-
Mga Institusyong May Libre O Abot-Kayang Psychiatric Services
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Kamakailan lamang ay may lumapit sa Smart Parenting Village para humingi ng recommendations ng mga doktor o institusyong nag-ooffer ng libre o di naman kaya ay abot-kayang psychiatric services. Agad namang nag recommend ang mga nanay at tatay sa Village, dahil na rin sa kanilang paniniwala na bawat maliit na sintomas ng depression na makita sa ating mga anak ay dapat agad na pinagtutuunan ng pansin.
Kaya’t kung nagdududa ka na may depression ang anak mo o di naman kaya ay kailangan mo ng counseling para sa iyong sariling mental health, narito ang ilan sa mga maaari mong tawagan:
LIBRENG SERBISYO
Amang Rodriguez Memorial Medical
Telephone Number: (02) 8941 5854
Consultation Hours: 8AM to 5PM
Location: Sumulong Highway Sto. Niño, Marikina
Mayroon silang libreng basic consultations at mga tinatawag na psychotherapeutic techniques para sa mga pasyente. Kailangan mo lang mag-book in advance dahil may cutoff ang kanilang registration.
Philippines General Hospital
Telephone Number: (02) 554-8400 loc. 2436 or 2440
Consultation Hours: 24 Hours
Location: Manila Astral Tower, 1730 Taft Ave, Ermita, Manila
Bente kwatro oras namang bukas ang librang psychiatric consultations dito sa PGH. Kailangan mo lang ding mag-book ng appointment in advance dahil madalas ay mahaba ang waitlist nila.
UST Graduate School’s Psychotrauma Clinic
Telephone Number: (02)406-1611 loc. 4012
Consultation Hours: Martes hanggang Sabado, 10AM to 5PM
Location: Ground Floor, Thomas Aquinas Research Complex Building
Nago-offer sila dito ng libreng assessment, evaluation, at counseling. Bukod pa rito, mayroon din silang individual at group therapy.
Ateneo Center for Family Ministries
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWContact Numbers: (02) 426-4289 to -92 or 0927-8639346
Consultation Hours: Scheduled by appointment
Location: Seminary Drive, Ateneo de Manila Campus, Loyola Heights, Quezon City
Kung gusto mo naman ng psycho-spiritual approach, dito ka maaaring pumunta. Mayroon din silang libreng psychiatric consultation. Maaari ring ang inyong buong pamilya ang sumailalim sa counseling dahil meron din silang family consultations.
ABOT-KAYANG SERBISYO
National Center for Mental Health
Phone Numbers: (02) 8531 9001 at (02) 8531 9002
Consultation Hours: Lunes hanggang Biyernes (maliban sa Huwebes)
Location: Nueve de Pebrero St., Mauway, Mandaluyong
Hindi man libre rito, mas mura pa rin ang kanilang fees kumpara sa ibang mga institusyon. Ang consultation sa kanila ay nagkakahalaga ng Php400. Ang maganda rito ay nagbibigay sila ng libreng gamot sa mga pasyente.
Amara Counseling and Training Center
Email: amaracenter2015@gmail.com
Consultation Hours: Weekdays, 10AM to 6PM
Location: 3 Ligaya, Isidora Hills, Quezon City
Ito ay isang Christian organization na nag-ooffer ng iba’t ibang uri ng counseling. Mayroon silang individual, couple, at family. Mayroon din silang psycho-educative seminars at workshops. Nagkakahalaga ng mula Php500 hanggang Php1,200 ang kanilang mga serbisyo.
What other parents are reading
Philippine Mental Health Association
Phone Number: (02) 9214958
Email: eis@pmha.org.ph
Consultation Hours: 7AM to 4PM
Location: 18 East Ave, Diliman, Quezon City
Ang non-profit organization na ito ay naglalayong palawakin pa ang kaalaman ng mga tao tungkol sa mental health. Mayroon silang mga psychiatric services kung saan ka makakakuha ng diagnostic assessment at evaluation para mas mapabuti ang iyong overall mental health. Mayroon din silang psychological services na mas komprehensibo para makatulong sa anumang indibidwal o pampamilyang issues na kailangan ninyong maresolba. Ang serbisyo nila ay nagkakahalaga ng Php1,000 para sa mga adults at Php1,500 para sa mga bata.
CONTINUE READING BELOWwatch nowBukod sa mga ito, inirekomenda rin ng mga nanay sa Village ang Christ the King sa may E. Rodriguez, Quezon City na nag-ooffer ng counseling sa halagang Php1,000 pababa. Nirekomenda rin ng mga nanay ang Jose Abad Santos Medical Hospital na malapit sa Binondo church. Ayon sa mga nanay, may mga psychiatrists doon na nago-offer ng libreng serbisyo. Maaari mo ring tignan ang website ng #MentalHealthPh para sa iba pang institusyon na maaaring makatulong.
Tandaan na ang mental health mo at ng iyong buong pamilya ay kasing halaga ng iyong physical health. Hindi mo dapat ipagsawalang bahala kung may nararamdaman ka mang kakaiba tulad ng persistent na kalungkutan, kawalan ng pag-asa o drive, at hindi nawawalang bigat ng pakiramdam. Kumonsulta agad sa mga medical professionals upang mabigyan ka ng tulong na akma sa iyong kundisyon.
Hindi ka nag-iisa. Maaari kang sumali sa aming online community na Smart Parenting Village para makasalimuha mo ang iba’t-ibang uri ng ina at maramdaman mong mayroon kang kasama sa kabila ng mga challenges na kaakibat ng pagiging nanay.

- Shares
- Comments