embed embed2
  • Ang Dahilan Kung Bakit Nangyayari Ang Bangungot Maliban Sa Pagkain Ng Marami Sa Gabi

    May paliwanag ang folklore at science sa bangungot.
    by Jocelyn Valle .
Ang Dahilan Kung Bakit Nangyayari Ang Bangungot Maliban Sa Pagkain Ng Marami Sa Gabi
PHOTO BY iStock
  • Kapag busog sa gabi, mahigpit na bilin ng elders natin na huwag kaagad matutulog dahil baka bangungutin at hindi na magising kinabukasan. Marami na daw cases, pawang mga lalake, kaya wala namang mawawala kung iwasan ang cause ng bangungot. 

    Ayon sa pamahiin o folklore, ang bangungot ay hindi lamang masamang panaginip o nightmare, bagkus masamang ispiritu din. Nagsasa-anyong matabang lalake ito at tinatawag na bangungot. Kapag anyong matabang babae naman, batibat ang tawag ng mga Ilokano dito.

    Paliwanag ni Ambeth R. Ocampo, isang historian, sa kanyang “Looking Back” column sa Philippine Daily Inquirer na dinadaganan ng bangungot o batibat ang biktima habang natutulog ito. Umuungol daw ang biktima habang nilalabanan ang masamang ispiritu, at namamatay kapag hindi na siya makabangon pa. Makakatakas lang daw ang biktima sa kapahamakan kung maigalaw niya ang kanyang hinlalaki sa paa.

    What other parents are reading

    Cause of bangungot 

    Sa labas ng Pilipinas, may katumbas na salita ang bangungot sa ibang Asian cultures. Ito ay “dab tsong” (ghost) sa mga katutubong Hmong na naninirahan sa southern China, Vietnam, Laos, Thailand, at Myanmar. “Lai Tai” (death in sleep) naman para sa mga Thai, “dolyeonsa” sa mga Korean, “digeuton” sa mga Indonesian, “pokkuri” sa mga Japanese, at “bei gul ya” (crushed by a ghost) sa mga Chinese.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa panig naman ng science, ang cause of bangungot ay may kinalaman sa kalusugan ng biktima at inuugnay din ito sa iba-ibang medical conditions.

    Brugada syndome

    Isang genetic disorder ang Brugada syndrome na nagdudulot ng malalang uri ng irregular heartbeat na kung tawagin ay ventricular arrhythmia. Sa ganitong kaso, paliwanag ng Cedars Sinai, hindi pantay ang pagtibok ng ventricles o ang lower chambers ng puso at napipigilan ang tamang pagdaloy ng dugo sa buong katawan. 

    Kapag hindi nagamot ang sakit, maaaring bigla na lang mamatay ang pasyente, kadalasan habang natutulog siya. Kaya kilala din ito bilang unexplained nocturnal syndrome. Mga Asian ang kadalasang nagkakaroon ng ganitong sakit, lalo na iyong galing Japan at ilang bansa sa Southeast Asia.

    What other parents are reading

    Mas marami ding lalake, eight to 10 times kumpara sa mga babae. Tingin ng mga researcher na may kinalaman dito ang male hormone testosterone sa genetic disorder na ito.

    Kabilang sa mga symptoms ng Brugada syndrome ang palpitations, fainting, seizures, at sudden death o cardiac arrest. Maaagapan ito kapag nagpatingin sa doktor at maaaring makahanap ng lunas sa implanted cardioverter defibrillator (ICD).

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Sudden Unexplained Nocturnal Death Syndrome (SUNDS)

    Ibang klase pa ang mga kaso ng bangungot sa Pilipinas. Ito ang tema ng isang pag-aaral na may titulong “Unraveling the Enigma of Bangungut: Is Sudden Death Unexplained Nocturnal Death Syndrome (SUNDS) in the Philippines a Disease Allelic to Brugada Syndrome?” na posted sa National Center for Biotechnology Information website.

    Napag-alaman ng researchers na may ibang uri ng bangungot/SUNDS na hindi sanhi ng sakit sa puso tulad sa Brugada Syndome. Mga lalake ang mga biktima nito na may edad 20 hanggang 40 years old. Nagkaroon ng sudden death habang tulog o nagpapahinga sila pagkatapos nilang kumain nang marami noong nakaraang gabi. Kailangan pa daw ng mas malawak pang research para mapag-aralan ito.

    What other parents are reading

    Acute hemorrhagic pancreatis 

    Maaaring magdulot ng biglaang pagkamatay ang acute hemorrhagic pancreatis kadalasan kapag sangkot ang alcohol abuse, trauma, at drugs. Ito ay ayon sa pag-aaral na “Sudden Death Due to Acute Pancreatis.” 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa November 2012 episode ng GMA-7 show na IJuander, tinalakay ang ilang kaso ng pagkamatay dahil sa bangungot. Ikinuwento dito na may pagdurugo sa lapay o pancreas ng mga nasawi, base sa kanilang autopsy, at ang conclusion ay acute hemorrhagic pancreatis. Kumain daw kasi nang marami ang mga biktima kaya nahirapang tunawin ang kinain. Kabilang kasi sa trabaho ng pancreas ang digestion at blood sugar regulation.

    Sabi naman ni Dr. Sarah Moral, isang sleep disorder specialist, sa interview ng programa na nagkakataon na kapag namatay ang isang tao during sleep, kadalasan may pagdudugo sa pancreas. Ngunit hindi pa rin masasabi na cause of bangungot ang pagkain ng marami bago matulog. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close