embed embed2
  • Ang Totoong Mabisang Home Remedy Pagdating Sa Vaginal Itching

    May ilang paraan upang matanggal at maiwasan ang pangangati.
    by Jocelyn Valle .
Ang Totoong Mabisang Home Remedy Pagdating Sa Vaginal Itching
PHOTO BY iStock
  • Para sa maraming kababaihan, hindi kumportable ang pakiramdam kapag may ano mang pangangati sa katawan, lalo na sa maselang parte. Pero bago mabahala, mainam na obserbahan muna ang sarili upang malaman ang dahilan at mahanapan ng home remedy sa vaginal itching. 

    Kung ang pangangati sa vulva o external genitals ay walang hatid na vaginal discharge ngunit may pamamantal hanggang sa may singit, maaaring hatid ito ng contact dermatitis. Ayon sa International Society for the Study of Vulvovaginal Disease (ISSVD), may dalawang uri ng contact dermatitis of the vulva.

    More from Smart Parenting

     

    Irritant contact dermatitis 

    Resulta ng exposure sa “caustic or irritating product” ang irritant contact dermatitis. Maaaring gawin ang sumusunod para malaman kung ito ang sanhi ng pangangati

    Ihinto ang paggamit ng sabon o cleanser

    Baka hindi ka hiyang sa sabon. Tubig lamang ang ipanghugas sa vulvar area hanggang maging okey na muli at saka gumamit ng mas mild na soap substitute.

    Ugaliin ang front-to-back na pagpupunas

    Gawin ito pagkatapos umihi o dumumi para maprotektahan ang vulva.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Obserbahan ang gamit na pantyliners o menstrual pads

    May ilang pantyliners at menstrual pads na gawa sa nakakairitang plastic. Piliin iyong gawa sa cotton para hindi kulob ang pakiramdam at pagpawisan nang todo. Subukan din ang reusable menstrual pad na gawa sa tela na health at eco-friendly, pati na ang menstrual cup.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Huwag patagalin ang pagsusuot ng masisikip na damit

    Madaling pagpawisan sa mga damit na tulad ng pantalon at underwear. Kapag masikip ang damit at pawis, naiirita ang balat lalo na kung sa vulvar area. Ganito rin ang gawin kapag galing sa swimming. Hindi dapat mababad ang external genitals sa basang swimwear.

    More from Smart Parenting

     

    Allergic contact dermatitis

    Nangyayari ang allergic contact dermatitis bilang reaction ng katawan sa allergen, gaya ng gamot, pabango, at chemicals. Narito ang ilang paraan para matukoy na allergy ang dahilan ng pangangati sa vulvar area:

    • Ihinto ang paggamit ng anesthetic cream na may taglay na benzocaine at antibiotic cream na mayroon namang neomycin.
    • Iwasan ang paggamit ng emollient at steroid cream o ointment na may sangkap na preservatives.
    • Piliin ang toilet wipes at tissue na walang halong pabango o ano pang artificial scent. 

    Para makasiguro, payo ng mga eksperto sa ISSVD na magpatingin sa dermatologist o allergist nang makakuha ng special patch testing. Ang kadalasang gamot na ibinibigay ay cortisone/steroid ointment na ipinapahid sa makating bahagi dalawang beses kada araw sa loob ng isa hanggang dalawang linggo. Sa malalang lagay ng kondisyon, oral cortisone ang inirereseta.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Vaginitis

    Kapag ang pangangati ay may kasama ng kirot at discharge, baka hindi na lamang ito simpleng pagkairita o allergic reaction at hindi na kayanin ng home remedy sa vaginal itching. Maaaring sangkot na ang pamamaga ng vagina, na tinatawag na vaginitis.

    Ayon sa Mayo Clinic, ang vaginitis ay sanhi ng pagbabago sa “normal balance of vaginal bacteria or an infection.” May kinalaman din daw dito ang “reduced estrogen levels after menopause and some skin disorders.”

    Kabilang sa iba pang sintomas ng vaginitis ang pagkaramdam ng kirot sa pag-ihi at pagkikipagtalik, pati na ang pagkakaroon ng konting pagdudugo o spotting. Tatlo ang common types ng vaginitis.

    Bacterial vaginosis

    Resulta ito mula sa pagbabago ng normal bacteria na matatagpuan sa vagina at maging mitsa ng paglago ng iba pang organisms. Bagamat may kinalaman ang bacterial vaginosis sa sexual intercourse, puwede ding magkaroon nito ang mga babaeng hindi sexually active. May hatid itong “grayish-white, foul-smelling discharge” at “fishy odor,” na madalas naaamoy pagkatapos makipagtalik.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Trichomoniasis

    Sanhi ng parasite na karaniwang naipapasa sa pamamagitan ng sexual intercourse ang trichomoniasis. Nagbibigay ng mas malaking panganib sa kababaihan na magkaroon ng sexually transmitted infection. Maaaring magdulot ito ng “greenish-yellow, sometimes frothy discharge.”

    Babala ng mga eksperto sa Mayo Clinic sa mga buntis na mayroong symptomatic trichomoniasis o di kaya bacterial vaginosis na may kaugnayan ang ganoong mga sakit sa premature deliveries at low birth weight sa mga babies.

    More from Smart Parenting

    Yeast infection

    Kadalasang sanhi ng “naturally occurring fungus” na tinatawag na Candida albicans ang yeast infection. Nagdudulot din ng infection ang Candida albicans sa basa o moist na parte ng katawan, tulad ng bibig, skin folds, at nail beds. Ang ganyang fungus din ang dahilan ng diaper rash. Maaaring may hatid ang yeast infection na “white, thick discharge” na itsurang cottage cheese. 

    Mainam na komunsulta sa doktor para maliwanagan sa nararanasang vaginal itching, irritation, at discharge. Ngunit kung kumpirmadong yeast infection ang kondisyon na bumabalik lang, maaaring uminom ng anti-yeast medication at sundin ang mga pangangalaga sa vaginal at vulvar area laban sa contact dermatitis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Payo ni Dr. Kathryn Goebel, isang ob-gyn sa Cleveland Clinic, na gumamit ng miconazole over-the-counter topical cream o di kaya fluconazole prescription pill. Duda din daw siya sa mga naglalabasan na haka-haka sa paggamot ng yeast infection. 

    Aniya, huwag ikalito ang vagina sa medicine cabinet o kitchen cabinet para gamitan ng kung ano-anong bagay. “The internet might tell you that introducing things like tea tree oil suppositories, coconut oil or garlic into the vagina can help clear up an overgrowth of yeast. But there’s no solid evidence for those DIY treatments.”

    Rekomendado ni Dr. Goebel ang pagkakaroon ng good hygiene at pangangalaga sa sarili (tulad ng nasabi na ditong paglaban sa contact dermatitis).

    Kung nakakaramdam ng external irritation sa vulvar area, maaaring pahiran ito ng thick oitments, gaya ng Vaseline at Aquapor, na magsisilbing harang sa yeast at mabawasan ang pangangati. Iyon na ang pinakamalapit na home remedy sa vaginal itching.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles