embed embed2
  • Huwag Muna Husgahan Kahit Anong Covid-19 Vaccine, Ayon Sa Isang Grupo Ng PH Health Experts

    May proseso ang pamamahagi ng bakuna na ayon sa batas.
    by Jocelyn Valle .
Huwag Muna Husgahan Kahit Anong Covid-19 Vaccine, Ayon Sa Isang Grupo Ng PH Health Experts
PHOTO BY Shutterstock/M-Foto
  • Bagamat mayroon ng bakuna para sa COVID-19 na nabuo ng iba-ibang pharmaceutical companies sa ibang bansa, hindi pa kumpleto ang datos ng mga iyon. Kaya sabi ng isang grupo ng mga healthcare professionals, hintayin muna matapos ang proseso.

    "Mahirap maghusga na wala pang papeles," sabi ni Dr. Antonio Dans, isang kasapi ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC).

    "Ang lahat ng bakuna na dapat gagamitin natin ay dadaan po sa isang proseso," paliwanag ni Dr. Aileen Espina ng HPAAC sa online press con ng grupo nitong January 18, 2021.

    "Sa ngayon po, hanggang hindi kumpleto ang datos sa iba’t-ibang bakuna, let us withhold judgment. Hintayin natin ang lahat ng datos. Mas importanteng bantayan natin ang proseso."

    Una nang nakakuha ng approval for emergency use sa bansa ang Pfizer-BioNTech para sa kanilang COVID-19 vaccine. Nag-apply na ang AstraZeneca at tinatayang susunod na rin ang iba pang nakabuo ng COVID-19 vaccine gaya ng Moderna.

    Kamakailang lang nabigyan na ng approval ang Sinovac mula China para mag-conduct ng Phase 3 clinical trials ng kanilang COVID-19 vaccine sa bansa.

    Ibig sabihin ng Phase 3 ay aabot sa mga libong pasyente ang kalahok sa pag-aaral. May matuturukan at may hindi matuturukan para malaman ang kung tunay na ligtas at epektibo ang bakuna.

    Dagdag ni Dr. Dans na ang proseso ay naaayon sa batas. Aniya, "Sundin natin ang batas. Pera natin ang gagamitin sa bakunang ito. So bakuna natin ito. May karapatan tayo sa siguraduhin na tamang bakuna ang maibibigay sa atin.” 

    Pagsang-ayon ni Dr. Espina, “Ang pinag-uusapan natin dito is health equity. Ibibigay natin sa mga mas nangangailangan nito at magbe-benefit dito.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa Universal Health Care Law, o Republic Act 11223, trabaho ng Health Technology Assessment Council (HTAC) ang pagbibigay ng positive recommendation tungkol sa mga gamot at bakuna na magiging available sa bansa at magagamit ng mga mamamayan.

    Ang problema, hindi kaya ng Food and Drug Administration (FDA) dito na magbigay ng Certificate of Product Registration (CPR) para sa vaccine na kulang pa ang datos mula sa pharmaceutical companies. 

    Bilang solusyon, ipinatupad ang Executive Order 121 noong December 3, 2020. Ito ang nagbibigay ng kapangyarihan sa FDA na magbigay ng Emergency Use Authorization (EUA) para makabili ng vaccine ang gobyerno mula sa pharmaceutical companies. Ang mabibiling vaccine ng pamahalaan ang ipapamahagi sa mga Pinoy.

    Ang naatasang mangalaga sa prosesong ito ay ang principal group sa Department of Healthy (DOH) na tinatawag na National Immunization Technical Advisory Group (NITAG). Natatag ang NITAG para sa COVID-19. 

    Susunod na hakbang sa proseso ay ang distribution na pangungunahan naman ng local government units (LGUs).

    Hangarin ng HPAAC, ang grupong binubuo ng 160 organizations ng professional health care workers, na manaig ang ating karapatan na makakuha ng bakuna laban sa COVID-19 sa lalong madaling panahon. 

    Anila, ang mga bakunang gagamitin ay dapat:

    • Mabisa
    • Bihira ang side effects
    • Sulit ang halaga
    • Aabot sa bawat Pilipino, anuman ang lahi, relihiyon, o kakayahan
    • Maipamahagi sa paraang makatarungan at ayon sa pangangailangan, hindi ayon sa kapangyarihan, o kakayahang magbayad

    Para masunod ang ganoong pamantayan, inaanyayahan ng HPAAC ang bawat isa na intindihin at protektahan ang proseso ng pamamahagi ng bakuna. Ang prosesong iyon ay dapat ayon sa batas at hindi mapasukan ng mga personal na interes sa politika o negosyo.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Samantala, habang parating ang bakuna at dahil may bagong COVID-19 variant, importante na sundin pa rin ang health at safety protocol. Payo ng mga doktor na sundin ang "Apat Dapat":

    A—Air circulation and Ventilation

    P—Physical distancing of one meter or more

    A—Always use face mask and face shield properly

    T—Time of interaction of less than 30 minutes

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles