dysmenorrhea,Tagalog,PCOS,menstrual cramps,evergreen,sakit ng puson,gamot sa dysmenorrhea,updated,r08-em,Sakit ng puson: Hindi Lamang Ito Dahil sa Dysmenorrhea,gamot sa dysmenorrhea, sakit ng puson, pananakit ng puson, menstrual cramps, do I have PCOS, sintomas ng dysmenorrhea,Hindi ibig sabihin na dapat na ipagbawalang-bahala at isipin na “normal” ang pananakit ng puson dahil may regla ka.
HealthYour Health

Kung Namimilipit Ka sa Sakit ng Puson, Baka Hindi Lang 'Yan Dysmenorrhea

Ang pananakit ng puson hindi lamang dahil sa dysmenorrhea.
PHOTO BYiStock

Ang article na ito ay unang naipublish noong Hulyo 20, 2019. Nadagdagan ito ng updates noong Oktubre 30, 2023.

Isa sa problema nating mga babae tuwing dumarating ang buwanang dalaw o montly period ang sakit ng puson. Madalas ito ay dahil sa menstrual cramp o dysmenorrhea na nararanasan ng marami sa atin sa mga panahon bago o habang mayroon tayong regla. Yung sinasabing pagkairitable o pagkainis natin kapag “meron tayo” ay kadalasan dahil sa hindi tayo makakilos nang maayos o normal sanhi ng dysmenorrhea.

Nangyayari ang dysmenorrhea dahil sa kontraksyon ng ating uterus o matris. Ang isang parang hormone na tinatawag na prostaglandins ang itinuturing na sanhi at nakapagdudulot ng kontraksyon sa laman o muscle ng uterus.

Ayon sa website ng Physicians Committee for Responsible Medicine, bago magsimula ang iyong regla, ang endometrial cells ay bumubuo ng lining sa uterus na siyang gumagawa ng maraming prostaglandins. Kapag nahati ang mga cells na ito sa panahon na ikaw ay nireregla, lumalabas ang mga prostaglandins.

Paano nangyayari ang dysmenorrhea

Ang mas mataas na lebel ng prostaglandins ay nagreresulta sa mas matinding menstrual cramps. Kapag nakararanas nang matinding kontraksyon sa mga panahon ng iyong menstruation, nakakaapekto ito sa malalapit na daluyan ng dugo o blood vessel. Dahil dito, maaaring mabawasan ang suplay ng oxygen sa iyong uterus na nagiging sanhi ng pananakit ng puson.

Possible na maranasan mo ang ganitong kalagayan kapag ikaw ay:

  • nasa edad 30 pababa
  • maaga kang nagkaregla na maaaring nasa edad na 11 taon o mas bata pa
  • may matinding pagdurugo kapag nireregla o tinatawag na menorrhagia
  • may iregular na pagreregla o metrorrhagia
  • may family history ng dysmenorrhea
  • may bisyo ng paninigarilyo

Ang pananakit ng puson hindi lamang dahil sa dysmenorrhea 

Nagsisimulang maramdaman ang dysmenorrhea isa hanggang tatlong araw bago ang iyong regla. Mas matindi ang sakit sa unang araw at unti-unti namang nawawala sa paglipas ng dalawa hanggang tatlong araw. Kung minsan, may sakit ka na nararamdaman sa may balakang at hita. Nakararanas din ng pagkahilo, pagsakit ng ulo, pagsusuka, at pagtatae.

watch now

Bagaman sintomas ang mga nabanggit ng dysmenorrhea, hindi ibig sabihin na dapat na ipagbawalang-bahala ito at isipin na “normal” ang pananakit ng puson — hindi lamang limitado ito sa pagkakaroon ng dysmenorrhea. Maaaring sanhi ito ng iba pang karamdaman gaya ng cervical cancer o  sakit sa bato. Ang kondisyon gaya ng endometriosis at uterine fibroids o myoma ay ilan sa karaniwang maaaring sanhi ng pananakit ng puson. Bukod dito, maaari ding kaugnay ito ng pagkakaroon ng adenomyosis, pelvic inflammatory disease, at cervical stenosis.

Ang paglalapat ng lunas sa mga kondisyong ito ay makatutulong upang mabawasan ang sakit na nararamdaman. Nakapagdudulot ang mga kondisyong ito ng mga komplikasyon gaya ng problema sa hirap sa pagbubuntis kapag may endometriosis ka. Nagkakaroon naman ng peklat sa fallopian tube kapag may pelvic inflammatory disease na posibleng makapagdulot ng pagbuo ng fertilized egg sa labas ng matris o iyong tinatawag na ectopic pregnancy. 

Kapag matindi ang pananakit ng puson at sa tingin mo hindi pangkaraniwang menstrual cramps na tumatagal nang higit sa dalawa o tatlong araw, makabubuting komunsulta na sa doktor. Maaaring magamot ang anumang sakit na kaugnay ng pagkakaroon nito kaya mahalaga na malaman ito agad. Makapagsasagawa ang doktor ng pagsusuri gaya ng pelvic exam, pagtukoy sa mga sintomas na nararamdaman mo, at iba pang proseso na kinakailangan upang matukoy ang sanhi ng pagkakaroon mo nang matinding sakit sa puson.

