embed embed2
  • Sa May Mga Matinding Gout, Tamaan Lang ng Kumot Masakit na Ang Apektadong Joint

    Nababahala ang marami kapag mataas ang kanilang uric acid dahil pwedeng pumunta ito sa gout.
    by Allan Olga .
Sa May Mga Matinding Gout, Tamaan Lang ng Kumot Masakit na Ang Apektadong Joint
PHOTO BY Pexels
  • Ang gout ay isang uri ng arthritis, pero hindi lahat ng arthritis ay gout. Kadalasang nangyayari ang gout sa hinlalaki sa paa, o sa iba pang bahagi ng katawan na may joint, gaya ng daliri sa kamay, siko, tuhod, at bukong-bukong (ankle).

    Kahit sino ay maaaring magka-gout at matindi ang sakit kapag umatake ito. Nagdudulot ng pamamaga, pananakit, at pamumula sa joints na kadalasang nangyayari sa hinlalaki ng paa.

    Sintomas ng gout

    Kapag tinanong mo ang merong may gout, isa sa mga idinadaing nila ay ang biglaan na pag-atake nito. Kadalasan pa sa gitna ng gabi nangyayari at tila umaapoy ang pakiramdam ng apektadong joint. May iba na kahit tamaan lang ng kumot ay nasasaktan na. Eto ang ilang mga sintomas ng gout:

    Matinding pananakit ng joint

    Pinakamasakit ang gout loob ng unang 12 oras ng pagsisimula nito. May mga pagkakataon na kahit humupa ang matinding pananakit, nakakaramdam pa rin ng hindi pagiging kumportale na maaaring tumagal ng ilang araw o umabot ng ilang linggo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pamamaga at pamumula

    Ang apektadong joint ay namamaga, sobrang masakit, mainit, at namumula.

    Limitadong pagggalaw

    Dulot ng pamamaga, mapapansin ang hirap sa paggalaw, lalo ang apektadong joint.

    Ang mga sintomas nito ay maaaring biglaang mawala at dumating, pero may mga paraan upang maginhawaan ng kaunti kapag umatake ang gout.

    More from Smart Parenting

    Paano nangyayari ang gout

    Nababahala ang marami kapag mataas ang level ng kanilang uric acid dahil pwedeng pumunta ito sa gout. Malalaman kung mataas ang iyong uric acid sa pamamagitan ng blood test.

    Ang uric acid ay natutunaw sa dugo kapag dumaan ito sa iyong kidney at lalabas sa ihi. Pero minsan, sumosobra ang pag-produce ng uric acid ng katawan at kaunti lamang ang inilalabas na uric acid ng kidney palabas sa ihi. Kapag nangyari ito, nabubuo ang uric acid at nauuwi sa matalim na urate crystals sa joint — ito nagdudulot ng pamamaga at matinding sakit. Maaari ring maipon ang urate crystals sa urinary tract ng na maaaring mauwi sa kidney stones.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ano ang nagpapataas ng uric acid sa katawan

    Ang iyong katawan ay naglalabas ng uric acid kapag dinudurog nito ang purines, isang uri ng substance na inilalabas ng katawan. Ang purines ay makikita rin sa ilang uri ng pagkain kagaya ng steak, lamang loob ng karne at seafood. Nagpapataas ng level ng uric acid ang mga pagkaing ito kasama ng alak, beer, at mga inuming nagtataglay ng fruit sugar (fructose).

    Diet

    Kung mahilig ka sa karne at seafood at madalas uminom ng mga inuming nagtataglay ng maraming fruit sugar (fructose), hindi malayong tumaas ang uric acid mo, na kalaunan ay mauuwi sa gout. Ang pag-inom ng alak, lalo na ang beer, ay nagpapataas din ng uric acid.

    Obesity o sobrang timbang

    Kung sobra ka sa timbang, naglalabas ng mas maraming uric acid ang iyong katawan at pinahihirapan nito ang iyong kidney.

    More from Smart Parenting

    Medical conditions

    May ilang karamdaman at kondisyon na maaaring maging sanhi ng gout, kagaya ng pagkakaroon ng high blood pressure, diabetes, metabolic syndrome, at sakit sa puso at kidney.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Family history

    Kung may miyembro ng pamilya na nagkaroon ng gout, malaki ang tsansa na magkaroon ka rin nito.

    Edad at kasarian

    Mas madalas na inaatake ng gout ang mga lalaki, sa kadahilanang kalimitang mas mababa ang uric acid levels sa mga babae. Pero pagkatapos ng menopause, maaari na ring tumaas ang level ng kanilang uric acid. Mas maaga ring maaaring magkaroon ng gout ang mga lalaki mula edad 30 hanggang 50, kumpara sa mga babae na maaaring magkaroon ng senyales at sintomas pagkatapos ng kanilang menopause.

    Kumplikasyon ng gout

    May mga taong maaaring hindi na muling maranasan magkaroon uli ng gout. Pero marami ang may gout at nakakaranas ang pag-atake nito ng ilang beses sa isang taon. Dapat kumonsulta sa doktor sa patnubay kung ano ang kailangan na gamot para sa mga mga taong madalas atakihin nito. Kung hindi magagamot, ang gout ay maaaring mauwi sa pagkasira ng joint.

    Kailangan malaman ng doctor kung may iniinom kang gamot o kahit na vitamins lalo na kung meron kang iba pang sakit bukod sa gout. Ang pag-inom ng thiazide diuretics — na ginagamit kontra hypertension — at low-dose aspirin ay maaaring magpataas ng uric acid levels sa katawan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag hindi nagamot ang gout, maaaring mabuo ang urate crystals sa ilalim ng balat na kung tawagin ay tophi (TOE-fie). Maaari mamuo ang tophi sa mga daliri, kamay, paa, siko or Achilles tendos sa may likod ng iyong bukong-bukong. Kadalasan, ang tophi ay hindi masakit, pero namamaga ito at sumasakit kapag nagkakaroon ng gout.

    More from Smart Parenting

    Prevention o paano makakaiwas sa gout

    Makakaiwas ka sa pag-atake ng iyong gout kung aayusin mo ang iyong diet. Bawasan ang karne at mga pagkain na may mataas na purine content (maraming seafood gaya ng sardines ang nakakasama sa gout). Ugaliin na uminom ng maraming tubig. Limitahan ang pag-inom ng maraming sweetened beverages, lalo na ang mga inuming may mataas na fructose corn syrup. Kumain ng low-fat dairy products para sa inyong protina. 

    Panatilihin ang pagkakaroon ng tamang timbang. Kumain ng sapat na dami. Ang pagbabawas ng timbang ay maaaring magpabawas sa uric acid level sa katawan. Pero iwasan ang hindi pagkain at mabilis na pagpapayat dahil ang mga ito ay maaaring magpataas ng uric acid levels. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung nakararanas ka ng biglaan at matinding pananakit sa iyong joint, tumawag agad sa doktor. Kapag hindi napatingnan, maaaring tumindi ang sakit at mauwi sa pagkasira ng joint. Magpadoktor kaagad kung nagkaroon ng lagnat at ang apektadong joint ay mainit at namamaga, na maaaring senyales ng impeksyon.

    Sources: Mayo Clinic, WebMD

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles