embed embed2
Paano Gumawa Ng Salabat At Anu-Ano Ang Mga Benepisyo Nito?
PHOTO BY iStock
  • Ang salabat ay inuming gawa sa pinakuluang luya. Madalas itong iniinom sa mga bansang tulad ng India at China. Ginagamit din nila itong lunas sa indigestion, pagsusuka, trangkaso, sipon at iba pa. Dito sa atin sa Pilipinas, madalas iniinom ang salabat kapag makati o hindi kaya ay masakit ang lalamunan. 

    Ang luya ay sagana sa vitamin B3 at B6, maging sa iron, potassium, at vitamin C kaya naman kasali ito sa mga recommended dietary ingredients.

    Paano gumawa ng salabat?

    Ingredients:

    2 piraso ng sariwang luya, dikdikin ng pino

    4 na baso ng tubig

    2-3 teaspoon brown sugar

    Procedure:

    1. Pakuluan ang dinikdik na luya sa apat ng baso ng tubig ng pito hanggang walong minuto.

    2. Lagyan ng dalawa hanggang tatlong kutsaritang brown sugar para pampalasa. Pwede ka ring gumamit ng honey kung ayaw mo ng brown sugar. Maari mo rin itong haluan ng kalamansi o hindi kaya ay lemon, depende sa iyong panlasa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Anu-ano ang mga benepisyo sa pag-inom ng salabat?

    Ayon kay Dr. Rafael Castillo isang public health educator, espesyalista sa internal medicine at cardiology, maraming benepisyo ang pag-inom ng salabat.

    • Nagpapaganda ng sirkulasyon ng dugo sa katawan—lalo na sa mga may mataas na blood pressure.
    • Nakakatulong sa paglaban sa mga viruses at bacteria para palakasin ang ating resistensya.
    • Maganda itong panlaban sa dysmenorrhea.
    • Nakakatulong ito para maibsan ang arthritis at pananakit sa ibang bahagi ng katawan.
    • Mabisa rin itong panlaban sa stress.
    • Maganda itong inumin pagkatapos kumain dahil mabisa itong panlaban sa sakit ng tiyan at indigestion.
    • Nakakatulong din ito sa pag-improve ng memory at iba pang functions ng iyong utak.

    Bukod pa sa mga nabanggit, narito pa ang ilang mga benepisyo ng pag-inom ng salabat:

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    (Tandaan: Mas makabubuti pa ring kumonsulta sa mga doctor kung mayroon kang nararamdaman sa iyong katawan. Bagaman magandang gawing paunang lunas ang mga halamang gamot, mas makabubuti pa ring kumonsulta sa mga medical professionals.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Nakakatulong ito para ibsan ang ubo at sipon

    May taglay na antihistamine properties ang luya kaya maaari mo itong gamiting paunang lunas kung mayroon kang ubo at sipong dala ng malamig o pabago-bagong panahon.

    Maaari itong makatulong sa iyong morning sickness

    Dahil sa analgesic at anti-edemic properties na taglay ng luya, mabisa itong paunang lunas sa mga nararamdaman mong pagkahilo habang ika'y nagbubuntis. Bago ka uminom nito, tanungin mo muna ang iyong OB-GYN tungkol dito. May mga buntis na hindi hiyang ang pag-inom ng salabat—mahalagang magtanong muna sa doktor para maiwasan ang ano mang komplikasyon.

    What other parents are reading

    Kaya nitong patibayin ang iyong immune system

    Likas na may antioxidant ang luya kaya mabisa itong pampalakas ng immune system. Kung buntis ka o breastfeeding, ikonsulta mo muna sa iyong doktor kung pwede kang uminom nito. Gayon din kung papainumin mo ang iyong mga anak.

    Mabisa itong lunas sa migraine at insomnia

    Kung madalas kang atakihin ng migraine, makakatulong sa iyo ang pag-inom ng salabat. Makakatulong din ito sa iyo kung hirap kang matulog sa gabi.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Maaari itong makatulong para pababain ang iyong blood sugar level

    Kung masyadong mataas ang iyong blood sugar level, makakatulong ang pag-inom ng salabat na may kaunting honey. Mahalagang kumonsulta ka muna sa doktor bago mo ito inumin dahil wala pa ring makakapalit sa mga gamot na ibibigay ng mga medical professionals. Mahalaga ring tanungin mo kung pwede mo bang inumin ang salabat kasabay ang iyong mga gamot para sa mataas na sugar level.

    What other parents are reading

    Bukod pa sa mga ito, may ilang pag-aaral na rin na sumusuri sa properties ng luya para makita kung maaari ba itong gamiting panlaban sa maagang paglabas ng Alzheimer's Disease. Ayon sa mga eksperto, nakakatulong ang salabat para panatilihing alerto ang utak ngunit marami pa silang kailangang aralin tungkol dito.

    Tinitignan din ng mga eksperto ang kakayahan ng luya na natural na lusawin ang mga kidney stones. Bukod pa riyan, ilang eksperto na rin mula sa Michigan University ang nag-aaral ng kakayahan ng luya na pumuksa sa cancer cells, lalo na ang mga uring nagdudulot ng lung, ovarian, prostate, breast, at colon cancer. Ayon sa kanila, ang gingeroil na taglay ng luya ang compound na mayroong anti-metastatic properties na maaaring pumuksa sa cancer cells.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mahalaganga Paalala: Ang mga ito ay hindi medical advice. Importanteng kumonsulta muna sa iyong doktor bago uminom ng salabat lalo na kung ika'y buntis o nagpapasuso. Kung madalas kang uminom nito, maaari ka ring makaranas ng heart burn, diarrhea, o sakit ng tiyan, lalo na kung hindi mo ito hiyang. Kumonsulta muna sa doktor bago ito gawing regular na inumin.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles