embed embed2
  • Calamansi, Baking Soda, Suka: Home Remedies Para Sa Kagat Ng Surot

    May mga abot-kayang paraan para mapuksa ang mga surot.
    by Jocelyn Valle .
Calamansi, Baking Soda, Suka: Home Remedies Para Sa Kagat Ng Surot
PHOTO BY Shutterstock/gcafotografia
  • Kadalasang sumisiksik ang mga maliliit at maiitim na insektong surot sa kama. Kaya naman magigising ka na lang minsan na may mapupula at makakating marka sa iba-ibang parte ng katawan ko. Malamang, mga kagat ng surot ang mga iyon.

    Sa gabi talaga lumalabas ang mga surot, o bed bugs, at pakay nila ang dugo ng tao at warm-blooded animals. Pero hindi naman sila kilalang tagapaghatid ng sakit. Hindi rin sila lumilipad o tumatalon. Mabilis lang silang gumapang at mahilig mamahay sa mga muebles, dingding, at sahig.

    Walang hirap na nakakagala ang mga surot at kumakapit pa sa mga kagamitan. Kung napadpad sila sa mga gamit mo, halimbawa, habang bumibisita sa isang lugar o bumibiyahe, malaki ang posibilidad na mauwi mo sila nang hindi mo namamalayan. Malamang, malalaman mo na lang kapag nakagat ka na.

    Paano iwasan ang kagat ng surot 

    Makakatulong ang ilang paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga surot sa bahay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Regular na maglinis ng mga gamit sa bahay na maaaring bahayan o itlogan ng mga insekto.
    • Kapag bumibiyahe, ugaliing mag-inspeksyon sa kuwartong tutuluyan. Tignan mabuti ang kutson, kama, ulunan ng kama, at upholstery sa mga upuan.
    • Ilagay ang bagahe sa suitcase stand. Huwag ilapag sa sahig o itabi sa kama. Iwasan din na idikit sa dingding o mga muebles.
    • Kapag nakauwi na, labhan kaagad ang mga damit na sinuot sa biyahe at patuyuin sa hot dryer. I-vacuum ang bagahe. Pagkatapos, isilid ang ginamit na bag ng vacuum sa isang trash bag at isara maigi.
    • Bago ipasok sa bahay ang muebles, maging brand new man o secondhand, dapat siyasatin muna ang mga kasuluk-sulukan.
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Home remedy laban sa surot

    Sakaling may mga surot na sa iyong bahay, maaaring sundin ang home remedies mula sa eksperto sa mga insekto na kung tawagin ay entomologist.

    Ibinahagi ng entomologist na si Aldric Vista ang kanyang kaalaman sa GMA public affairs show na Good News.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa isang spray bottle, maglagay ng tatlo hanggang limang patak ng bawat essential oil na lavender, eucalyptus, at lemongrass. Idagdag ang tubig at takpan. Mag-spray sa mga crack, halimbawa, ng wooden furniture. Gumamit ng stick para umabot ang solution sa kailaliman ng muebles. 

    Meron daw amoy at lasa ang essential oils na ayaw ng mga surot. Napupuksa nito pati ang mga itlog ng surot. Masasabing effective ang solution kapag naglabasan ang mga surot mula sa kanilang lungga. 

    Bleach

    Mainam gamitin ang bleach sa mga muebles na hindi delikado sa kemikal. Dahan-dahang ibuhos ang bleach sa mga singit-singit ng mga upuan. Ang sangkap nitong hydrochloric acid ang nagpapababa ng pH level ng mga surot kaya sila nade-dehydrate at namamatay. 

    Double adhesive tape

    Kung wala kang vacuum cleaner, makakatulong ang double adhesive tape sa pagpuksa ng mga surot kahit itlog pa ang mga ito.

    Magdikit ng mahabang piraso ng tape kung saan may mga itlog ng surot. Maghintay ng isang minuto at saka tanggalin. Mapapansin mo na may mga nakadikit na parang mga butil ng paminta. Iyon ang mga itlog ng surot.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gawing parte ng lingguhang paglilinis ng bahay ang home remedies para tuluyang mapuksa at hindi na bumalaki pa ang mga surot.

    Home remedy sa kagat ng surot

    May home remedies din para sa mga kagat ng surot, ayon pa rin sa entomologist na si Aldric Vista.

    Sa isang maliit na bowl, maglagay ng baking soda, konting tubig, at katas ng kalamansi o lemon. Haluin hanggang maging creamy ang solution. Kumuha ng bulak, isawsaw sa solution, at ipahid sa affected area.

    May kakayahan ang solution na ma-neutralize ang acidic chemical na sanhi ng pangangati.

    Isa pang paraan ang paggamit ng suka. Isawsaw ang bulak sa suka at ipahid sa affected area. Maiibsan ang pamamaga ng balat dahil sa anti-inflammatory na taglay ng suka. 

    Pero mas mainam na magpatingin sa dermatologist kung:

    • Napakarami ng kagat ng surot sa katawan
    • Nagpapaltos na ang mga kagat
    • May lumalabas na nana bilang sintomas ng skin infection
    • Namumula at namamaga bilang mga sintomas ng skin allergy
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaari kang resetahan ng doktor ng gamot para sa allergic reaction, infection, at pangangati mula sa kagat ng surot. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles