Tagalog,osteoporosis,greener,osteoporosis risk factors,Osteoporosis Risk Factors | Smart Parenting,osteoporosis, osteoporosis risk factors, sakit sa buto, paghina ng mga buto, pagrupok ng mga buto, bone health,May ilang pang osteoporosis risk factors, bukod sa pagtanda, kaya mainam na malaman kung paano mapangalagaan ang kalusugan ng mga buto.
HealthYour Health

Hindi Lang Pagtanda Ang Sanhi Ng Osteoporosis: 5 Risk Factors Na Puwedeng Maiwasan

Malaki ang kinalaman ng kakulangan sa exercise at nutrition, pati na pagkakaroon ng mga bisyo.
PHOTO BYShutterstock

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Bagamat malaki ang kinalaman ng pagtanda sa pagkakaroon ng osteoporosis, hindi lamang ito ang dahilan kung bakit humihina ang mga buto. May iba pang osteoporosis risk factors na dapat malaman nang mapangalagaan nang husto ang kalusugan ng mga buto.

Ano ang osteoporosis?

Ang osteoporosis ay isang kondisyong pangkalusugan na nagpapahina ng mga buto (weakening of bones), ayon sa United Kingdom National Health Service (NHS). Ang nangyayari tuloy, nagiging marupok ang mga buto sa paglipas ng mga taon at madali nang mabali.

Kapag nahulog, nadulas, o di kaya sumalpok ka sa matigas na bagay, at nabalian ka ng buto, doon mo lang malalaman mula sa diagnosis ng doktor na meron ka na palang osteoporosis. Wala kasi talagang sintomas ang sakit na ito, puwera na lang sa mga nakakatandang baluktot na ang likod.

Pinakadelikado ang mga buto sa pulso (wrist), balakang (hip), at gulugod (spine).  Pero, sabi ng mga eksperto, puwede ring madale ang iba pang parte ng katawan, tulad ng braso o di kaya pelvis, na siyang sumusuporta sa spinal column at pumuprotekta sa abdominal organs.

May pagkakataon din na nagiging mitsa ang pag-ubo at pagbahing sa pagkabali ng tadyang (broken rib) o di kaya ang bahagyang pagkabuwag ng gulugod. Ang pagkabali ng buto sa gulugod ay maaaring magdulot ng pangmatagalang kirot. 

Mga apektado ng osteoporosis

Tumataas ang posibilidad na magkaroon ng ganitong karamdamaman kapag mga ganitong osteoporosis risk factors, ayon sa pagkagrupo ng Mayo Clinic:

Unchangeable risks

Ito ang mga bagay na hindi kontrolado nino man, tulad ng:

Kasarian (gender)—Mas maraming kababaihan ang nagkakaroon ng osteopororis kumpara sa mga kalalakihan.

Edad (age)—Kapag nakakaedad, tumataas ang panganib na magkaroon ng osteoporosis.

Lahi (race)—Mas maraming Asian at Caucasian ang nagkakasakit ng osteoporosis kumpara sa ibang lahi.

watch now

Mana-mana sa pamilya (family history)—Kung may magulang o kapatid kang mayroon o nagkaroon ng osteoporosis, malaki ang posibilidad na magkaroon ka rin nito, lalo na kung nabalian ng tadyang (fractured hip) ang nanay o di kaya ang tatay mo.

Laki o liit ng pangangatawan (body frame size)—Ang mga kalalakihan at kababaihan na may maliit na pangangatawan ang kadalasang tinamaan ng osteoporosis dahil siguro mas kaunti rin ang kanilang bone mass.

Hormone levels

Mas tinatamaan ng osteoporosis ang mga taong masyadong marami o di kaya kaunti na partikular na uri ng hormone sa kanilang katawan.

Mga halimbawa:

Sex hormones—Kapag bumaba ang lebel ng ganitong hormone, humihina na ang mga buto. Nangyayari ito sa mga kababaihan sa pagsapit ng menopause o di kaya sa mga sumailalim ng gamutan para sa breast cancer. Sa mga kalalakihan naman kapag sumailalim ng gamutan para sa prostate cancer.

Thyroid problems—Ang pagkakaroon ng masyadong maraming thyroid hormone sa katawan ay maaaring magdulot ng paghina ng mga buto. Nangyayari ito kapag overactive ang iyong thyroid, tulad sa kaso ng hyperthyrodism. Isa pa, kapag umiinom ka ng gamot para sa underactive naman na thyroid, gaya sa hypothyroidism.

Other glands—Iba pang dahilan ang overactive parathyroid at adrenal glands.

Dietary factors

May kinalaman ang kinakain at hindi kinakain sa pagkakaroon ng osteoporosis.

Low calcium intake—Kilala ang calcium sa pagpapalakas ng mga buto, kaya kung kulang ng ganitong nutrisyon ang katawan sa mahabang panahon, manghihina ang mga buto.

Bukod sa gatas at produkto mula sa gatas (dairy), mayaman sa calcium ang mga madahon at berdeng gulay, pati na soybeans at buto ng isda (tulad sa de latang sardinas)

Eating disorders—Hindi lang ito basta pagde-dyeta, bagkus mas malalim na problema kung bakit ayaw kumain (anorexia) o sinusuka ang kinakain (bulimia). Kinukulang tuloy ng sustansya ang katawan at humihina ito, pati ang mga buto.

Gastrointestinal surgery—Ito iyong operasyon para paliitin ang bituka para magbawas ng timbang o di kaya malutas ang problema sa tiyan. Lumiliit din ang kakayahan ng katawan na makakuha ng sustansya, tulad ng calcium.

Steroids at iba pang medications

Ang pangmatagalang pag-inom o paggamit ng gamot na corticosteroid, tulad ng prednisone at cortisone, ay nakakasagabal sa pagtatag ng mga buto. Ganyan din ang epekto ng mga gamot para sa seizures, gastric reflux, cancer, at transplant rejection.

Medical conditions

Mas malaki ang posibilidad ng magkaroon ng osteopororis kapag may iba pang karamdaman, gaya ng celiac disease at inflammatory bowel disease (IBS), pati na sakit sa bato (kidney) o di kaya atay (liver), cancer, multiple myeloma, at rheumatoid arthritis.

Lifestyle choices

Malaki ang kinalaman ng uri ng pamumuhay sa pagkakaroon ng osteoporosis, tulad ng:

Sedentary lifestyle—Ito iyong pagiging, ika nga, allergic sa paggalaw at lalo na sa exercise. Kung panay ang upo at higa ang ginagawa mo sa buong araw, manghihina ang mga buto mo. Kailangan ng katawan mo ang exercise, tulad ng paglalakad, pagtakbo, at paglundag. Idagdag na rin ang pagsasayaw at weightlifting.

Excessive alcohol consumption—Ang labis na pag-inom ng alak ay nakakahina rin ng mga buto.

Tobacco use—Isa pa ang paninigarilyo sa osteoporosis risk factors na maaari namang iwasan nang maisalba ang mga buto sa tuluyang paghina at pagrupok.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close