embed embed2
  • Pag-Inom Ng Sabaw Ng Buko: Gamot Nga Ba Sa Balisawsaw?

    Tumutukoy ang balisawsaw sa panaka-nakang pag-ihi kung minsan mahirap o mahapdi.
    by Dinalene Castañar-Babac . Published Jan 31, 2020
Pag-Inom Ng Sabaw Ng Buko: Gamot Nga Ba Sa Balisawsaw?
PHOTO BY Unsplash
  • Hindi ka mapakali kasi ihi ka nang ihi. Kung iihi ka man, sobrang kaunti lamang at halos minsan wala ngang nailalabas. Nagiging irritable ka na dahil maya-maya ang pagpunta mo sa banyo sa pagnanais mong umuhi. Ito raw ang senyales na may balisawsaw ka. Paniniwala ng mga Pilipino na kapag tag-init o sobrang init ng panahon, nauuso ang pagkakaroon ng balisawsaw. Sabi rin ng ilang matatanda, kapag umupo ka sa mainit na upuan, tiyak na babalisawsawin ka.

    Tumutukoy ang balisawsaw sa panaka-nakang pag-ihi kung minsan mahirap o mahapdi. Walang eksaktong katumbas ang salitang ito sa wikang Ingles maging sa medikal. Partikular na ginagamit ng mga Pilipino ang salitang balisawsaw para ilarawan ang nararanasan nilang maya’t maya na pag-ihi. Dahil ayon sa mga urologist, doktor na eksperto sa urninary system, ito ay sintomas ng isang sakit. Kaugnay ito ng mga sakit sa pantog, sa bato, at iba pa.

    Sa aspektong medikal, ang terminong dysuria ay ginagamit sa paglalarawan ng nararanasan ng pasyente na hirap sa pag-ihi samantala frequent o urgent urination naman ang ginagamit para sa madalas na pag-ihi. Ang hemanturia ay ang pagkakaroon ng dugo sa ihi at nocturia kapag nagigising ka sa gabi para umihi.

    Dahil sa pagbabago ng electrolytes o biglaang pagbaba tubig sa katawan sanhi ng sobrang init at pagkapagod, maaaring magdulot din ito ng balisawsaw. Ayon sa WebMD, karaniwan ang apat hanggang walong beses na pagtungo sa CR para umihi.

    What other parents are reading

    Buko juice: Gamot nga ba sa balisawsaw?

    Ngunit, ang higit sa walong beses o ang paggising sa gabi para umihi ay posibleng marami kang nainom na tubig bago matulog o maaari ding senyales ng isang problemang pangkalusugan. Ayon sa Healthline, kadalasan na nararanasan ng mga babae ito kaysa sa mga lalaki dahil maiikli ang mga urethra nito kaya mas mabilis ang pagpasok ng bakteriya sa urinary tract.

    Maaaring maranasan ang balisawsaw dulot ng pagbabago sa tubig sa katawan. Nagiging sanhi ito ng kakulangan ng tubig sa katawan o pagkawala ng pawis. Kailangan lamang na uminom ng maraming tubig para maiwasan na ma-dehydarte. Nakasanayan na ng mga Pilipino na kapag binabalisawsaw ay umiinom ng sabaw ng buko. Ito ay para din namang tubig at kilala ito bilang inuming nagkapagpaparami ng ihi. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bagaman sinasang-ayunan ng mga eksperto na nakatutulong ang buko juice, sinasabi pa rin nilang ang pag-inom ng maraming tubig ay sapat at epektibo na. Kapag marami ang  naiinom mong tubig, iihi ka nang iihi. Kapag marami ang nailalabas na ihi, mas mapapabilis na maalis ang anumang bakteriya sa urinary tract.

    Paliwanag pa ng mga urologist, walang partikular na inumin na mas makapagpapagaling o espesipikong juice na makagagamot ng impeksyon, ang pag-inom ng tubig lamang ang talagang makapagpapatigil nito.

    What other parents are reading

    Dapat gawin kung may balisawsaw

    Nakagawian din ng mga Pilipino ang mga gamot sa balisawsaw gaya ng pagtatali ng basang sinulit sa baywang, basang tuwalya na inilalagay sa bandang tiyan, at paglalagay ng asin sa pusod. Ayon sa mga eksperto, wala itong direktang maitutulong.

    Sa halip, narito ang mga dapat gawin kapag nakararanas ng balisawsaw:

    • Pag-inom nang higit pa sa 10 basong tubig araw-araw
    • Pag-iwas sa pagpigil sa pag-ihi
    • Iwasang kumain ng maaalat na pagkain
    • Pagiging malinis sa katawan
    • Ugaliin ang tamang pagpunas at paghuhugas ng vagina pagkatapos umuhi
    • Pagkakaroon ng sapat na pahinga
    • Pag-ihi bago at pagkatapos ng pakikipagtalik
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Ang mga kaso ng balisawsaw ay nawawala sa loob ng isa hanggang tatlong araw. Ngunit kung patuloy ito at madalas na nararanasan mo, mahalaga na kumonsulta agad sa doktor. Kailangan na matingnan ka ng doktor upang matiyak ang dahilan kung bakit mo ito nararanasan.

    Isa sa makabubuting gawin din ang magpa-urinalysis o urine test upang malaman kung may impeksyon ka sa ihi. Maaari kasing sintomas ng balisawsaw ang pagkakaroon ng urinary tract infection lalo na kung may kasamang kirot o hapdi sa pag-ihi, pagbabago ng kulay ng ihi, mabaho o matapang na amoy ng ihi, may dugo ang ihi, pagkakaroon ng lagnat, pananakit ng balakang, at iba pa.

    Maaaring resetahan ka ng antibiotic sakali na may UTI ka upang maiwasan pa ang pagkalat ng bakteriya at paglala ng sitwasyon. Kailangan na inumin ang antibiotic nang pitong araw o batay sa preskripsyon ng doktor. Pagkaraan nito, sasailalim muli sa urinalysis para malaman kung bumaba ang bakteriya sa ihi. Kung mapapabayaan ang ganitong kondisyon, maaaring makapagdulot pa ito ng mga komplikasyon. Kaya huwag basta lamang ipagwalang-bahala ang ganitong nararanasang karamdaman.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close