embed embed2
  • Payo Ng Doktor: Isama Sa Annual Checkup Ang Tests Sa Fatty Liver

    Puwede ka pa rin magkaka-fatty liver kahit hindi ka umiinom ng alak.
    by Jocelyn Valle .
Payo Ng Doktor: Isama Sa Annual Checkup Ang Tests Sa Fatty Liver
PHOTO BY Shutterstock/Midas Soft
  • Bukod sa puso, may ilan pang major organs ang maaaring mapinsala ng sobrang taba sa katawan. Kabilang na ang atay, kaya mainam na alamin ang tungkol sa fatty liver at kung paano magagamot ito.

    Ano ang fatty liver?

    Normal sa isang malusog na atay na magkaroon ng kaunting taba, ayon sa Cleveland Clinic. Nagkakaroon lang ng problema kapag ang taba ay umabot na sa 5% hanggang 10% ng timbang ng atay. Diyan na pumapasok ang fatty liver disease (FLD). 

    Maaaring maapektuhan ng FLD ang paggana ng atay. Kabilang sa functions ng liver ang:

    • Paggawa ng bile, isang alkaline fluid na tumutulong sa digestion
    • Paggawa ng mga protina para sa katawan
    • Pag-iimbak ng iron sa katawan
    • Pag-convert ng nutrients bilang energy
    • Paggawa ng substances na makakatulong sa blood clot, na kailangan sa paggamot ng sugat
    • Paglaban sa infection gamit ang immune factors, at pagtanggal ng bacteria at toxins mula sa dugo

    Bagamat hindi lubusang napapatigil ng fatty liver ang normal functions ng atay, tinatayang mula 7% hanggang 30% ng mga taong may ganitong kondisyon ay lumalala ang karamdaman.

    Nagsisimula ang sakit sa pamamaga ng atay at pamiminsala ng tissues dito (steatohepatitis stage). Pagkatapos, nagkakaroon ng scar tissue (fibrosis stage) at tuluyang sasakupin na ng scar tissue ang healthy tissues (cirrhosis of the liver stage).

    Isa ang fatty liver sa “most common liver diseases worldwide,” sabi ni Dr. Eternity Labio, isang gastroentologist na ispesyalista sa hepatology. Ito ang sangay ng medisina na pinag-aaralan ang liver, gallbladder, biliary tree, at pancreas. Kabilang dito ang pagtingin sa mga sakit na sangkot ang body parts na iyon, kabilang na ang gamot sa fatty liver.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagbigay ng paliwanag si Dr. Labio na posted sa website ng Hepatology Society of the Philippines (HSP). Aniya, milyong mga tao ang maaaring may fatty liver nang hindi nila nalalaman. Marami na raw siyang naging pasyente na aksidenteng nadiskubre ang pagkakaroon ng fatty liver.

    Mga uri ng fatty liver disease

    Ang fatty liver disease ay kilala rin sa tawag na “hepatic steatosis,” at kadalasang may kinalaman sa pagkakaroon ng “lifestyle of too much good food ang drinks.” Kaya lapitin ng ganitong sakit ang mga taong mahilig sa alak, overweight, may diabetes, at mataas ang cholesterol levels.

    Alcoholic fatty liver disease (AFLD)

    Dahil sa sobrang pag-inom ng alak, dumadami ang taba sa atay. Maituturing na heavy drinking kapag lampas na sa moderate drinking na isang inom kada araw para sa kababaihan at dalawang inom naman para sa kalalakihan. 

    AFLD ang “earliest stage of alcohol-related liver disease and the most common alcohol-related liver disorder,” ayon sa American Liver Foundation (ALF). Wala raw kadalasang sintomas ang ganitong sakit, ngunit puwedeng lumaki ang atay ng mga pasyente at makaramdam ng “upper abdominal discomfort on the right side.”

    Karaniwan din daw sa gumagaling ang mga pasyente ng AFLD kapag tumigil sila sa pag-inom ng alak. 

    Non-alcoholic fatty liver disease (NAFLD)

    Sa mga bihira o hindi talaga umiinom ng alak, tataas ang posibilidad na magkaroon ng NAFLD kung:

    • Overweight o obese
    • Mayroong diabetes
    • Mataas ang blood pressure
    • Mataas ang cholesterol level
    • Nakararanas ng obstructive sleep apnea o patigil-tigil na paghinga kapag natutulog
    • Narating na ng kababaihan ang menopause stage
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Base sa pag-aaral na ginawa sa 134 NAFLD patients sa Philippine General Hospital (PGH) mula January 1999 hanggang December 2004, karamihan sa kanila ay babae (71%) at obese (60%).

    Ano ang gamot sa fatty liver? 

    Payo ni Dr. Labio na isama sa annual checkup ang medical tests na susuri sa fatty liver o hepatic steatosis dahil wala itong klarong sintomas. Ang pain o discomfort na nararamdaman sa parte ng atay o di kaya sa kanang bahagi ng tiyan ay puwede rin kasing sanhi ng iba pang sakit.

    Aniya, “If discovered early, fatty liver can be reversible.”

    Makakatulong din daw kung gagawin ng mga pasyente, pati na iyong may risk factors at genetically predisposed, ang ilang hakbang upang gumaling o maiwasan ang fatty liver.

    • Simulan ang pagkakaroon ng healthy at active lifestyle.
    • Magbawas ng timbang sa pamamagitan ng healthy diet at exercise.
    • Ipagamot ang diabetes, high blood pressure, at high cholesterol.
    • Iwasan ang pag-inom ng alak.

    Palala pa ni Dr. Labio na hindi pa “proven by good scientific evidence” ang mga supplement na pinaniniwalaang gamot sa fatty liver. Nagbibigay lang daw ang mga ito ng “false sense of security” at nilalayo ang atensiyon sa totoong ugat ng problema. Kaya “no proven benefit” ang sinasabing liver vitamins hanggat wala pang ebidensya na nagpapatunay sa kanilang bisa. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles