embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Kulugo Malapit sa Ari, Maaaring Sintomas ng HPV Infection, Ayon sa Eksperto
PHOTO BY andriano_cz/iStock
  • HPV = Kulugo = Kanser. Ito ay isang katotohanang kailangan nating isaisip.

    Ang pasakit na dulot ng human papillomavirus (HPV) infection ay matagal nang pangkalusugang isyu sa buong mundo, ngunit tila marami pa ring tao ang hindi nakakabatid sa ugnayan ng HPV at kanser. Sa kabila ng pagkakaroon ng HPV vaccine mula pa noong 2006, tinatayang mas mababa sa limang porsyento lamang ng mga kababaihang Pilipino ang kumuha at nakikinabang nito.

    Sa isang diskusyong pinamagatang "Bridging HPV and Cancer: Why It Matters" ("Pag-uugnay sa HPV at Kanser: Bakit Ito Mahalaga"), inilahad ng mga medical professionals na eksperto sa HPV ang pasakit na naidudulot nito, at kung paano ito nakakaapekto sa kalusugan ng mga kababaihan. Ang HPV infection ay nagdudulot ng cervical cancer, na nakamamatay, at siyang pang-apat sa pinaka-karaniwang kanser sa mga kababaihan sa buong mundo.

    Ibinahagi ni Dr. F. Xavier Bosch, isang senior consultant sa Cancer Epidemiology Research Program (CERP) at Catalan Institute of Oncology (ICO) Information Centre sa Spain, at ni Dr. Sybil Bravo, isang ob-gyn, infectious diseases specialist, at propesor sa University of the Philippines - College of Medicine and Philippine General Hospital, ang kanilang kaalaman sa HPV infection, ang iba't ibang uri ng HPV, at ang kaugnayan ng mga ito sa iba't ibang kanser, pati ang mga pangunahing balakid at mga nakatulong sa pagpigil nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Mayroong mahigit 100 uri ng HPV strains, at humigit-kumulang 30-40 dito ang nakaaapekto sa ari ng babae o lalaki. Ang HPV infection ay kadalasang naisasalin sa pamamagitan ng pagtatalik o anumang uri ng kontak sa ari. Mahalagang sabihin na gayong ang paggamit ng condom ay isang karaniwang paraan sa mga Pilipino para makaiwas sa pagbubuntis, hindi nito lubusang nabibigyang-proteksyon ang mga kalalakihan laban sa kanser dahil hindi natatakpan ng condom ang kabuuang paligid ng ari (scrotal area), na maaaring nakalantad sa mucus na may dalang HPV.

    Maaari ring maipasa ng nanay ang HPV sa kaniyang anak pagkapanganak, ngunit hindi ito karaniwan.

    Cervical cancer = HPV

    Ang HPV ang sanhi ng ng 100 porsyento ng mga kaso ng cervical cancer, ayon sa "Human Papillomavirus and Related Diseases Report" na inilathala kamakailan ng ICO Information Centre sa Barcelona, Spain. Ito rin ang nagdudulot ng iba pang kanser sa ari ng babae at lalaki. Kahit pa hindi nagdudulot ng kanser ang mga kulugo sa ari, kailangan pa ring sumailalim sa operasyon para ipatanggal ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gayunpaman, maraming taong may HPV ang hindi kakikitaan ng sintomas nito ngunit maari pa ring makahawa ng iba. 

    Sa Pilipinas, kasunod ng breast cancer, ang cervical cancer ang ikalawang pangunahing dahilan ng pagkamatay sa mga kababaihan na may kinalaman sa kanser. Sa kabila ng pagkakaroon ng cervical cancer screening tests para maaga itong maagapan at maiwasan, mahigit 6,000 kababaihang Pilipino pa rin ang natutuklasang may cervical cancer bawat taon. Sa loob ng limang taon, mahigit sa kalahati ng mga kababaihang iyon ang mamamatay.

    Ayon kay Dr. Bravo, "In the past, we've only had one to two HPV cases in the hospital per day, but over the last 10 years we've had an increase [in cases of] genital warts and cervical cancer [and it's now] 17 to 20 per week. (Noon, mayroon lang tayong dalawang kaso ng HPV sa ospital kada araw, pero sa nakalipas na 10 taon, tumaas ang kaso ng kulugo sa ari at cervical cancer [at mayroon na ngayong] 17 hanggang 20 kada linggo.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "The age of first contact of the infection is getting younger and younger. Our youngest patient with cervical cancer is 15 years old," (Ang edad ng nagkakaroon ng impeksyon ay pabata nang pabata. Ang pinakabatang pasyente naming na may cervical cancer ay 15 taong gulang) inilahad niya.

    More from Smart Parenting

    Kaya naman naglunsad kamakailan ang Department of Health, sa pakikipagtulungan ng iba’t-ibang organisasyon, ng immunization program na nagkakaloob ng quadrivalent HPV vaccine sa mga paaralan sa buong bansa upang mabigyang-proteksyon ang mga kabataang babae laban sa mga sakit na dulot ng HPV infections.

    Ang programang ito ay dati nang isinakatuparan sa mga komunidad. Sa tulong ng mga rekomendasyon ng mga eksperto, binago ang paraan ng paghahatid ng serbisyo para maisakatuparan ang layunin ng DOH na bakunahan ang 720,000 na mga batang babae ngayong taon. Mula sa 20 probinsya, ang saklaw ng programa ay lumawak sa 56 probinsya at lungsod sa buong bansa.

    Ang quadrivalent HPV vaccine na ginagamit ng DOH sa programang ito ay matatagpuan sa mahigit 130 bansa sa buong mundo, at siya ring ginagamit sa kani-kanilang immunization programs. Kabilang sa mga binibigyang-lunas nito ay ang HPV type 6, 11, na pinaka-karaniwang dahilan ng kulugo sa ari, at type 16 at 18, na natukoy bilang pinakapangunahing dahilan ng cervical cancer sa buong mundo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang pinakabagong bakuna sa HPV, na nonavalent, ay lunas naman sa 9 uri ng HPV, kasama ang pito sa pinaka-karaniwan at pinakamalalang uri na nagdudulot ng kanser sa Pilipinas.

    More from Smart Parenting

    Sa kabuuan, ang HPV 16, 18, 45, 52, 58, 31, at 33 ang siyang alam na sanhi ng humigit-kumulang 85 hanggang 95% ng anal, vulvar, at vaginal cancers. Ang HPV 16 naman a sanhi ng 35% ng kanser sa ari ng lalaki.

    Tinatayang nasa 75 hanggang 80% ang posibilidad ng pagkakaroon ng HPV ng isang karaniwang tao. Sa buong mundo, mayroong naitalang 527,624 na bagong kaso ng cervical cancer sa bawat taon; 7,200 bagong kaso ng anal cancer; at 1,800 bagong kaso ng penile cancer.

    Kung gayon, ano ang pinakamabisang paraan para maiwasan ang kanser? Ayon kay Dr. Bravo, ito ay ang pagpapabakuna sa mga batang nasa edad 9 pataas, habang ang mga nasa edad 21 pataas ay hinihikayat namang magpa-HPV screening kada tatlong taon, hanggang edad 30. Para naman sa mas nakatatandang kababaihan, inirerekomenda ang pap smear kada tatlong taon, hanggang edad 65.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ipinahayag ni Dr. Bosch ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga uri ng HPV upang angkop itong mabigyang-solusyon ng bakuna na siyang pangunahing paraan upang maiwasan ito. "We have the possibility to prevent cancer by vaccinating," (Maari nating maiwasan ang kanser sa pamamagitan ng pagpapabakuna) aniya.

    Kapwa binigyang-diin nina Bosch at Bravo na kailangan pa rin ang tuluy-tuloy na pakikipagtulungan ng iba't ibang sektor para puksain ang HPV, at upang maipakalat pa ang kamalayan ukol sa HPV, sa kahalagahan ng screening, at pagpapabakuna laban sa cervical cancer. Kabilang sa mga sektor ang sumusunod: mga ahensya ng pamahalaan; non-government organizations; ang akademya; medikal na komunidad; pribadong sektor; ang media; lalo na ang mga nanay na mayroong pangunahing responsibilidad na paliwanagan ang kanilang mga anak upang mailigtas sila sa mga sakit gaya ng cervical cancer na kayang labanan sa pamamagitan ng bakuna.

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa A Wart in Your Genital or Penile Area Could Indicate an HPV Infection, Say Experts

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles