embed embed2
  • Aloe Vera Vs. Tea Tree Oil Para Sa Almoranas? Home Remedies Na Recommended

    Mag-konsulta muna sa doctor bago sumumubok ng home remedy.
    by Jocelyn Valle .
Aloe Vera Vs. Tea Tree Oil Para Sa Almoranas? Home Remedies Na Recommended
PHOTO BY iStock
  • Lubhang nakakabahala kapag hirap sa pagdumi at may kasama pa itong pagdurugo sanhi ng namamagang ugat sa tumbong. Bago tuluyang matakot dahil baka maopera kaagad, subukan muna ang mga home remedy sa almoranas o hemorrhoids.

    Sang-ayon dito si Dr. Celeste Robb-Nicholson, editor in chief ng Harvard Women’s Health Watch. Aniya, “Surgery is rarely the first treatment. Most hemorrhoids can be managed with conservative measures.”

    What other parents are reading

    Ang sabi pa sa Mayo Clinic maraming nakakaranas ng hemorrhoids, na tinatawag ding piles. Halos tatlo sa apat na adult ang paminsan-minsang magkakaroon ng pamamaga ng veins sa anus at lower rectum. Internal hemorrhoids kapag nasa loob ito ng rectum at external hemorrhoids kapag nasa ilalim ng balat sa paligid ng anus. 

    May hatid ang external hemorrhoids na pangangati o pagkairita ng anal region, pati na ang kirot at pamamaga sa paligid ng anus. Maaari din dumugo, tulad sa internal hemorrhoids. Reklamo pa ng ilang mayroong almoranas, hindi sila makatagal sa pagkakaupo dahil sa sobrang sakit kaya hindi nila maiwasang mabalisa. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paliwanag ni Dr. Massarat Zutshi  ng Cleveland Clinic na sumasakit ang hemorrhoids kapag nagsisimula na itong lumabas mula sa anal canal habang dumudumi ang isang tao. Maaari itong lumaki at magkaroon ng blood clot, kaya gumagrabe ang kirot na nararamdaman.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    Home remedy sa almoranas

    Paalala ni Dr. Zutshi sa mga susubok ng mga home remedy para sa almoranas na magpatingin muna sa doktor para sa “proper diagnosis” upang matukoy talaga ang sanhi ng pagdudugo. Importante daw ito lalo na kung unang pagkakataon itong nararanasan.

    Narito ang ilan sa hemorrhoids home remedies, ayon sa mga doktor:

    Sitz bath

    Tinatawag na sitz bath ang maliit na palanggana na nabibili sa pharmacy, kadalasan sa Western countries, na ipinapatong sa toilet bowl. Nilalagyan ng mainit na tubig ang sitz bath bago ito upuan ng hanggang 15 minutes para maibsan ang sakit sa anal area. Isa ito sa “best treatment,” ayon kay Dr. Zutshi.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dito sa Pilipinas, magagamit din ang arinola sa ganitong paraan. Lagyan din lang ng mainit na tubig at upuan ito. Pansin ng mga nakasubok na ang sigaw mula sa mainit na tubig ay nakakaluwag ng hemorrhoids kaya unti-unting bumabalik ang nakausling parte sa loob ng anal canal. Pero tamang init lang daw ng tubig dahil baka malapnos naman ang balat kung kumukulo pa ito.

    What other parents are reading

    Over-the-counter hemorrhoid products

    May mabibili sa over the counter ng botika na ilang gamot para sa almoranas, tulad ng analgesic cream na ipapahid sa anal area. Makakatulong din ang witch hazel, isang natural remedy mula sa dahon ng halamang gamot na Hamamelis virginiana. Ang taglay nitong tannins at oils ay nakakabawas sa pamamaga at pagdurugo. Sabi ni Dr. Zutshi, okey itong gamitin direkta sa hemorrhoids.

    Aloe vera

    Ang succulent plant na aloe vera ay may anti-inflammatory properties na makakatulong na maibsan ang pamamaga ng hemorrhoids. Payo ni Dr. Zushi na piliin ang purong aloe vera kesa sa cream o gel na may halong ibang ingredients.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung may sariling tanim o makakahingi sa kapwa plantita o plantito, pumitas lang ng dahon, putulin para makuha ang ang dagta o gel at i-apply ito sa hemorrhoids. Pwede mo rin iwan ang gel ng mga 15 to 20 minutes bago hugasan ang iyong anus area. 

    Babala naman ni Dr. Zushi na iwasan ang paggamit ng iba pang sinasabing natural remedy, gaya ng tea tree oil at apple cider vinegar. Kulang pa daw ang pag-aaral sa kakayahan ng tea tree oil sa ganitong karamdaman at puwede namang makasama ang apple cider vinegar sa kalagayan ng hemorrhoids.

    Epsom salt at glycerin

    Malaking tulong ang pinagsamang bisa ng Epsom salt (magnesium sulfate compound) at glycerin (simple polyol compound), ayon kay Dr. Zushi. Paghaluin lang ang 2 tablespoons ng Epsom salt at 2 tablespoons ng glycerin. Ilagay ang mixture sa gauze pad at itapal ito sa anal area. Maghintay ng 15 hanggang 20 minutes at saka ulitin ang application tuwing apat hanggang anim na oras.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Paano iwasan ang almoranas

    Makakatulong din ang lifestyle changes para mapigilan ang pag-atake ng almoranas o hemorrhoids at maiwasan na rin ng mga taong wala pa nito.

    Dagdagan ang fiber at fluid sa diet

    Ang fiber at tubig ay nakakapagpaayos ng digestion at hindi mahihirapan sa pagdumi.

    Iwasan ang sobrang pag-ire

    Ang matagal na pag-ire ay maaaring makadulot ng pamamaga sa ugat ng tumbong. Kaya mainam din na huwag pigilin ang pagpunta sa banyo kapag nakakaramdam na ng tawag ng kalikasan.

    Regular na mag-exercise

    Pasiglahin ang bowel function sa physical activity. Malaking tulong lalo na ang exercises para sa pelvic floor muscles, tulad ng itinuturo sa yoga.

    Sakaling hindi umubra ang nabanggit na lifestyle changes at mga home remedy sa almoranas, maaaring kausapin na ang doktor tungkol sa medical procedure. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles