-
Your Health FDA Warns Against 5 Face Mask Brands: Here Is A List That Is FDA-Approved
-
News And Then They Were 5! Nanganak Na Si Andi Eigenmann
-
News Toni Gonzaga Now Appreciates Her Parents' 'No Overnight Before Marriage' Rule
-
Love & Relationships Cheaters Beware: Supreme Court Upholds Jail Time For Unfaithful Husband
-
Bahing Nang Bahing At Madalas Sipunin? Tamang Gamot Sa Iba't-Ibang Uri Ng Allergies
Kung alam mo ang uri ng allergy na mayroon ka, mas madali mong maiiwasan ang mga triggers.by Ana Gonzales .

PHOTO BY Pexels
Paalala: Delikado ang self-diagnosis o ang pagrereseta sa sarili. Kumonsulta muna sa doktor bago uminom ng ano mang gamot para sa allergy.
Napansin mo bang nagiging sipunin ka kapag nagpapalit ang panahon? O 'di naman kaya ay naiirita ang iyong balat sa tuwing may nakakain ka? Baka mayroon kang allergy.
Ano ang allergy?
Ang allergy o allergic reaction ang pagtugon o paglaban ng immune system mo sa mga substances na nakakapasok sa katawan mo na sa tingin nito ay hindi makakabuti sa iyo. Ang mga substances na ito ang tinatawag na allergens o ang iyong mga 'triggers.'
Anu-ano ang iba't-ibang uri ng allergy?
Ang allergies ay may iba't-ibang types o uri—mayroong seasonal lang at mayroong nariyan sa buong taon. May ilang mga allergies pa nga na maaaring panghabang-buhay mo nang dala.
Mahalagang kumonsulta sa iyong doktor para matukoy nila kung anong uri ng allergy mayroon ka. Bukod kasi sa pag-iwas sa iyong mga allergens, mayroong tamang gamot sa allergies at iba't-ibang types nito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWDrug Allergy
Ayon sa Asthma and Allergy Foundation of America, hindi masyadong maraming tao ang nakakaranas ng drug allergy. Kaya naman may ilang mga gamot, lalo na ang mga pamahid, ang sinusubukan muna sa maliit na bahagi ng balat ng pasyente bago ito tuluyang ireseta sa kanya ng doktor.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosTandaan, hindi lahat ng reaksyon ng iyong katawan sa gamot ay allergy. Maaari rin itong maging side-effect ng ininom o ipinahid mo.
Tanda ng drug allergy:
- wheezing o tunog habang humihinga
- hirap sa paghinga
- pamamaga ng bibig at lalamunan
- pagsusuka
- diarrhea
- abdominal pain
- pagbagsak ng blood pressure
- pagkahimatay
Ang mabisang paraan para maiwasan ito ay ang hindi pag-inom o pagpahid ng mga gamot na hindi inireseta sa iyo ng doktor. Maaari kasing hindi mo alam na allergic ka sa isang gamot.
Food Allergy
Nangyayari ito kapag nakakakain ka ng mga pagkaing sa tingin ng katawan mo ay hindi maganda para sa iyo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMayroong dalawang uri ng allergic reaction sa pagkain:
Immunoglobulin E (IgE) mediated
Nangyayari ito kapag gumagawa ang katawan mo ng mga antibodies na kung tawagin ay immunoglobulin E (IgE). Ang pinaka madalas na sanhi nito ay ang mga sumusunod na pagkain:
- gatas
- itlog
- mani
- soy
- wheat
- isda
- shellfish
Non-IgE mediated
Ito nman ang allergy sa pagkain kung saan ibang bahagi ng immune system ng katawan mo ang nagre-react sa ilang pagkain.
Ang allergic reaction ay nagdudulot ng mga sintomas ngunit hindi kabilang dito ang IgE.
Paalala ng mga eksperto, hindi lahat ng nakakaranas ng reaksyon mula sa pagkain ay may food allergy. Sa halip, maaaring mayroon silang tinatawag na food intolerance.
Insect Allergy
Maraming mga uri ng insekto pero mayroon lamang iilan na maaaring magdulot ng allergic reaction.
Stinging insects
- bees
- wasps
- hornets
- yellow-jackets
- fire ants
Ang mga taong may allergy sa mga stinging insects ay gumagaling din sa loob ng isang oras hanggang ilang araw, depende sa katawan ng tao.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBiting insects
- mosquitos
- bedbugs
- fleas
Kung makagat ka ng mga insektong ito at nagkataong mayroon kang allergy sa mga biting insects, maaari kang makaranas ng matinding sakit, pangangati, pamumula, at pamamaga sa bahagi na nakagat.
Household pests
- cockroaches
- dust mites
Buong taon mong kailangang mag-ingat kung mayroon kang allergy sa mga insektong ito. Maaari kasi itong magdulot ng hika.
Narito ang mga tanda ng allergy sa mga insekto:
- pangangati ng balat
- pamamaga ng labi, dila, at lalamunan
- hirap sa paghinga
- pagkahilo
- pagkahimatay
- pananakit ng tiyan
- pagsusuka
- diarrhea
Para maiwasan ito, ugaliing panatilihing malinis ang inyong bahay para hindi pamahayan ng mga insekto.
Latex Allergy
Matatagpuan ang latex sa mga pang araw-araw na gamit tulad ng mga sumusunod, ngunit hindi limitado sa mga ito:
- balloons
- rubber bands
- condoms
- diaphragms
- rubber household gloves
- rubber balls
- bandages
May ilang mga tao na nakakaranas ng allergic reaction sa latex sa paghinga lang, habang may ilan namang nakakaranas ng allergic reaction kapag nadidikit sa balat nila ang latex.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPangangati at pamamaga ang pangunahing sintomas ng latex allergy. Maaari ring lumabas ang mga severe reactions tulad ng:
- pantal
- pamamaga
- pagbahing
- sipon
- pamamaga ng mata
- hika
Mold Allergy
Ang mga spores mula sa molds at iba pang fungi ang siyang nagiging sanhi ng mold allergy.
Tanda ng mold allergy:
- pagbahing
- pangangati
- sipon
- baradong ilong
- scaling skin
Ang mga outdoor molds ay maaaring magdulot ng mga sintomas kapag tag-init, samantalang ang mga indoor molds naman ay maaaring magdulot ng allergy sa buong taon.
Para maiwasang magkaroon ng molds sa bahay, makakatulong ang paggamit ng humidifier para ibaba ang humidity na siyang nagdudulot ng molds.
Makakatulong din ang paggamit ng exhaust fan, madalas na paglilinis ng mga basurahan, at malimit na paglilinis ng bahay.
Pet Allergy
Ayon sa mga eksperto, ang mga taong may pet allergy ay mayroong oversensitive na immune system. Nagre-react ang katawan nila sa mga harmless proteins sa ihi, laway, at dead skin cells.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSintomas ng pet allergy:
- pagbabara ng ilong
- pagluluha ng mata
- pangangati ng mata
- hika
Para maiwasan ang pet allergy, makakatulong kung hindi papapasukin ang mga alaga mo sa loob ng bahay, lalo na kung matindi ang allergy mo.
Pwede ka ring mag-alaga ng mga pets na walang balahibo tulad ng isda o pagong. Kung ayaw mo namang ilabas ang mga alaga mo, mas maganda kung hindi mo sila papapasukin sa kwarto at kung palagi kang maglilinis ng bahay.
Iwasan ang pagkakabit ng carpet o ano mang materyales na madaling kapitan ng balahibo. Mas maganda kung napupunasan lagi ang mga gamit ninyo sa bahay.
Ugaliin ding magpalit ng damit madalas, lalo na kung lagi mong hinahawakan ang iyong mga alaga. Makakatulong din ang paghuhugas ng kamay palagi bago mo hawakan ang iyong mukha.
Pollen Allergy
Sa lahat ng mga allergies at iba't-ibang types nito, ito ang pinamadalas maranasan ng maraming tao. Kilala ito ng marami bilang 'hay fever,' habang 'seasonal allergic rhinitis' naman ang tawag ng mga eksperto dito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng mga sintomas ng pollen allergy:
- sipon
- pagbahing
- makating ilong, mata, at bibig
- baradong ilong
- mapula at naluluhang mata
- pamamaga sa paligid ng mata
Maiiwasan mo ang pollen allergy sa pamamagitan ng hindi masyadong paglabas ng bahay kung panahon ng pollen o pamumulaklak.
Ano ang gamot sa allergy?
Antihistamine ang inirereseta ng mga doktor para malunasan ang allergy. Mabibili mo ito sa mga pangunahing botika. Nakakatulong ito para malunasan ang labis na pagbahing, maging ang pangangati ng ilong at mata. Napipigilan din ng antihistamine ang sipon o pagbabara ng ilong.
Maaari ring magreseta ang doktor ng decongestant, na siya namang nakakatulong para maiwasan ang pagbabara ng ilong.
May ilang kumukuha ng allergy shots o iyong Subcutaneous Immunotherapy (SCIT) para mas matagal na maiwasan ang mga allergies.
Mahirap iwasan ang mga allergies kung madalas kang exposed sa mga triggers o allergens na nakakaapekto sa iyo.
Kaya naman para hindi ka atakihin ng allergy, importanteng magpatingin sa mga doktor para malaman mo ang mga triggers mo at tuluyan mong maiwasan ang mga ito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network