-
On Postpartum Depression: 'Halos Masiraan na Ako ng Bait'
One mom shares her painful experience with postpartum depression and how she won that battle.by SmartParenting Staff .
- Shares
- Comments

Editor's note: After we shared the story of a mom who might have suffered from postpartum depression (PPD) and committed suicide, Pinay moms began telling their stories on our social media of emotional turmoil after childbirth, from anxiety to unexplained sadness, either wondering or suspecting PPD. The following was a message we received on our Facebook, which we felt deserved its own space. Written in Filipino (edits have been made for clarity), the mom, who asked we don't divulge her name, articulated her feelings of confusion and inadequacy, giving voice to the emotions many mothers out there find hard to express. We thank her and all the moms who have shared their story.
Hindi pala talaga biro ang postpartum depression (PPD). Noong mabasa ko ang mga articles ninyo, doon ko na-realize na pinagdaanan ko rin pala yun. Malungkot at parang pasan ko na noon ang mundo. Pakiramdam ko, nasa ibang mundo ako. Mag-isa. Halos masiraan na ako ng bait dahil sa sinasabi ng ibang tao. Nakaka-paranoid.Ang pinakamasakit sa postpartum depression ay yung walang nakakaintindi ng feelings mo. Paano nila maiitindihan yung mga pag-iisip kung saan pinagsisisihan mo kung bakit nagkaanak ka pa, na sana bumalik ka na lang sa dati...sa umpisa. Hindi ko talaga naranasan ang magkaroon ng katuwang sa pag-aalaga ng anak dahil nagtatrabaho ang asawa ko. Kaya ba ako may PPD? At syempre, bukod sa nag-aalaga ka ng bata, ikaw pa ang dapat makisama nang maayos sa iyong mga biyenan. Kaya ba ako may PPD?
What other parents are reading
Nagkaroon din ako ng hypertension at depression, at kinailangan kong uminom ng gamot. Pero, sa awa ng Diyos, lumipas ang limang taon, dalawa na ang anak ko, at nalagpasan ko rin ang ganitong depression. Bilib na bilib ako sa mga napagdaanan ang ganitong sitwasyon, na kagaya ko at nalagpasan din ito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng importante lang, huwag maging negatibo at huwag mawalan ng kumpyansa, kasi alam kong malalagpasan din natin ang iba't-ibang hirap na dumaraan sa atin. Dapat maging matatag at positibo tayo. Oo, mahirap ang ginagampanang papel ng isang ina, pero bigyan din natin ng oras na payapa ang isipan. Tanggapin mo nang maluwag sa loob ang mga aral na nararanasan mo. Huwag kang manghinayang sa bawat araw na lumilipas, dahil nagagawa mo pa rin na may pakinabang ang lahat.
What other parents are reading
Ang pagiging nanay ay hindi lamang natatapos sa pagpapalaki at pagpapaaral sa mga anak, dahil hangga't alam mong may naibabahagi ka ring aral sa anak mo, magagamit din nila iyon at maituturo sa susunod pang mga henerasyon. Iyon na lamang ang naging susi na mapagtagumpayan ko ang PPD, kaya laking pasalamat ko pa rin sa Diyos... hindi siya nagpabaya sa akin at sa pamilya ko.
Marami din akong nababasang mga comments na halos katulad din sa akin, at siguro nga ito rin ang paraan para matulungan ang ibang nanay na dumaraan sa ganitong sitwasyon para maging bukas ang isipan at pananaw nila sa PPD. Alam ko na hindi lang din ako ang dumaan sa ganung uri ng depression, marami pang nanay na nangangailangan ng maraming pang-unawa at pag-intindi at, higit sa lahat, respeto.
Sobrang pasasalamat ko sa Panginoon dahil hindi niya ako pinabayaan. At sa inyo Smart Parenting, salamat sa mga articles at information na ibinabahagi ninyo sa kagaya kong magulang na rin. Isa kayo sa nagbibigay ng patnubay kung paano maging mabuting halimbawa at inspirasyon para sa aming lahat.
CONTINUE READING BELOWwatch nowDon't be afraid to reach out if you are feeling anxious, helpless, or despondent. If you need someone to talk to, try the Center for Family Ministries (CEFAM). Call 426.4289 to 92 or email cefam@admu.edu.ph.
http://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/pinay-moms-share-postpartum-depression-struggles-a00041-20170209

- Shares
- Comments