-
Pagkawala Ng Pang-Amoy Sinasabing 'Early Indicator' Ng COVID-19
Hindi permanente ang hatid na pinsala ng viral infection sa sense of smell.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Nang kinumpirma kamakailan ni Michael V na positive siya sa COVID-19, sinabi ng comedy actor at singer na lumakas ang hinala niya na tinamaan nga siya ng sakit dahil nawala ang kanyang pang-amoy o sense of smell.
“Hindi naman tumaas nang todo ang temperature ko. I mean, the highest was 37.1 as of kanina, pero may flu-like symptoms talaga,” kuwento ng lead star at creative director ng GMA-7 shows na Bubble Gang at Pepito Manaloto sa kanyang YouTube channel na uploaded noong July 20, 2020.
“And a few hours ago, parang merong weird sensation dito sa may nasal area ko,” dugtong niya, sabay turo sa kanyang ilong.
“Isa sa symptoms daw ng COVID is ’yung loss of smell at saka taste. It could be something like that…Wala akong maamoy ngayon. Kumuha ako ng strong perfume na normally ginagamit ko, alcohol, eucalyptus, food, medyo weird. Wala akong masyadong maamoy.”
Dagdag pang kuwento ni Michael V na sa fifth day ng kanyang self-isolation sa kanyang family residence ay nagpatuloy ang flu-like symptoms at slight body pains. Pero “pinaka-bad trip iyong wala pa rin akong maamoy.”
Sumunod na araw, nawala naman daw ang kanyang panlasa o sense of taste. Aniya, “Feeling ko at this stgage, na nawawala ’yung lasa, dito nawawalan ng gana kumain. Kasi parang hindi kumpleto ’yung ginagawa mo. Hindi mo maamoy and hindi mo malasahan, and yet kailangan mo kumain para malabanan ’yung virus. So, kain ka lang.”
Nang dumating ang eighth day, nakuha ni Michael V ang resulta ng kanyang swab test, at positive nga ito. Mabuti na lang daw ay negative naman ang kanyang asawa. Patuloy siyang nakahiwalay ng kuwarto habang nagpapagamot upang hindi mawaha ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSamantala, nabalita naman nitong July 24 na natuklasan na ng mga scientist kung bakit maraming COVID-19 patients ang nakakaranas ng pagkawala ng kanilang sense of smell. Ang mabuting balita, ayon sa ulat ng USA Today newspaper ay pansamantala o temporary lang itong nangyayari dahil hindi naman napipinsala ang mismong cells sa ilong na responsable sa pang-amoy.
Tinatawag ng mga doktor ang temporary loss of smell bilang “anosmia.” Isa daw ito sa “earliest and most commonly reported indicators of COVID-19.” Katunayan, may mga pag-aaral nang ginawa na nagsasabing better predictor ito na infected nga ang isang tao kesa sa lagnat at ubo.
Ngunit hindi pa daw malinaw kung bakit nawawala pansamantala ang pang-amoy ng taong dinapuan ng COVID-19. Inakala kasi noong nagsisimula pa lang dumami ang mga kaso na nagkakaroon ng pinsala o pamamaga sa olfactory sensory neurons, na siyang nagde-detect at nagta-transmit ng sense of smell sa brain.
Sa isang pag-aaral na nailatha noon ding July 24, napag-alaman ng mga researcher na ang virus SARS-CoV-2, na siyang sanhi ng COVID-19, ay inaatake ang cells na sumusuporta lamang sa smell-detecting neurons at hindi iyong mismong neurons.
Nagbigay paliwanag si Sandeep Robert Datta, isang professor ng neurobiology sa Harvard Medical School at co-author ng pag-aaral na posted sa Science Advances. Aniya, binabago ng novel coronavirus ang sense of smell ng mga pasyente hindi sa direktang pag-infect sa neurons, bagkus sa function ng supporting cells.
Ibig daw sabihin, hindi permanente ang pagkasira ng infection sa olfactory neural circuits ng mga pasyente. Kapag napuksa na ang impeksyon, wala sa mga neuron ang dapat palitan o buuin muli. Gayunpaman, diin ni Datta na kailangan pa nila ng mas maraming data at mas mabuting pagkakaintindi sa mga underlying mechanisms para siguradong tama ang kanilang conclusion.
CONTINUE READING BELOWwatch nowSabi pa sa ulat na kadalasan na bumabalik ang sense of smell ng COVID-19 patients sa loob ng ilang linggo. Mas maiksi ito kumpara sa pinsala mula sa ibang viral infections na ilang buwan ang bibilangin bago gumaling ang olfactory neurons ng pasyente.
What other parents are reading

- Shares
- Comments