embed embed2
  • Gaano Katindi Ang Sakit Na Dulot Ng Kabag? Akala Mo Heart Attack O Appendicitis

    Tinatawag na kabag ay yung ayaw lumabas ng hangin sa tiyan.
    by Jocelyn Valle .
Gaano Katindi Ang Sakit Na Dulot Ng Kabag? Akala Mo Heart Attack O Appendicitis
PHOTO BY iStock
  • Kapag biglang bumigat ang tiyan na parang punong-puno ito ng hangin, hindi mapipigilan ang pagiging balisa. May hatid kasi itong kirot na nagpapabagal ng kilos at naglilimita ng galaw. Para mapabilis ang paglabas ng hangin at bumuti ang pakiramdam, may mga home remedy sa kabag na maaaring subukan.

    Paliwanag ni Dr. Hazel Marie Galon Veloso, isang gastroenterologist sa Johns Hopkins Medicine, na normal lang na kabagin. Ang hangin o gas na sanhi nito ay natural byproduct ng mga bacteria sa intestines. Trabaho talaga ng mga bacteria ang pag-break down ng fiber, sugar, at starch na mula sa mga pagkain na napupunta sa tiyan.

    What other parents are reading

    Home remedy sa kabag

    Sabi pa ni Dr. Veloso na kusa namang nawawala ang intestinal gas at ang dala nitong discomfort. Ito ay sa pamamagitan ng pagdighay (burp) at pag-utot (flatulence). Pero minsan, reklamo ng mga taong nakakaranas ng kabag o gas pain, tila ang tagal lumabas ng hangin at hindi na nila matiis ang sakit. May ilang home remedy sa kabag na maaaring makakatulong upang matanggal ang intestinal gas.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Herbal tea

    Peppermint at chamomile ang rekomendado ng Brigham and Women’s Hospital. Nakita sa ilang pag-aaral na may kakayahan ang peppermint oil na magpakalma ng digestive system at maibsan ang sakit dito. May mga pakinabang din mula sa chamomile, at isa lang dito ang ginhawa mula sa gastrointestinal disorders. 

    Epektibo din gawing tsaa ang iba pang herbs tulad ng turmeric, anise, caraway, coriander, and fennel. Ihalo lang ang napiling herb sa pinapakulong tubig at pagkatapos magsalin sa tasa. Mainam na inumin ang herbal tea habang mainit.

    Subukan: Twinings Pure Peppermint, Php 269.03 (from Php 316.50) for 25 sachets, Twinings on Lazada

    Hot compress

    Para mainitan ang tiyan, gumamit ng heating pad o hot water bottle hanggang lumabas ang hangin. Lagyan lang ng mainit na tubig ang isang babasaging bote na may takip, ibalot sa bimpo, at saka ipatong sa tiyan.

    Subukan: Surplus Relief Hot Compres, Php 249 (from Php399.75), SurplusPH on Lazada

    What other parents are reading

    Supplement

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Kung ang dahilan ng intestinal gas ay ang hindi pagkatunaw ng kinain, may mga nabibiling supplement para dito na puwedeng inumin. Enzymes ang mga ito na kailangan ng katawan. Ang lactase, halimbawa, ay tumutulong sa digestion ng sugar sa dairy products, gaya ng gatas.

    Malaking tulong ito sa mga taong lactose intolerant dahil maselan ang tiyan nila sa ano mang may sangkap na gatas. Payo lang ng Mayo Clinic sa mga buntis o nagpapadedeng ina na komunsulta muna sa doktor bago uminom ng ganitong supplement. 

    Alpha-galactosidase naman ang katuwang ng katawan sa breakdown ng carbohydrates sa beans at iba pang gas-producing vegetables. Samantala, nakakatulong ang simethicone para lumiit ang bubbles sa gas at tuluyang makalusot ito sa digestive tract. Kaya lang, masyadong maliit pa ang clinical evidence na nagpapatunay ng bisa nito. 

    May tulong din ang activated charcoal, pero ayon sa research, maaari itong makasabagal sa absorption ng katawan ng iba pang gamot na iniinum na ng isang tao. Dagdag pa dito, baka magmantsa ang loob ng bibig at damit dahil sa charcoal.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Movement

    Subukan na gumalaw-galaw upang labanan ang intestinal gas. Mula sa simpleng stretching hanggang patalon-talon na squats, makakatulong ang mga ito na lumabas ang hangin mula sa tiyan. Marami pang yoga poses ang nagbibigay ng parehong benepisyo, tulad ng child’s pose at spinal twist.

    What other parents are reading

    Paano iwasan ang kabag

    Higit sa lahat, paalala ng mga doktor na iwasan ang mga gawain na nagdadala ng hangin sa tiyan:

    • Paggamit ng straw sa pag-inom
    • Pag-inom ng softdrink at iba pang carbonated drinks
    • Pagnguya ng chewing gum
    • Pagkain ng fried o fatty foods
    • Pagkain nang mabilisan o sobrang dami
    • Pagsasalita habang kumakain
    • Pagsisigarilyo

    Kung pabalik-balik ang intestinal gas, baka may mas malalim na dahilan at hindi na lamang home remedy sa kabag ang sagot dito. Mainam na magpatingin sa doktor nang mabigyan ng tamang diagnosis at treatment. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close