hemoglobin ang tumutulong upang ma-distribute ng red blood cells ang oxygen sa ating katawan. Para makagawa ng hemoglobin para sa red blood cells, nangangailangan ang ating katawan ng iron, vitamin B-12, folate at iba pang nutrients na makukuha sa pagkain.
Maraming uri ng anemia at bawat isa ay may kanya-kanyang dahilan. Maaaring maging panandalian o long term ito, may mga kasong mild o kaya naman malubha. Ang mahalaga magpatingin agad sa inyong doktor kung sa tingin ninyo ay may anemia kayo dahil maaaring senyales ito ng malubhang sakit.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSintomas ng anemia
Sa una, ang anemia ay maaaring mild na hindi mo masyadong pinapansin hanggang sa maging malubha na ang ang mga sintomas. Iba-iba ang mga sintomas ng anemia, depende sa sanhi nito. Kabilang sa mga senyales ay ang mga sumusunod:
- Pagkahapo o pagod
- Panghihina
- Pamumutla o dilaw ng balat
- Iregular ang tibok ng puso
- Shortness of breath o parang nauubusan ng hininga
- Pagkahilo
- Pananakit ng dibdib
- Panlalamig ng kamay at paa
- Sakit ng ulo
Mga sanhi ng anemia
May mga pagkakataon na natutuklasan ng isang tao na mababa ang hemoglobin niya, isang sintomas ng anemia, kapag nagdo-donate ng dugo. Kapag pinayuhan ka na hindi ka maaaring mag-donate ng dugo dahil sa mababang hemoglobin, makipagkita sa iyong doktor. Ang mga karaniwang uri ng anemia ay dulot ng iron deficiency o kaya vitamin B-12 deficiency. Narito ang mga ilang sanhi ng anemia.
Iron deficiency anemia
Ito ang pinakakaraniwang uri ng anemia sa buong mundo at kadalasan ito rin ang anemia na nararanasan ng mga buntis. Ang bone marrow sa katawan ay nangangailangan ng iron para makagawa ng hemoglobin. Kung hindi sapat ang iron, hindi makakalikha ng hemoglobin para sa iyong red blood cells. Nangyayari rin ang iron deficiency kapag nawawalan ng dugo, gaya ng malakas ang menstrual bleeding, ulcer, cancer at regular na pag-inom ng over-the-counter pain relievers, katulad ng aspirin.
CONTINUE READING BELOWwatch nowVitamin deficiency anemia
Bukod sa iron, kailangan din ng iyong katawan ng folate at vitamin B-12 upang makalikha ng sapat at malusog na red blood cells. Kapag ang pagkain mo ay kulang sa mga sustansiyang ito, ang katawan ay hindi makakagawa ng sapat na red blood cells. Dagdag pa, may mga taong maaaring sapat ang nakukuhang B-12, pero hindi maproseso ng katawan. Maaari itong mauwi sa vitamin deficiency anemia, na kilala rin bilang pernicious anemia.
Anemia of chronic disease
May mga sakit na humaharang para makagawa ng red blood cells ang katawan. Kabilang dito ang cancer, HIV/AIDS, rheumatoid arthritis, kidney disease, Crohn's disease at iba pang chronic inflammatory diseases.
Aplastic anemia
Ito ay hindi pangkaraniwan, pero nakapangangambang uri ng anemia na nangyayari kapag ang katawan ay hindi lumilikha ng sapat na red blood cells. Ang aplastic anemia ay sanhi ng infections, mga partikular na gamot na iniinom, autoimmune diseasesn at exposure sa toxic chemicals.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAnemias na may kinalaman sa bone marrow disease
May mga sakit, kagaya ng leukemia at myelofibrosis, na nagdudulot ng anemia na nakakaapekto sa produksyon ng dugo sa bone marrow. Ang epekto ng mga uri ng cancer na ito at cancer-like disorders ay maaaring mild o nagiging mapanganib sa buhay.
Hemolytic anemias
Ang mga uri ng anemia na ito ay nangyayari kapag nasisira ang red blood cells pero hindi napapalitan ng bago mula sa bone marrow. May mga uri ng blood cell diseases na nagpapabilis sa pagsira ng red blood cells. Ang hemolytic anemia ay maaaring mamana o kaya ay lumilitaw pagtanda.
Sickle cell anemia
Ang anemia na ito ay namamana at kung minsan ay seryosong kondisyon at isang uri ng hemolytic anemia. Ito ay sanhi ng depektibong uri ng hemoglobin na nagiging dahilan para magkaroon ng ibang hugis ang red blood cells. Dahil dito, mabilis mamatay ang red blood cells nagpapababa sa antas ng red blood cells sa katawan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Risk factors pagdating sa pagkakaroon ng anemia
Kung ang inyong pagkain ay laging kulang sa iron, vitamin B-12 at folate, mas mataas ang tsansa na magkaroon ng anemia. Kung ikaw ay buntis at hindi umiinom ng multivitamin na may folic acid, maaari kang magkaroon ng anemia.
Ang mga babaeng hindi pa nakakaranas ng menopause ay mataas ang tsansa na magkaroon ng iron deficiency anemia kumpara sa mga lalaki at postmenopausal women. Ito ay dahil ang menstruation ay nagdudulot ng paglabas ng red blood cells.
Ang pagkakaroon ng problema sa intestines o bituka na nakakaapekto sa pag-absorb ng nutrients sa small intestines — kagaya ng Crohn’s disease at celiac disease — ay nagpapataas ng risk sa anemia. Ang mabagal pero long-term na blood loss dahil sa ulcer o iba pang dahilan na pagkawala ng dugo ay maaaring magdulot ng pagkawala ng iron sa katawan na pwedeng mauwi sa iron deficiency anemia.
Kung ikaw ay may cancer, kidney failure at iba pang chronic conditions, mataas ang risk na magkaroon ng anemia dahil ang mga kondisyon kasing ito ay maaari mauwi sa kakulangan ng red blood cells. . • Family history.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung sa pamilya ay may history ng inherited anemia, kagaya ng sickle cell anemia, pwede mo itong mamana.
Kumplikasyon ng anemia
Kung hindi maaagapan, ang pagkakaron ng anemia ay posibleng mauwi sa mga suliraning pangkalusugan.
Kapag malubha ang anemia, makakaramdam ka ng sobrang pagkapagod dahilan upang mahirapang matapos ang mga trabaho.
Ang babaeng buntis at may folate deficiency anemia ay malaki ang tsansang makaranas ng mga kumplikasyon, kagaya ng premature na panganganak.
Ang anemia ay maaaring magdulot na mabilis at iregular na pagtibok ng puso o arrhythmia. Kapag anemic ka, mas kailangan ng iyong puso na mag-pump ng mas maraming dugo para maibsan ang kakulangan ng oxygen sa dugo. Pero pwede itong mauwi sa paglaki ng puso o heart failure.
Ang mga namamang uri ng anemia kagaya ng sickle cell anemia ay seryoso at maaaring malagay sa panganib ang iyong buhay. Ang pagkawala ng maraming dugo sa katawan ay pwedeng maging sanhi ng malubhang anemia na nakamamatay.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPaano maiwasan ang anemia
Ang iron deficiency at vitamin deficiency anemia ay maaaring maiwasan kung ang inyong diet ay nagtataglay ng mga pagkaing mayaman sa vitamins at sustansya gaya ng
Iron
Ang mga pagkaing mayaman sa iron ay karne gaya ng baka, beans, lentils, iron-fortified cereals, dark green leafy vegetables, at dried fruit.
Folate
Ang nutrient na ito at ang synthetic form ng folic acid ay maaaring makuha sa mga fruits at fruit juices, dark green leafy vegetables, green peas, kidney beans, peanuts, at enriched grain products, gaya as bread, cereal, pasta at kanin.
Vitamin B-12
Kabilang sa mga pagkaing mayaman sa vitamin B-12 ay karne, dairy products, at fortified cereal at soy products.
Vitamin C
Ang mga pagkaing mayaman sa vitamin C ay mga citrus fruits at juices, peppers, broccoli, tomatoes, melons at strawberries. Nakatutulong ang vitamin C para sa iron absorption.
Multivitamins
Kung nag-aalala kayo na baka hindi sapat ang nakukuhang sustansiya mula sa pagkain, itanong sa inyong doktor kung ang pag-inom ng multivitamins ay makatutulong.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWGenetic counseling
Kung sa pamilya ay may history ng namamanang anemia, kagaya ng sickle cell anemia o thalassemia, makipag-usap sa doktor o kaya ay genetic counselor upang malaman ang risk factor ninyo at ng inyong mga anak.
Source: Mayo Clinic
What other parents are reading

- Shares
- Comments