Gamot sa dysmenorrhea

Pero ang pananakit ng puson na walang kasamang ibang komplikasyon at kasabay ang iyong regla ay karaniwang mawawala din sa pagtanda. Nagiging maayos din kapag nakapanganak na bagaman may ilang kaso rin na hindi nagkakaroon ng pagbabago at nagpapatuloy lang ito. Ang gamot sa dysmenorrhea ay pain reliever gaya ng ibuprofen para maibsan ang sakit ng iyong puson. Narito pa ang ilang tips na puwedeng gawin upang mabawasan ang sakit na nararanasan kung ikaw ay may dysmenorrhea:

  1. Magkaroon ng sapat na pahinga.
  2. Iwasan ang pagkain na may caffeine at maalat.
  3. Huwag manigarilyo at uminom ng alak.
  4. Hilutin ang iyong balakang at tiyan.
  5. Maglapat ng heat compress sa puson. Lagyan lang ang iyong puson o balakang ng heating pad o kaya tubig na mainit na nasa bote. Makatutulong din ang pagligo ng maligamgam na tubig.
  6. Makatutulong din ang palagiang pag-eehersisyo. Gawing bahagi ng iyong pang-araw-araw na gawain ang pag-eehersisyon upang makaiwas sa pagkakaroon ng menstrual cramp.

Tips para sa pagginhawa sa panahon ng regla

Pagkain at inumin na makakatulong

Samantalang walang sapat na pag-aaral na nagsasabing may epekto ang diet na kinakain sa dysmenorrhea, may mga pagkain na maaaring makabawas sa posibilidad ng matinding dysmenorrhea.

Partikular dito ang mga pagkaing nakakabawas ng pamamaga, tulad ng:

Prutas: Kasama dito ang mga berries, saging, at pakwan, at mga citrus na prutas gaya ng orange at lemon. Mataas ang prutas sa fiber at marami dito ay may taglay na importanteng sustansya gaya ng vitamin 6.

Ayon sa isang pag-aaral, ang mga babaeng hindi kumakain ng dalawang serving ng prutas sa isang araw ay mas maaaring makaranas ng menstrual pain.

Gulay: Ang mga gulay gaya ng broccoli, kale, at kamote ay maaaring makatulong sa menstrual pain. Mas hindi nakakaranas ng dysmenorrhea ang mga taong madalas kumain ng gulay.

Mabisa din makabawas ng pamamaga ang mga gulay dahil sa mga nilalaman nitong antioxidants at importanteng nutrients.

Ibang pagkain na mataas sa fiber: Makakatulong ang mga pagkaing mataas sa fiber, tulad ng mga grains, at beans, nuts, at seeds, sa pagpapanatili ng regular na bowel movement bago ang iyong period. Ang mas mataas na lebel ng progesterone sa mga panahong ito ay maaaring makadulot ng constipation.

Ang pag-kain ng pagkaing mataas sa fiber ay maaaring makabawas ng sakit sa tyan na maaaring sumabay sa dysmenorrhea.

Salmon: Kasama ang ibang matatabang isda tulad ng tuna a sardinas, ay napatunayang nakakabawas ng pamamaga sa katawan. Ito ay dahil sa taglay nilang omega 3 fatty acids na kilalang nakakaalis ng pamamaga. Nakita din sa ilang pag-aaral na ang mga tao na mahilig kumain ng mga isda ay mas hindi nagkakaroon ng period cramps.

Olive oil: Ang mga ani-oxidants sa olive oil ang nagbibigay dito ng katangiang nakaka-alis ng pamamaga. May mga pag-aaral na nagsasabing ang epekto ng mga anti-oxidants na ito ay kapareho sa ibuprofen, kaya’t malaki ang posibilidad na makabawas ng sakit ang olive oil.

May mga pag-aaral din na nakitang ang pag-kain ng olive oil araw-araw ay mas hindi nakakaranas ng menstrual bleeding.

Makakabawas din ng menstrual cramps ang pagpapanatiling hydrated sa pamamagitan ng:

Tubig: Nawawalan ng tubig ang ating katawan kapag may buwanang dalaw kaya’t mas madaling ma-dehydrate nang hindi natin namamalayan. Mas nakakaranas ng menstrual cramps kapag tayo ay dehydrated.

Samantalang makakatulong maka-hydrate ang ibang inumin, pinaka-epektibo ang purong tubig, at wala pa itong dagdag na calories o asukal.

Tea or tsaa: Sa kadahilanang ang ibang tsaa ay may nilalaman na antioxidants at phytochemicals, may mga ilang tsaa na nakakatulong sa period cramps. May pag-aaral sa China na nakitang ang pag-inom ng green o oolong tea ay nakatulong makabawas ng period cramps.

Kailan dapat kumonsulta sa doktor nang dahil sa dysmenorrhea?

Kung namimilipit sa sakit at kapag hindi nakatulong ang mga mungkahing paraan na nabanggit, sumangguni sa iyong doktor upang matingnan ka at para mabigyan ka o maresetahan ng nararapat na gamot. Ipinapayo ang maagang konsultasyon sa doktor kapag habang tumatagal tumitindi ang sakit na nararamdaman mo at lalo na kapag nararanasan mo ito bago ka pa dumating sa edad na 25.

Nararapat din kumonsulta sa doktor kapag naranasan ang isa sa mga sumusunod:

  • Period pain na nakakasagabal na sa pang-araw-araw na buhay
  • Period cramps na nararanasan nang mahigit sa dalawang araw
  • Period pain na hindi nalulunasan ng over-the-counter pain medications
  • Pananakit o pamumulikat kahit na walang buwanang dalawPagbabago sa nararanasang period cramps
  • May iba pang malalang sintomas maliban sa menstrual cramps, gaya ng malakas na pagdurugo, pagsusuka, o lagnat

Sources: WebMD, Mayo Clinic

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close