;
embed embed2
  • May Bukol Sa Leeg? 5 Posibleng Dahilan Na Dapat Magamot

    Mula sa simpleng pamamaga ng kulani hanggang sa pagkakaroon ng thyroid cancer.
    by Jocelyn Valle .
May Bukol Sa Leeg? 5 Posibleng Dahilan Na Dapat Magamot
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Marami kang puwedeng isipin kung biglang may nasalat na bukol sa leeg. Marami rin kasing puwedeng dahilan. Kaya mainam na obserbahan muna ito bago komunsulta sa doktor at mabigyan ka ng tamang gamot.

    Mga posibleng dahilan ng bukol sa leeg

    Ang bukol sa leeg (neck mass) ay isang abnormal lump, ayon sa ENTHealth medical resource ng American Academy of Otolarynology-Head and Neck Surgery. Iba-iba ang laki nito, mula sa maliit na hindi napapansin hanggang sa malaking umbok. Iba-iba rin ang sanhi nito.

    Namamagang kulani

    Tinatawag ang kulani in English lymph nodes. Ayon sa definition ng Merriam-Webster dictionary, ang lymph node (kung singular), ay kahit anong bukol ng lymphoid tissue na nababalutan ng connective tissue. Higit sa isa ang bukol kaya plural form na lymph nodes ang kadalasang ginagamit na term.

    Parte ang mga kulani ng lymph system, sabi naman ng University of Michigan Health. Ang mga ito ang nagdadala ng lymph fluid, nutrients, at waste material sa pagitan ng body tissues at bloodstream. Dinedepensahan din nila ang katawan laban sa mga sakit.

    Tinatayang 600 ang bilang nga mga kulani o lymph nodes na nakakalat sa katawan, sabi ng mga eksperto. Pero mararamdaman mo lang ang mga ito kapag namaga at naging bukol (basahin dito). Gamit ang daliri, masasalat mo ang kulani sa bandang leeg, kili-kili, ilalim ng panga, at sa singit, pati na kulani sa lalamunan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Namamaga ang mga kulani kapag may infection, na kadalasang dulot ng:

    • Problema sa ngipin (abscessed o di kaya impacted tooth)
    • Pamamaga ng gilagid (gingivitis)
    • Mga sugat sa bibig (mouth sores)
    • Namamagang tonsils (tonsillitis)
    • Infection sa tenga
    • Infection sa balat
    • Sipon, trangkaso, at iba pang infection
    • Side effects sa gamot (seizure medicines, typhoid immunization)

    Nagdedepende sa sanhi ng namamagang kulani ang paggamot sa bukol sa leeg o iba pang parte ng katawan.

    Goiter

    Ang goiter ay ang abnormal na paglaki ng thyroid gland. Nakikita ang thyroid sa pinakababang bahagi ng leeg, bandang ilalim ng Adam’s apple, at hugis butterfly ito. Kadalasang painless, pero pag lumaki masyado, nagdudulot ng iba pang karamdaman.

    Gumagawa ang thyroid gland ng hormones na thyroxine (T4) at triiodothyronine (T3). Malaki ang papel na ginagampanan nila sa ilang bodily functions, gaya ng body temperature, mood at excitability, pulse rate, at digestion.

    Iba-iba ang sanhi ng goiter, sabi ng Cleveland Clinic, depende na lang sa uri nito:

    • Simple--Nagkakaroon ng simple goiter kapag ang thyroid gland ay hindi gumagawa ng sapat na hormones para sa pangangailangan ng katawan. Kaya lumalaki ito bilang pagbawi sa kakulangan na iyon.
    • Endemic--Nangyayari ang endemic goiter sa mga taong nakatira sa mga parte ng mundo na hindi nakakakuha ng sapat ng iodine mula sa kanilang pagkain. Nagreresulta ito sa iodine deficiency. Kailangan kasi ang iodine para makagawa ng thyroid ng hormones.
    • Sporadic--Walang isang sanhi lang ang sporadic goiter. Halimbawa, may mga kaso na sangkot ang paggamit ng gamot tulad ng lithium.

    Ear/Sinus/Dental Infection

    Kapag ang infection ay mula naman sa sugat sa tenga, sinus, o di kaya ngipin, ang pamamaga sa mga parteng iyon ng katawan ay umaabot sa bandang leeg. Nagkakaroon tuloy ng umbok, na tila bukol sa leeg. Pero, sabi ng mga ekperto, nawawala ang umbok kapag nagamot ang infection.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Strep throat

    Malimit tamaan ng strep throat ang mga batang may edad 5 hanggang 15, sabi ng mga eksperto. Dulot ito ng isang grupo ng Streptococcus bacteria. Maaari itong kumalat sa pamamagitan ng pagbahing at pag-ubo. Ang bacterial infection ay nagdudulot ng pamamaga, na puwedeng umabot hanggang sa bandang leeg, kaya nagkakaroon ng umbok.

    Paalala ng mga eksperto na dapat matukoy kung makating lalamunan (sore throat) o di kaya strep throat ang iniinda ng bata. Ang strep throat kasi maaaring magamot ng antibiotics.

    Mumps

    Kilala ang beke bilang mumps. Sanhi ito ng isang uri ng virus, ang paramyxovirus, na tanging sa mga tao lang kumakapit, ayon sa World Health Organization (WHO). Naipapasa ang virus mula sa taong meron nito sa pamamagitan ng direct contact o di kaya sa airborne droplets.

    Kadalasan mga batang may edad mula 5 hanggang 9 ang tinatamaan ng beke, pero puwede rin daw ang mga teenager at adult. Kapag dumapo ang virus, mula dalawa hanggang apat na linggo ang incubation period nito bago sumulpot ang mga sintomas.  Kabilang diyan ang pamamaga ng pisngi, at minsan, umaabot sa may bandang leeg, kaya umuumbok ito.

    Wala pa raw specific medical treatment para sa beke, sabi pa ng mga eksperto. Hindi uubra ang antibiotics dahil isa itong viral infection. Pero may bakuna para sa beke para makaiwas sa sakit na ito.

    Tumor

    Ang bukol sa leeg ay puwede ring sanhi ng noncancerous (benign) tumor o di kaya cancerous (malignant) tumor, ayon sa ENTHealth. Kadalasang dulot ang malignant tumor ng head and neck squamous cell carcinoma (HNSCC).  Pero puwede rin ang ilang uri ng cancer, tulad ng lymphoma, thyroid/salivary gland cancer, skin cancer, o di kaya cancer na kumakalat sa iba-ibang parte ng katawan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Basahin dito para sa bukol sa kamay at dito para sa bukol sa tiyan.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles