-
Cyst, Gingivitis, At Iba Pang Uri Ng Bukol Na Posibleng Tumubo Sa Gums
Ito ang mga puwedeng gawin bilang gamot.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Hindi maiiwasan na magtaka kung may umumbok sa gilagid, lalo na kung hindi naman sumasakit ang ngipin. May iba-iba kasing dahilan para diyan na may angkop ding gamot sa bukol sa gums.
Mga dapat malaman tungkol sa gilagid
"Healthy ang gilagid kung ito ay 'pink and firm,' at nasa mabuting hugis," sabi ni Dr. Evangeline de Guzman-Calimlim, isang dentista na may klinika sa Marikina City, sa SmartParenting.com.ph. "Healthy rin ito kapag hindi nagdurugo ang gilagid sa tuwing tayo’y nagsisipilyo. Senyales din ng healthy gums ang hindi pamamaga nito at ang hindi pag-uga ng ngipin."
Sabi pa ni Dr. Calimlim, "Ang mga kadalasang dahilan ng pagmamaga ng gilagid ay maling pagsisipilyo at paggamit ng floss. Kung minsan ay nagkakaroon din ng singaw dahil sa pagsisipilyo."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNagiging sensitibo at nagkakaroon ng sugat sa gilagid sa ganitong mga dahilan:
- Pagkakaroon ng gingivitis, infection, o gum disease
- Iritasyon sa kagamitan sa ngipin (dental appliance)
- Hormonal changes sa panahon ng puberty, pregnancy, at menopause
Gingivitis
Tinatawag na gingivitis ang pamamaga sa gilagid. Dulot ito ng bacteria na namamahay sa plaque at tartar sa ngipin. Ang plaque ay iyong malagkit na kumakapit sa ngipin. Taglay nito ang bacteria, mucus, at tinga mula sa pagkain. Kapag daw hindi natanggal ang plaque, tumitigas ito bilang tartar.
Kusa raw gumagaling ang gingivitis, sabi pa ng mga eksperto, basta gawing tama ang pagtu-toothbrush at pagfo-floss ng mga ngipin.
Mga iba pang dahilan ng bukol sa gilagid
Halos pangkaraniwan ang sanhi ng umbok na mula sa pamamaga, o "swelling in the oral cavity." Ito ay ayon sa mga akda ng artikulong nailathala sa Australian Journal of General Practice. Nagbigay sila ng mga halimbawa ng mga kondisyon, na mainam din daw ipatingin sa general practioners para mabigyan ng gamot sa bukol sa gums.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMucocele
Isang bukol ang mucocele na makinis at napapalooban ng tubig o fluid. Sumusulpot ito kapag malakas ang pagkabunggo sa bandang bibig, at umapaw ang laway o di kaya mucussa sa katabing tissues. Dagdag pang halimbawa ang pagkakaroon ng bara sa mismong salivary gland duct.
Kapag hindi nawala ang isa o higit pa na mucocele sa loob ng tatlo hanggang linggo, kailangan mo na raw itong ipatingin sa dentista. Kadalasang tinatanggal ito at sinusuri pa sa laboratory.
Pyogenic granuloma
May anyo ang pyogenic granuloma na mapulang mushroom at kaagad dumudugo kapag nagagalaw. Isa raw itong polyp o tissue growth sa may gilagid, pati na sa bandang dila, ibabang labi (lower lip), at buccal mucosa. Kung sa buntis daw ito tumubo, tinatawag itong "pregnancy epulis." Magagamot daw ito sa pamamagitan ng operasyon na surgical excision at removal of the traumatic irritant.
Cysts
Kapag may cyst sa panga, umuumbok ito hanggang gilagid. Kaya kadalasang nadidiskubre ito sa checkup sa dentista. Marami raw mga uri ng cyst sa panga. Kabilang diyan ang periapical cyst, dentigerous cyst, at odontogenic keratocyst. Kailangan daw masuri nang husto ang cyst para mabigyan ng tamang treatment.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWDental abscess
Isa pang posibleng dahilan sa pagsulpot ng bukol ay ang pagkakaroon ng nana (abscess) sa gilagid mismo. Kahanay ito ng odontogenic infection, na isa sa most common diseases ng oral at maxillofacial region. Ito ay ayon naman sa American Family Physician.
May hatid daw itong pagkirot at pamamaga na parang sakit sa ngipin, pati na ang pagiging sensitibo sa mainit o di kaya malamig na inumin. Dapat daw itong ipatingin kaagad sa dentista para hindi na lumala pa at maapektuhan ang iba pang parte sa bibig.
Mga puwedeng gawin para mapangalagaan ang gilagid
Para makaiwas sa problema sa gilagid, bilin ni Dr. Calimlim, "Maaalagaan natin ang gums sa pamamagitan ng katamtamang bilis at maingat na pagsipilyo. Kapag mayroong suot na braces, dapat masipilyohan ang pagitan ng mga bracket at maalagaan ito nang mabuti.
Malaking tulong din daw ang tamang pagkain, tulad ng mayaman sa calcium, para sa oral health. Isa pang dapat gawin ay ang regular na pagbisita sa dentista upang maagapan ang pagbibigay ng gamot sa bukol sa gums.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBasahin dito para sa sugat sa dila at dito para sa gamot sa pamamaga ng wisdom tooth.
What other parents are reading

- Shares
- Comments