embed embed2
  • Mabisa Bang Panlaban Ang Surgical Mask Laban Sa Coronavirus?

    Ayon sa mga eksperto, mas mainam pa rin na maghugas ng kamay.
    by Jocelyn Valle . Published Feb 3, 2020
Mabisa Bang Panlaban Ang Surgical Mask Laban Sa Coronavirus?
PHOTO BY iStock
  • Patuloy ang pag-akyat ng bilang ng na-infect at nasawi dahil sa novel coronavirus (COVID-19). Sa kasalukuyan, mayroon ng 81,743 na namamatay sa 191,706  na confirmed na kaso sa buong mundo. Kaya naman ibayong pag-iingat ang mahigpit na payo sa lahat saan mang panig ng mundo.

    Ang pagsusuot ng mask — maging surgical mask o N95 mask man — ang kadalasang nauunang naiisip na paraan upang makaiwas sa sakit. Makakatulong ito kung tama ang pagsusuot at tuloy-tuloy ang paggamit, ayon sa isang artikulo na nailathala sa The New York Times noong January 23, 2020.

    What other parents are reading

    Tamang paggamit ng surgical mask laban sa COVID-19

    Pero ayun sa mga eksperto na nakapanaym ng The Times, wala pang nakikitang mataas na scientific evidence na nagpapatunay ng bisa ng surgical mask sa labas ng health care settings, tulad ng ospital. Ang mga pangunahing pag-aaral sa ganitong paksa (madalas randomized controlled trials) ay naka-pokus kung gaano kabisa ang pagsusuot ng surgical mask para sa mga health care workers laban sa mga impeksiyon mula sa mga pasyente. Napatunayan nila na ang tuloy-tuloy na paggamit ng surgical mask ay sadyang nakakatulong sa mga health workers.

    Ngunit paalala ni Dr. Julie Vaishampayan, chairwoman ng public health committee para sa Infectious Diseases Society of America, “the last line of defense,” o huling linya na ng depensa laban sa sakit, ang surgical masks. Nag-aalala sila na iniisip ng mga tao na magbibigay nang mas malakas na proteksyon ang pagsuot ng mask.

    Paliwanag ni Dr. Vaishampayan ang surgical masks na hindi lapat at selyado sa mukha ay may naiiwang puwang sa paligid ng bibig. Dahil dito, hindi nasasala lahat ng hangin na pumapasok.

    Ayon kay Dr. Amesh Adalja, isang infectious disease physician sa John Hopkins Center for Health Security sa United States, mas malaking problema ang hindi tamang paggamit ng mask. Maraming tao daw ay ipinapasok ang kamay sa ilalim ng mask upang kamutin ang mukha o pisilin ang ilong. Ang nangyayari tuloy ay pumapasok din ang contaminants papunta sa mata, ilong at bibig. Babala niya na huwag hubarin ang mask kapag sasagot ng telepono.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Sapat ba na proteksyon ang N95 mask sa bata?

    Pero sabi ni Dr. Adalja, ang mapipigilan ng surgical mask ay ang pagpasok ng malaking respiratory droplets na galing sa bahing at ubo ng ibang tao. Ang sabi pa niya, ang mga uri ng coronavirus ay kumakalat sa pamamagitan ng ganoong droplets.

    Sinang-ayunan eto ni Dr. Jay Ron Padua, FPPS, FPIDSP, isang pediatric infectious disease specialist sa San Lazaro Hospital. Paliwanag niya sa panayam sa SmartParenting.com.ph na ang surgical mask ay para sa droplet precaution kaya may hatid itong proteksyon, basta lumayo sa mga tao ng three hanggang six feet.

    Kung sakaling nakabili na ng N95 mask ay maaari pa rin itong magamit, payo ni Dr. Padua. Sabi niya ang N95 mask ay naging rekomendado para sa bisita ng ospital sa panahon ng measles outbreak dahil ang virus ay masyadong maliit na kaya nitong pumasok sa loob ng pores ng regular surgical mask.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Para sa mga sanggol, may hatid na mga problema ang paggamit ng N95 mask, o particulate respirator. Ang mga ito ay ibinahagi sa Smart Parenting ni Dr. Faith Buenaventura-Alcazaren, isang pediatric specialist sa Stratum Health Partners sa Centuria Medical Makati.

    What other parents are reading

    Wastong gamit ng protetcive mask para sa bata

    Una, mas lamang ang posibilidad na hindi sakto ang pagkapalat ng mask sa mukha ng sanggol o maliit na bata. Pangalawa, mas mahirap huminga sa respirator mask kesa sa open air kaya malamang na hindi makahinga ang sanggol. Pangatlo, hindi pipirmi sa lugar ang mask dahil magtatangka ang sanggol na tanggalin ito. 

    Paalala ni Dr. Buenaventura-Alcazaren, ang respiratory protection ay epektibo lamang kung tamang respirator ang gamit at alam ng gumagamit kung kailan at paano isuot ito at hubarin pagkatapos. Mahalaga din na itago ito alinsunod sa manufacturer’s instructions. 

    Diin ni doktora, “Masks tailored for young children 3 years old and up may be used, but only if the mask fits well. In hazardous air conditions, it is best to keep children indoors.” (Ang mga mask na gawa para sa mga batang 3 gulang pataas ay puwedeng gamitin kung sakto ang sukat nito. Kung mapanganib ang kundisyon ng hangin, mabuting manatili na lang sa loob ng bahay ang mga bata.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Ang mas mahalgang proteksyon kaysa sa pagsuot ng protective mask

    Sabi ni Dr. Vaishampayan pa niya na mas mahalaga ang paghuhugas ng kamay at pag-iwas sa mga taong may sakit kaysa sa pagsuot ng mask.

    Ang paghuhugas ng mga kamay — madalas at bago kumain — ay rekomendado sa lahat ng bansa. Dagdag pa ng mga eksperto na maghugas gamit ang sabon at tubig nang 20 segundo, kiskisin ang mga kamay, at siguraduhing lahat ng sulok ng mga kamay — kabilang ang mga palad at likuran ng mga kamay — ay nalilinis.

    Dagdag pa ng DOH ang panawagan ng World Health Organization (WHO) na sundin ang proper cough etiquette.

    • Dumistansya ang taong may ubo sa ibang tao.
    • Takpan ang ubo o bahing gamit ang tissue, panyo, o singit ng siko.
    • Sa mga wala namang ubo ay umiwas na sa mga taong may sipon o nagpapakita ng sintomas ng trangkaso. 

    Nagbabala na din ang DOH na sa ngayon ay iwasan ang pakikipag-kamay, paghalik sa pisngi, at pagkonsumo ng hilaw o di lutong pagkain.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close