cancer,Tagalog,greener,lymphoma,Lymphoma | Smart Parenting,lymphoma, cancer, immune system problem, medical issues, white blood cells, blood cancer,Ang lymphoma ay isang uri ng cancer sa dugo na apektado ang white blood cells.
HealthYour Health

Namamaga Ang Mga Kulani Pero Hindi Masakit? Mainam Na Ipasuri Kung Lymphoma Ito

Ano ang lymphoma?

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Noong 2016, sa edad na 45. nasuri ng mga doktor si Myraquel Paguia-Lustre, ang nanay ng singer-actress na si Nadine Lustre, at napag-alaman na mayroon siyang sakit na non-Hodgkin lymphoma. Isa itong sakit na cancer sa kabilang sa grupo ng lymphoma.

Sumailalim sa surgery at chemotherapy si Myraquel, na naging matagumpay. Nitong August 2022, nagdiwang ng kanyang 51st birthday at umaasang ng mga kasunod pang taon. Aniya sa birthday post sa Facebook, "Thank you Lord for the gift of life."

Ito pa ang kanyang saloobin: "I dont know what the future holds, but one thing this experience has taught  me, it is how to cherish life and those little moments most people take for granted."

Ano ang lymphoma?

Ang lymphoma ay isang uri ng cancer na nagsisimula sa white blood cells, na tinatawag na lymphocytes. Bahagi ang mga ito ng lymphatic system. Malaki ang ginagapanang papel ng lymphocytes sa immune system bilang tulong sa paglaban ng katawan laban sa mga impeksyon at mga sakit.

May tatlong pangunahing uri ng lymphcytes:

B lymphocytes (B cells)

Ang B cells ang gumagawa ng mga protinang tinatawag na antibodies, na siyang tumutulong na protektahan ang katawan laban sa mga germs, tulad ng mga bacteria at virus.

T lymphocytes (T cells)

Maraming uri ng T cells. Ang ilan sa mga ito ay pumupuksa ng germs o di kaya abnormal cells sa katawan. Ang iba naman ay tumutulong na palakasin o di kaya pabagalin ang mga gawain ng iba pang cells sa immune system.

Natural killer (NK cells)

Inaatake ng NK cells ang cells na apektado ng virus o di kaya tumor.

Kapag naging abnormal ang paglaki at pagdami ng lymphocytes, ayon sa Memorial Sloan Kettering Cancer Center, nagkakaroon ng lymphoma. Nangyayari ito dahil ang genes na kumokontrol sa paglago ng cells ay hindi na gumagana nang tama. Ang nangyayari tuloy hindi napipigilan ang paglaki ng cells at pananatili ng mga ito sa katawan nang mas matagal kaysa sa dapat.

watch now

Mga posibleng sanhi ng lymphoma

Walang malinaw na sanhi ng lymphoma sa maraming kaso ng sakit na ito. Pero ayon sa mga eksperto, tumataas ang tyansang magkaroon nito kapag humihina ang immune system.

Mga halimbawa:

  • Pagsailalim sa organ o di kaya bone marrow transplantation
  • Paggamit ng mmunosuppressive drugs para sa naunang sakit
  • Pagkakaroon ng autoimmune diseases
  • Pagiging exposed sa ilang impeksyon, tulad ng mula mga bacteria na Helicobacter pylori,  hepatitis C virus, HIV virus, o di kaya human T cell leukemia/lymphotropic virus
  • Pagtanggap ng breast implant (pero bihira itong mangyari)

Mga uri ng lymphoma

Mayroong higit sa 70 na uri ng lymphoma, mula sa mabagal na paglago (slow growing) hanggang sa lubhang agresibo (highly aggressive). Nahahati ito sa dalawang malawak na grupo: non-Hodgkin lymphoma at Hodgkin lymphoma.

Non-Hodgkin lymphoma

Tinatayang mula 80 hanggang 90 percent ng non-Hodgin lymphona ay nagsisimula sa B cells, na siyang gumagawa ng antibodies sa katawan, ayon sa Leukemia & Lymphoma Society. Dumadami nang husto ang mga abnormal na lymphocyte at gumagawa ng marami pang abnormal cells. Namumuo ang mga ito hanggang maging bukol o tumor.

Kapag hindi nagamot ang sakit, dadami ang mga tumor at makukuyog ang normal white cells. Ang mangyayari tuloy, mawawalan ng kakayahan ang immune system na protektahan ang katawan laban sa mga impeksyon.

Maaari ring kumalat ang cancer cells. Kapag makarating ang mga ito sa lymphoid tissues sa spleen, digestive tract, at bone marrow, tinatawag ang sakit na primary extranodal lymphoma. Mayroong higit sa 60 na subtype ang non-Hodgkin lymphoma subtypes.

Hodgkin lymphoma

Kadalasang nagsisimula ang Hodgkin lymphoma sa B cells na siyang gumagawa ng antibodies, sa alin mang parte ng katawan. Ang malalaking parte ng lymphoid tissues ay:

  • Lymph nodes, o mga kulani
  • Lymph vessels
  • Spleen
  • Bone marrow
  • Thymus
  • Adenoids at tonsils
  • Digestive tract, kabilang ang tiyan at mga bituka

Bagamat puwedeng magsimula ang Hodgin lymphoma sa kahit saang parte ng katawan, ayon sa American Cancer Society, madalas itong sumulpot sa:

  • Dibdib
  • Leeg
  • Ilalim ng mga braso

Kumakalat ang cancer cells sa pamamagitan ng lymph vessels mula sa isang lymph node at isa pa. Kapag masyadong malala na ang sakit, maaaring pumasok ito sa dugo at kumalat sa iba pang parte ng katawan.

Mga sintomas ng lymphoma

Ito ang pangkaraniwang senyales:

Bukol sa leeg, ilalim ng braso, o di kaya sa may singit na namamagang kulani pero hindi masakit. Maaaring lumaki ang bukol sa pagdaan ng panahon. Maaari ring may tumubong isa pang bukol sa tabi ng naunang bukol o di kaya sa ibang parte ng katawan.

Narito ang mga iba pang posibleng senyales:

  • Lagnat na pabalik-balik kahit walang impeksyon
  • Pampapawis sa gabi habang natutulog (night sweats)
  • Pangangayat nang hindi sinasadya
  • Pangangati ng balat
  • Pagkahapo
  • Pagkawala ng ganang kumain 

Diagnosis at treatment

Payo ng mga eksperto na kung may nakakapang bukol sa leeg, ilalim ng braso, o di kaya singit at hindi naman namamagang kulani, mainam na komunsulta sa doktor, lalo na kung may nararamdaman na iba pang mga sintomas.

Bibigyan ka ng physical exam ng doktor nang masimulan ang diagnosis kung lymphoma nga ito, ayon sa Mayo Clinic. Pagkatapos, maaari irekomenda ang biopsy para makakuha ng sample ng lymph node at masuri ito.

Maaari ka ring pakuhain ng blood test at biopsy para naman sa bone marrow. Dagdag pa rito ang imaging test, tulad ng computed tomography (CT) scan, magnetic resonance imaging (MRI), at positron emission tomography PET). Mahalaga na magawa ang diagnosis nang matukoy kung lymhoma ang sakit at mabigyan ng treatment.

View More Stories About

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close