embed embed2
  • Mga Sagot Sa Madalas Itanong Sa Amin Tungkol Sa COVID-19 Vaccine

    Nagbigay ng paliwanag si Dr. Beverly Ho ng Department of Health (DOH).
    by Jocelyn Valle .
Mga Sagot Sa Madalas Itanong Sa Amin Tungkol Sa COVID-19 Vaccine
PHOTO BY Jerome Ascano
  • Sa patuloy na pagtaas ng mga kasong may kinalaman sa COVID-19 habang naumpisahan na ang immunization program sa bansa, maraming tanong ang mga Pinoy bilang common concern sa bakuna at pagi-ingat laban sa nakakahawang sakit.

    May paliwanag si Dr. Beverly Ho, ang director for Health Promotion and Communication Service and Disease Prevention and Control Bureau ng Department of Health (DOH). Nakapanayam siya kamakailan sa Sandwich Sessions ng Summit Media editors, kabilang ang SmartParenting.com.ph.

    Mababakunahan ba ang mga bata?

    Sabi ni Dr. Ho, wala pang ebidensya mula sa clinical trials ng vaccine makers na puwede na ang bakuna sa mga bata. Priority kasi ang adults, lalo na ang senior citizens, na napatunayang delikado sa virus.

    Nito lang March 2021 nagsimula ang pag-aaral ng Moderna Inc. para sa mga batang mula 6 months old hanggang 11 years old na nasa United States at Canada (basahin dito).

    Dagdag pa ni Dr. Ho na kung masisiguro na makakatanggap ng bakuna ang lahat ng adults, maaaring makalikha ng tinatawag na herd immunity. Sa ganyang paraan ay para na ring protektado ang mga bata, pati na ang adults na hindi pupuwedeng magpabakuna dahil sa matinding allergy.

    Ligtas ba ang bakuna sa mga buntis?

    Nirerekomenda ng DOH ang bakuna para sa mga buntis at breastfeeding moms, na sa ngayon mga kasapi pa lang ng healthcare sector na priority. Naaayon ito sa pakikipagtulungan ng ahensya sa iba pang mga eksperto. Sinasabi nilang mas matimbang pa rin ang benepisyong hatid ng bakuna kaysa sa posibleng panganib nito.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Katunayan, ayon naman sa ilang study, naipapasa ng nabakunahang buntis ang antibodies sa kanyang anak. (Basahin dito.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Anong brand ng vaccine ang rekomendado ng DOH?

    Sabi ni Dr. Ho, “There was a very good quote in America: ‘The best vaccine is the one that’s in your arm.’”

    Sabi ni Dr. Ho, ang mga brand ng COVID-19 vaccine na aktibong ginagamit sa maraming bansa ngayon ay napatunayang may hatid na proteksyon laban sa mild, moderate, at severe cases ng sakit.

    Para sa mild to moderate cases, ang bisa ng vaccine ang naglalaro mula 50% hanggang 90%. Pero para sa severe cases, na kailangang madala sa intensive care unit (ICU) at posibleng humantong sa kamatayan, umaabot ang bias ng vaccine mula 90% hanggang 100%. 

    “Para sa amin sa healthcare practitioners,” sabi ni Dr. Ho, “’yun ang practical nating iisipin. If you’re afraid of mild to moderate COVID, it’s like being afraid of the normal flu, di ba?

    "But the difference with COVID is you’re actually afraid of severe COVID, ’yung puwedeng ikamatay, ’yung ina-ICU. If that’s the value of vaccines for us, then you don’t actually need to choose because all of them are comparable in that outcome.”

    Dapat bang magsuot ng face mask sa bahay?

    Puwedeng option ang pagsusuot ng face mask sa bahay kung may kasamang vulnerable, o iyong mga nakakatanda (elderly) at may iniinda ng sakit (comorbidities).

    Saad ni Dr. Ho, “Kunwari kayo ang nagwo-work at sila ’yung nai-stay, so naga-advise naman kami in those cases, or very limited ang space sa bahay, then masking is actually going to be an option even at home.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa kabilang banda, hindi nirerekomenda ng DOH ang pagdodoble ng suot ng mask sa paglabas ng bahay.

    Mapapanood ang interview kay Dr. Ho dito:

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles