embed embed2
  • Hindi Ako Umiiyak, Nagluluha Lang Ang Mata Ko! Bilin Ni Dok Sa Ganitong Kondisyon

    Isang dahilan ng pagluluha ng mata ang pagkatuyo ng mata na tinatawag na dry eye
    by Jocelyn Valle .
Hindi Ako Umiiyak, Nagluluha Lang Ang Mata Ko! Bilin Ni Dok Sa Ganitong Kondisyon
PHOTO BY Pexels
  • Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may kinalaman ang emosyon sa pag-iyak. Kadalasan bunsod ito ng pananakit o pagkairita sa mata na parang puwing at nawawala naman kapag dumaloy na ang luha. Dapat lang mag-alala kapag madalas itong mangyari nang makahanap ng gamot sa nagluluhang mata.

    Isang dahilan ng ganitong kondisyon ang pagkatuyo ng mata na tinatawag na dry eye. Karaniwang nangyayari ito, ayon sa American Academy of Ophthalmology (AAO), kung hindi na sapat o tama ang luhang naibibigay ng mata. Malaki kasi ang papel na ginagampanan ng luha (tear film) para mapanatiling makinis at malinaw ang ibabaw na parte (surface) ng mata. 

    Bukod sa pananakit, pagkairita, at pagluluha ng mata, kabilang sa maaaring sintomas ng dry eye ang pagkalabo ng mata (blurred vision) lalo na habang nagbabasa, pagmumuta at pangangati ng mata, pati na ang hirap sa pagsusuot ng contact lenses. 

    More from Smart Parenting

    Paliwanag ni Dr. Frances Hope Yap, isang ophthalmologist na nakabase sa Dumaguete City, Negros Oriental, na may iba-ibang sanhi ng dry eye, o natutuyong mata sa wikang Filipino. Ang pinakakaraniwang sanhi ay kaugnay sa pagtanda ng isang tao dahil kasabay nito ang pagtanda rin ng mata (aging eye).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lahad niya sa panayam ng SmartParenting.com.ph, “The quality of tears and the tear film in the aging eye is less compared to when we were younger.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang iba pang sanhi ng dye eye ay may kinalaman sa environmental elements, lalo na ang:

    • hangin at humidity
    • medical conditions
    • hormonal imbalance
    • “prolonged focused near vision activities” tulad ng pagbababad sa TV, computer, at gadget. 
    More from Smart Parenting

    Gamot sa nagluluhang mata

    Nagbigay si Dr. Yap ng home remedies o mga simpleng gamot sa nagluluhang mata dahil sa dry eye, at mga paraan para mapangalagaan ang paningin.

    Ipahinga ang mga mata

    Nababawasan ng matagal na paggamit ng computer o kaya gadget ang natural na pagkurap (blinking) ng mata. Sabi pa ni doktora, “The blinking mechanism is supposed to replenish the natural tear film that keeps our eyes normally lubricated at least every 15 seconds.”

    Iwasan na itapat ang mukha sa electric fan o air con

    Para hindi malantad ang mga mata sa “direct evaporative elements” ng electric fan at air conditioner, ipuwesto, halimbawa, ang work area sa lugar na hindi direktang tinatamaan ng hangin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tandaan ang 20-20-20 rule

    Huminto sa paggamit ng computer o kaya gadget kada 20 minutes sa loob ng 20 seconds at tumingin sa malayo na may 20 feet na distansya. Sa ganitong paraan, masisiguro na mapapahinga at mare-relax ang mga mata.

    Sundin ang proper ergonomics

    Dahil sakop ng “new normal” ang work-from-home at online classes, malaking tulong na tama ang disenyo ng designated area para sa kalusugan hindi lang ng mga mata. Siguraduhin na ang taas ng mesa at upuan, pati na ang pagkakaupo, ay hindi sakto sa buga ng hangin mula sa electric fan at air con.

    Magsuot ng UVB protective eyewear 

    Kapag lalabas ng bahay habang tirik ang araw, huwag kalimutan na magsuot ng salamin na may proteksyon laban sa ultraviolet (UV) rays. Ngunit hindi naman kinakailangan ang blue light filter glasses. 

    Kumonsulta sa doktor

    Payo din ni Dr. Yap na magtingin sa eye doctor. Para sa mga bata, mainam na bumisita sa clinic isa o dalawang beses bago sila tumungtong sa school age. Kapag naman school age na sila, mainam na taon-taon ang bisita kung kailangan ang pagsusuot ng salamin o iba pang intervention.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa mga hindi nangangailangan ng salamin, okay na ang every two years na checkup hanggang umabot sa edad 20. Pag sampa ng 60 years old at certified senior citizen na, dapat taon-taon ang pagpapakonsulta.

    More from Smart Parenting

    Health at safety protocols sa eye clinic

    Ngayong panahon ng COVID-19 pandemic, may health at safety protocols na sinusunod lalo na sa mga healthcare industry, kabilang na ang mga eye clinic. Sa klinika ni Dr. Yap, halimbawa, pinapairal nila ang lubusang pag-iingat.

    • Gumawa ng appointment sa pamamagitan ng pagtawag sa klinika ilang araw bago ang pagbisita at sabihin kaagad kung mayroong red eye o kung wala.
    • Pag punta sa klinika, magsuot ng basic personal protective equipment, tulad ng face mask at face shield.
    • Iwasan ang paghawak sa mga mata.
    • Bawasan ang paghawak sa mga muebles at iba pang kagamitan sa common waiting areas.
    • Kapag inieksamen na ng doktor, huwag masyadong magsalita para mabawasan ang posibilidad na magkaroon ng exposure ng droplets lalo na’t malapitan ang examination.

    Importante na pahalagahan at ingatan ang mga mata. Lubos itong magagawa lalo na’t kung ang kailangan lang ay gamot sa nagluluhang mata dahil sa dry eye.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles